☆AM 18

27.3K 315 26
                                    

Chapter 18

   RHEN JEYVI • • •

Nabati ko na si Grace kagabi. Naibigay ko na rin yung regalo ko para sa kanya. Aish. Bakit parang hindi naman ako masaya? Tsk. E masaya naman siya.

"Oy, pre! Gago ka!" May kumakalampag na naman sa gate ng bahay namin.

Napatayo ako kagad. Mahirap na. Nadala na ako sa tatay ni Clarisse. Pagkabukas ko, si MJ pala. Ano kayang problema nito? Kay aga-aga eh.

"Uy, pre!" bati ko sa kanya habang pilit na tumatawa. "Problema natin? Meron ba?"

"Siraulo ka pala eh. Problema? Ikaw, anong problema mo?" Mukhang mainit na mainit ang ulo, ah.

"Ano ba kasi?" Ako mapipikon sa lokong 'to eh.

"Si Clarisse."

Natahimik ako sa sagot niya. Mukhang seryosong seryoso siya. "O? Anong problema kay Clarisse?" tanong ko.

Mas sumama ang tingin niya sa'kin. "Nakita niya kayo kagabi."

Natigilan ako sa sinabi niya at napaisip. Hindi ko pansin na napangisi pala ako. "E ano naman?"

Nakita kong itinaas niya ang kamao niya at susuntukin ako. Mabuti't naka-iwas ako. "Gago ka talaga, ano?" nagpipigil-galit na sabi niya. "Nagbubulag-bulagan ka ba, gago, tanga, manhid, o ano? Nakita ko siya kahapon. Nakita niya kayo. At alam mo kung anong itsura niya kagabi? Umiiyak siya, Rhen... at basang basa rin siya sa ulan."

Umiiyak siya, Rhen... at basang basa rin siya sa ulan.

A-ano raw? Si Clarisse? "B-bakit?" alam kong napakatanga ko para magtanong pa nang ganon gayong given naman na yung sagot.

"Siraulo ka." Humina na ang boses niya at dahan-dahan na siyang kumalma. "Ikaw na ang hahanap ng sagot sa tanong mo, pre. Ito lang ang masasabi ko sa'yo: magdesisyon ka. Ayusin mo. Simulan mo nang mag-isip. Linawin mo na sa kanya ang lahat. Wag mong paasahin yung tao. Wag mo rin siyang sasaktan nang harapan. Mag-ingat ka kahit konti. Makita ko lang siyang umiyak ulit dahil sa'yo, tss. Tandaan mo, sila ng anak mo ang kukunin ko." Ngumisi siya at umalis na.

Naiwan akong nakatayo rito sa harap ng bahay namin habang dina-digest lahat ng sinabi niya. Ngayon, naguguluhan na ako. Gulong-gulo na ako. Tsk! Shit talaga. Pati tuloy ang ganitong bagay, big deal na ngayon. Sht.

"O? Rhen?" Nagulat ako nang makita ako ni mama. "Sino yun? May problema ba?"

"Si MJ lang, ma," simple kong sagot. "May konti lang pong nangyari sa'min ni Clarisse."

Tinitigan lang ako ni Mama. Napahinga tuloy ako nang malalim. "Anak, kung anuman 'yan, gusto ko sanang maayos niyo. Magpapasko pa naman na," malungkot na sabi ni Mama at tinapik ako sa balikat.

"Sige, ma."

**

To: Clarisse... Usap tayo.

Kanina pa ako type nang type at bura nang bura ng kung anong sasabihin ko kay Clarisse, hanggang sa 'yon na nga lang ang nasabi ko. Naghintay ako ng ilang minuto pero wala siyang reply kaya nag-type ulit ako ng panibagong message.

To Clarisse: Clarisse. May problema ba tayo? Kausapin mo ako. Wuy.

Ilang minuto ulit ang lumipas, pero walang ni-isang reply. Simula nung gabi pagtapos ng Christmas Party, hindi na kami nagkausap o nagkita. Ngayon nga, ginagawa ko na ang sinabi ni mama—ang pakikipag-ayos sa kanya. Hindi ko ginagawa 'to dahil lang sa sinabi ni mama. Syempre, ayoko rin naman na may tampo siya sa'kin sa panahong ganito.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon