☆AM 46

22.6K 265 4
                                    

Chapter 46

   CLARISSE SHAINA • • •

From: Mj

Sige na pls? Friendly date lang naman e. Bday ko naman bukas e. Pls? Di naman natin sasabihin kay Rhen. Saka wala naman tayong masamang gagawin. Samahan mo lang ako kumain tutal wala sina mommy sa bday ko...

I heaved a sigh bago ako nag-reply. Kagabi pa niya kasi ako inaaya na samahan ko siya sa birthday niya.

To: Mj

Sige na nga. :D

Nag-reply siya kaagad.

From: Mj

Yeheyy! Thank you, mommy! Loveyou!

Hay. Wala naman sigurong masama kung papa-unlakan ko yung imbitasyon niya, di ba? After all, kaibigan ko pa rin siya at espesyal pa rin siya sa'kin. Siya pa rin yung MJ na malaki ang naitulong sa'kin nung hindi pa kami okay ni Rhen. Besides, wala nga naman kaming gagawing masama.

"Babe," tawag sa'kin ni Rhen, "ayos ka lang? May problema ba?"

Umiling ako at tinago ko na yung cellphone ko. Si baby Rhennan naman yung kinuha ko.

"Isang linggo tayong hindi nagkita tapos ngayong lalabas tayo nang magkasama, para namang hindi ka masaya," nakasimangot na sabi ni Rhen.

Tinawanan ko siya. "Baliw ka talaga. Siyempre masaya ako. First date natin 'to with Rhennan eh."

Mas maganda nga siguro kung hindi ko sasabihin kay Rhen. Baka kasi hindi ako payagan o kaya baka awayin na naman niya si MJ.

"So, tara na?"

"Tara."

**

Sa mall kami unang pumunta nina Rhen. Ibibili rin kasi namin si Rhennan ng stroller niya. Sakto rin 'yon kasi magagamit namin ngayon. Medyo mahirap din kasing magkarga ng sanggol.

"Yung blue nalang," sabi ko kay Rhen habang tinuturo ko yung blue na stroller.

"Ano sa tingin mo, baby?" tanong ni Rhen sa karga niyang si Rhennan. "Okay ba? Bilhin na natin ah?"

Kinuha na namin yung stroller at binayaran na. Excited naman na nilagay ni Rhen si Rhennan sa bago niyang stroller. Nakipagtalo pa nga siya sa'kin kung sino ang magtutulak. Parang bata, pero sa huli, dahil daw mahal na mahal niya ako, pumayag din siyang ako ang magtulak at siya naman ang tagabitbit ng mga pinamili namin. Binilhan niya ng konting damit at laruan si Rhennan habang ako naman, binilhan niya ng damit. Bayad daw niya 'yon sa pagiging absent niya nang isang linggo.

Umupo muna kami sa may bench sa may labas ng mall kung saan masarap yung simoy ng hangin.

Pareho rin kaming nakatingin ni Rhen dun sa isang family na nasa tapat namin. May isang babae, lalaki, at isang maliit na batang lalaking mga nasa seven years old siguro.

Naramdaman kong ginalaw ni Rhen yung kamay niya at hinawakan yung akin. "Clarisse, darating yung araw na lalaki na rin si Rhennan. Excited na ako. Sana mapalaki natin siya nang maayos, ano? Sana kahit bata pa tayo ngayon, mabigyan natin siya ng magandang future. Sana mapalaki natin siya nang tama para, alam mo na, hindi siya magaya sa'tin," sabi ni Rhen habang diretso pa rin doon sa mag-anak ang tingin niya.

Napangiti naman ako. "Syempre gagawin natin 'yon... lero sana hindi ka magsawa sa'kin ah. Sana hanggang huli, tayo pa ring dalawa."

Mas hinigpitan niya yung hawak niya sa kamay ko. Nginitian din niya ako. "Syempre naman. Mahal na mahal na mahal ko kaya kayo ng anak natin. Hindi ko siguro alam kung pano mamuhay 'pag nawala kayo."

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now