☆AM 66 (finale)

23.7K 270 15
                                    

Chapter 66 (Finale)

   RHEN JEYVI • • •

Sa buhay ko, marami na akong naranasan. Marami na akong pinagdaanan. Marami nang tao ang dumaan sa buhay ko. Maraming babae na akong nagustuhan, pero sa dinami-rami ng mga iyon, tanging siya lang, si Clarisse, ang nakapagturo sa'kin ng mga bagay-bagay, nakapagpasaya sa'kin nang ganito, at minahal ko nang husto.

Honestly, hindi ko inisip ni minsan na siya pala ang babaeng mamahalin ko at gugustuhin kong makasama habang buhay. Wala lang siya sa'kin, kundi isang kaibigan at kaklaseng normal kong nakakabiruan, tinatanungan ng mga assignments, nakakadaldalan, at nakakasama. Hindi ko inasahang darating yung araw na may mangyayari sa'min, at mas hindi ko inaasahang magbubunga 'yon. 

Dumaan ang mga araw at unti-unting nag-iba ang trato ko sa kanya, pero hindi ko pansin na sa bawat araw na lumilipas na kasama ko siya, unti-unti na pala akong nahuhulog. Inakala ko kasing normal lang 'yon dahil pananagutan ko siya.

Pero nung minsang nagkahiwalay kami, doon ko na ako nagsimulang guluhin ng isip ko. Dumalas ang pagpasok niya sa isipan ko. Siya lagi ang inaalala ko. Sobrang naguguluhan ako hanggang sa dumating siya bigla sa bahay ko. Pagkakita ko palang sa kanya ay nalaman ko ang lahat. Naunawaan ko ang lahat.

Siya, si Clarisse, ay hindi lang pala basta kaibigan at nanay ng anak ko para sa'kin. Siya na pala yung babaeng talaga kong mahal at gusto kong pakasalan. Napagtanto kong ayaw ko na siyang mawala pa sa'kin. 

Ginawa ko ang lahat. Pilit ko siyang tinratong prinsesa. Niligawan ko siya't lahat lahat nang hindi niya nalalaman. Nang makaipon ako nang lakas ng loob ay pinagtapat ko ang lahat sa kanya, pero natakot  ako dahil iniwan niya ulit ako. Bumalik siya sa kanila habang ako ay nag-iisa na naman. Nasirang muli ang buhay ko.

Inakala kong tapos na ang lahat sa'kin. Pinabayaan kong mapariwara ako. Pinabayaan ko si Macey. Inisip kong tuluyan na akong siningil sa mga kasalanan ko sa kanya, pero hindi pala. 

Dumating si Rhennan, ang pinakamagandang regalo na dumating sa'min, at naging dahilan siya ng pagkakabalikan namin. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari ay nagkaayos na rin kami sa wakas. We gave each other another chance para patunayan ang mga sarili namin sa isa't isa.

Days passed and I'm glad that we succeeded. Habang mas tumatagal ay mas lumalalim ang samahan namin. Mas minahal namin ang isa't isa. Kagaya niya sa'kin ay pinakita ko kung gaano ko siya kamahal. I gave her all I can give him. I show him my love in any possible way I can. Lahat ng kakornihan at ka-cheesy-han ko sa katawan ay lumabas para lang sa kanya. Ginastusan ko pa siya ng libu-libo, but I don't care. Ang mahalaga sa lahat ay ang makita ko siyang masaya at maipakita ko kung gaano ko talaga siya kamahal. That's what really matters.

Naging perpekto ang lahat. Nangyayari ang mga gusto at pinapangarap kong mangyari. That's why I came up with a plan na mag-propose na sa kanya. Aayain ko na siya na pakasalan ako in the near future. Pinaghandaan ko ang lahat. Inasahan ko ang oo niya, pero nabigo ako.

She chose to run away and believe the false idea in her mind. Sinubukan kong sabihin ang lahat sa kanya, but she chooses to just run away from it.

Nang finally ay nasabi ko na sa kanya, this terrible incident happened. She was hit by a fast-approaching car.

Ang masayang katapusan na sana namin ay biglang nauwi sa trahedyang ito. It all ended up with her lying on her bed suffering from comatose and with me right here in front of the altar praying that she'll soon wake up.

Sinisisi ko yung walang hiyang nakasagasa sa kanya per gustung gusto ko ring sisihin ang sarili ko for doing nothing but watch her hit by that car. Ni-hindi ko man lang siya nasagip kagaya ng nagawa ko noon. Wala akong nagawa. Pinabayaan ko siyang masagasaan. Pinabayaan kong mauwi siya sa pagka-comatose ngayon.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon