☆AM 6

30.1K 394 11
                                    

Chapter 6

   CLARISSE SHAINA • • •

Positive... B-buntis ako.

Lumabas ako at agad na niyakap si ma'am Ai. "I'm sorry po... I'm sorry po," humihikbi kong bulong sa kanya. "Hindi po namin naisip 'to... Sorry po."

Kinuha niya yung P.T. na hawak ko, at halatang nagulat siya sa nakita niya. "Oh my..."

"I'm sorry po talaga..." Napayuko nalang ako.

"Ayos lang, Clarisse." Ma'am Ai hugged me again until I felt comfortable. "Maupo muna tayo. Ikukuha kita ng tubig."

Iyon ang ginawa ni ma'am habang umupo naman ako at nagpatuloy sa kahihikbi. Ngayong nandito na, hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Kung may naiisip man akong solusyon, that's commiting suicide, but I know it's the worst thing to do. Napaka-stupid na solusyon non para sa problemang ako naman ang gumawa.

"Uminom ka muna." Inabutan ako ni ma'am Ai ng isang baso ng tubig na ininom ko naman agad. Naupo siya sa tapat ko. "Ano nang plano mo ngayon?" she asked.

I shake my head hopelessly. "Honestly, hindi ko pa po alam."  Ang blangko ng isip ko para sa mga solusyon. Puro negative thoughts and possibilities lang ang tumatakbo sa isip ko.

"Sabihin muna natin kay Rhen," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"No," mabilis kong saad.

"Anak, he has the right to know. This is just not yours to bear. Kasama mo siyang pumasok sa sitwasyon na 'to kaya kailangang dalawa rin kayong susuong," she said.

Umiling ako. "Ayoko po. Paano po kung itanggi niya? Paano kung iwan niya ko sa ere? Masyado na pong mabigat ang pakiramdam ko. Ayoko na pong madagdagan niya."

Hinawakan ni ma'am Ai ang kamay kong nasa mesa. "Anak, kilala ko si Rhen. Ganun man 'yon kung titignan, napakaresponsableng bata nun. Ramdam kong hindi tatakbo 'yon sa responsibilidad niya."

"Iba po 'to... Malaki at mabigat na responsibilidad na po ito."

"Wag nating pangunahan, Clarisse. Rejection is better than regret. Papupuntahin ko si Rhen, huh?"

Wala na akong nagawa. Maybe she's right. Pinanood ko nalang si ma'am Ai na kunin ang phone niya at tawagan si Rhen. Nang sumagot si Rhen, bigla akong kinabahan.

"Hello, 'nak. . . Mm, magkita sana tayo ngayon. May sasabihin lang ako." Napatingin sa'kin si ma'am. "Hm, mamaya nalang pagdating mo. . . Sa foodcourt, ngayon na sana. . . Okay. Ingat ka ha? Sige." Binaba niya yung phone niya at pinatong na sa mesa. Tipid siyang ngumiti sa'kin. "Pupunta siya."

**

After almost thirty minutes, dumating nga si Rhen. I saw how surprised he was when he saw me. Ako rin naman kasi. Hindi pa ako ready na makausap siya tungkol sa bagay na 'to. Hindi pa ako handa sa mga sasabihin ko. I just looked away and  bowed my head. Si Rhen naman, tahimik na lumapit at naupo sa tabi ni ma'am Ai. Nasa tapat ko na siya.

It is awkward. Moment of truth na ito. Ngayon ko na malalaman kung kaya akong panindigan ni Rhen.

"Rhen, anak, aware ka sa nangyari, di ba?" tanong ni ma'am Ai.

Bahagya akong tumingin sa kanya at nakita ko naman siyang tumango.

"Anak, hindi kasi simple lang yung ginawa at pinasok niyo. Alam mo yung pwedeng mangyari, di ba?" Natahimik sila saglit. "Nangyari, Rhen... Nagbunga yung ginawa niyo."

Nanigas ako nang marinig kong sabihin 'yon ni ma'am Ai. I didn't expect her to say those words for me. Kung sabagay, alam niyang wala akong lakas ng loob para sabihin 'yon.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon