☆AM 25

27.9K 374 23
                                    

Chapter 25

   RHEN JEYVI • • •

Buong-puso ko nang tinanggap ang sunod na suntok sa'kin ni MJ. Hindi ko na iniwasan 'yon at pinabayaan nalang na tumama sa mukha ko. Wala na akong pakialam kung mabasag pa 'to o ano.

"'Tangina mo talaga, Rhen!" bulyaw niya at sinuntok pa ako ng isa. "Kung hindi ka ba naman, gago, ano?" Susuntukin pa sana niya ako pero pinigil na siya ni Abi.

"Tigilan mo na, MJ!" saway nito sa kanya at nilayo ako, pero nagulat ako nang bigla niya akong sampalin. Agad akong napasapo sa pisngi kong nasampal niya nang malakas. "At ikaw?"

Hindi ako maka-imik. Alam kong sobra silang nasasaktan para kay Clarisse. Alam kong sobra ang pagpapahalaga at pag-aalala nila rito, at malaking malaking kagaguhan ang nagawa ko.

"Bakit mo kinailangang paasahin yung tao?" tanong ni Abi sa'kin. Sinampal niya ako ng isa pa. "Bakit kailangan mong umasta nang ganon sa kanya kung wala ka naman palang nararamdaman sa kanya? Kung kumilos ka noon, paniwalang paniwala mo kami na mahal mo na nga siya, pero ano? Ha, Rhen? Ano ba yung mga pinakita mo noon? Ano ba 'yon ha? Bakit kailangan mong saktan si Clarisse? Sana hindi mo nalang kasi siya ginalaw eh! Hindi sana siya nasasaktan ngayon!"

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nanginginig na rin ako at unti-unti na akong nakakaramdam ng gigil at galit sa sarili ko.

"H-hindi ko sinasadya." Iyon nalang ang nasabi ko. Hindi ko sinasadyang maging ganon. Kusa nalang kasing lumalabas yung mga kinikilos ko kapag si Clarisse na. Hindi ko alam. Siguro nga dahil alam kong responsibilidad ko siya.

Sinampal ulit ako ni Abi. "Sobrang nakaka-disappoint ka, Rhen. Akala ko, nasa'yo na ang lahat. Akala ko ikaw na talaga ang kalulugaran ng best friend ko. Hindi pala," at tuluyan na siyang umalis.

Naiwan si MJ na nagpipigil ng galit sa'kin. Kinokontrol niya ang sarili na huwag akong bugbugin pa kahit gustung gusto na niya.

"Pinaiyak at sinaktan mo na naman siya." kalmado na niyang salita. "Buong akala ko naman, nahulog ka na talaga sa kanya at mahal mo na siya. Yun ang pinapakita ng mga kilos mo kaya wag kang magtataka kung bakit ganon ang inisip naming lahat at kung bakit nasaktan si Clarisse."

Bakit ba ganon na ang tingin ng lahat sa'kin? Gano'n ba talaga ang ipinamumukha ng mga kilos ko noon?

Tsk.

"Oo, mahal na mahal na mahal ko si Clarisse, pero alam kong wala akong laban sa'yo kasi ikaw ang mahal niya at ikaw pa ang ama ng dinadala niya. Mas nawalan ako ng pag-asa nang makita kita. Nakita ko kung paano mo gawin ang parte at responsibilidad mo sa kanya. Naniwala akong mahal mo na siya. Pre, kaya nga dumistansya at nagpaubaya na ako eh. Binigay ko na siya sa'yo. Lumayo na ako. Pero ano pare? Puro pag-arte lang ang lahat ng 'yon? Hah. Ang husay mo."

Ano ba? Lumalabas ba ngayon na puro kasamaan lang lahat ng pinakita ko noon? Na puro pagbabalatkayo lang 'yon? Masama na ba'ng maging concern sa isang tao?

"Pre, tama na siguro 'yon. Pinagbigyan na kita noon, pero pinatunayan mong hindi ka pala talaga karapat-dapat. Sinaktan mo na siya noon at inulit mo na naman ngayon." Umiling siya at ngumisi. "Tama na. Ako naman ngayon."

Parang hindi ko nagustuhan yung narinig ko. Hindi ko alam pero sa tuwing sila ni Clarisse ang magkasama o ano... bigla nalang nag-iiba palagi ang pakiramdam ko. Oo, wala naman si Clarisse sa'kin, pero parang hindi lang talaga ako sang-ayon sa kanilang dalawa.

"Gagawin ko ang lahat para hilumin lahat ng mga sugat na iniwan mo sa kanya. Gagawin ko ang lahat para mahalin din niya ako, tutal naman, mas nauna niya akong nagustuhan kaysa sa'yo. Aalagaan ko siya at mamahalin. Siya. Sila ng anak niyo." Naglakad na rin siya palayo.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now