☆AM 40

23.2K 228 22
                                    

Chapter 40

   CLARISSE SHAINA • • •

Mainit at mahigpit na yakap ni mama ang sumalubong sa'kin pagkaapak ko sa bahay namin. Sobrang na-miss ko ang bahay na 'to. Sobrang na-miss ko sina .ama at papa pati na rin sina Kyla at Keisha. 

"Mama, hindi ka po ba masaya na nakauwi na ako?" medyo pabiro kong tanong kay Mmama nang mapansin kong heto na naman siya.

"Akala ko kasi okay na eh. Akala ko nagtagumpay na yung plano namin," sabi niama.

I sighed. "Mama, nagawa niyo na po ang lahat. Siguro po enough na po ang mga nangyari para maniwala kayong hindi po talaga kami ni Rhen ang para sa isa't isa."

Binigyan ako ng tipit na tipid na ngiti at tinanguan niya ako. "Siguro nga, anak." Bagama't alam kong may pagtutol siya, pinili nalang niyang intindihin ako.

"Thanks, ma."

**

August.

Lumipas ang mga araw at linggo. Masaya ako kasi unti-unti na namang bumabalik sa ayos ang buhay ko. Idagdag pa na malapit na ring lumabas sa wakas si baby ko. Excited ako na kinakabahan.

Balik na sa dati ang buhay ko rito sa bahay. Kasa-kasama ko na ulit dito ang pamilya ko at halos araw-araw na ulit akong ginugulo--este binibisita ni MJ. Kagaya nalang ngayon...

"E na-miss ko talaga  kayo ni Chase eh!" paglalambing niya sa'kin.

"Na-miss e parang kahapon nandito ka lang ah. Bakit ka ba dumadalaw ulit ha?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Ayaw mo ba?" naka-pout na tanong niya.

"Hindi naman sa ganun, pero dumadalas na yata eh."

Mas lalo siyang sumimangot. "Mas gusto ko kasi rito eh. Paano ba naman, may isang wirdong babae sa school na grabe kung makasunod sa'kin. Stalker ko na yata yun eh."

Tinawanan ko siya. Naalala ko tuloy si Macey--yung impaktang linta.

"Hindi ka ba magseselos?" tanong ni MJ.

"Bakit naman ako magseselos?"

Mas lalo siyang sumimangot.

"Bakit ako magseselos kung alam kong ako ang mahal mo?" nakangiti kong bawi.

"I love you," nakangiti niyang sabi at nag-backhug sa'kin. Busy pa naman ako ngayon sa pag-iinternet. Sabado kasi eh. 

Sasawayin ko sana si MJ pero naunahan ako ng tunog ng chat box ko.

Ranier messaged you!

In-open ko 'yon kagad.

Ranier: Hi Clarisse! Musta kana? Pwedeng video chat tayo?

Ngayon ko lang ulit siya makakausap kung sakali.

Magta-type na sana ako ng reply nang makaramdam ako ng presensya ng isang taong nagseselos--si MJ. Nginitian ko si MJ na parang ina-assure ko siya. "Kaibigan ko si Ranier. Ka-schoolmate siya ni Rhen. Mabait siya."

Naki-upo si MJ sa tabi ko. Tumawag nga si Ranier at in-accept ko naman. Siya at isang babae ang nasa screen. Nakangiti sila sa'kin. Nandun din si Aaron na mukhang nalugi.

"Hi, Clarisse! Ganda mo pa rin ah! Pero sorry kung may mas maganda na sa paningin ko ah. Clarisse, meet my girl," inakbayan niya palapit sa kanya yung cute girl na kasama niya, "Jessica."

"Hi, Clarisse! It's nice at nakita na rin kita," bati nung girl. 

Hindi ko naman maitago ang saya ko para sa kanya. "Naks naman, Ranier! I'm glad at nakita mo na ang girl mo! Hi din sa'yo, lucky girl ni Ranier!"

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora