☆AM 37

21.8K 266 15
                                    

Chapter 37

   CLARISSE SHAINA • • •

"Ranier."

Hinigit ako ni Ranier palayo kay Macey. Dinala niya ako sa lugar ng campus na kung saan ay walang tao. Tinanggal ko yung kamay ko sa kanya nang huminto na siya.

"A-ah, s-salamat, Ranier ah. Sige, mauna na ako. Baka hinahanap na ako ni Rhen eh. Thanks ah! Bye!" at tumalikod na ako.

"Clarisse, gusto kita."

Natigil ako sa paglakad nang marinig ko siya. Hinarap ko siya. Hindi ako makapaniwala. Ang bilis naman kasi. Ilang araw palang kaming magkakilala tapos... ako, gusto na niya?

Naglakad siya palapit sa'kin. "Seryoso ako, Clarisse. Alam kong hindi totoo yung sa inyo ni Rhen. Alam kong ginagamit ka lang niya para makaiwas kay Macey. Alam ko rin ang ugali ni Macey. Gusto kitang tulungan, Clarisse. Gusto kitang ilayo sa kanilang dalawa. Gusto kita, Clarisse. May gusto ako sa'yo... Maybe we could work with it?"

   RHEN JEYVI • • •

Talaga palang pag mahal mo ang isang tao, gagawin at gagawin mo ang lahat. Tarages. Ang layo pa ng pinagkunan ko ng fish balls ni Clarisse! Lumabas pa ako ng campus at sumakay pa ng tricycle makabili lang!

Pero mas nagulat ako nang wala na si Clarisse pagbalik ko. Wala kasi si Clarisse.

"Manang, yung kasama ko po?" tanong ko agad dun sa tindera dito sa kainan.

"Hindi ko napansin, hijo, eh. Inayos ko kasi kanina yung mga pinamili naming stock ng mga rekado. Baka nasa labas lang at nagpapahangin," sagot niya.

"Ah, sige po. Salamat."

Halos tumakbo ako papunta sa labas. Hinanap ko si Clarisse pero wala siya. Tatawagan ko na sana siya nang bigla kong nakita si Macey. Mukhang hindi maganda ang nararamdaman ko ngayon. Parang may masama akong hinala. Saktong napatingin sa direksyon ko si Macey. Agad siyang lumapit sa'kin at kagaya noon, pinulupot na naman niya ang sarili niya sa'kin.

"Aww, I really missed this feeling, Rhen. I miss you. I really can't be wrong. Ako talaga ang mahal mo."

Kinalas ko naman ang sarili ko sa kanya. "Stop it, Macey. Nasan si Clarisse? Anong ginawa mo sa kanya?"

"Hey, hey. Are you blaming me?"

"Nasan si Clarisse, Macey?" pag-uulit ko.

She laughed. "Why can't you just love me? Why can't you just love the one who is in front of you, waiting and loving you? Bakit nandun ka sa babaeng--"

"Stop it, Macey! Nasaan si Clarisse at anong ginawa mo sa kanya?" sigaw ko sa kanya.

"You're pathetic, Rhen! Your girl is a slut! Wala akong ginawa sa kanya! Busy lang siyang manlalaki! If you don't believe me, then go and find out!"

Sobrang napupuno na talaga ako sa kanya. Tinaas ko na ang kamay ko para saktan siya nang biglang sumingit si Aaron.

"Pre, teka!" Pinipigilan ako ng tingin niya at sinasabi nun na siya na ang bahala.

Huminga nalang ako nang malalim at iniwan sila. Hahanapin ko si Clarisse. Masama ang kutob ko. Hindi ako naniniwala kay Macey. Natatakot pa ako dahil baka kung ano nang ginawa nun kay Clarisse.

Tumakbo ako at nagtanung-tanong. Hinanap ko si Clarisse sa kung saan-saan hanggang sa makarating ako sa may Pharmacy Building. Nabitawan ko yung binili kong fish balls para kay Clarisse dahil sa hindi ko inaasahang makikita ko rito. Hindi ako makapaniwala. Silang dalawa... nakangiti sa isa't isa... nagyakapan.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon