☆AM Epilogue

29K 379 47
  • Dedicated to all my readers who made it up to this point ♥
                                    

Epilogue

   RHEN JEYVI • • •

Sa buhay nating lahat, maraming mga bagay talaga ang dumarating nang biglaan, nang hindi natin inaasahan. May mga bagay na darating at bigla nalang babaguhin ang buhay natin nang hindi natin nalalaman.

May magagandang bagay at, minsan, ay mayroon ding hindi. Anuman ang mga ito, kailangan natin itong tanggapin nang maluwag sa ating puso.

Sa kaso ko, dumating siya... sila ng anak ko. Sa pagdating nila, doon nagsimulang nabago ang buhay ko.

**

After five years...

"Daddy!" patakbong lumapit papunta sa'kin ang anak ko na kakauwi lang galing sa school niya. "Look po, oh! I have three stars!" Proud niyang inilahad ang kamay niya para makita ko yung Very Good stamps ng teacher niya.

Kinarga ko siya. "Wow! Ang galing-galing naman ng anak ko! Gwapo na, matalino pa! Manang mana talaga sa'kin!"

Mula sa malapad na ngiti niya ay unti-unti siyang sumimangot. Umakap siya sa leeg ko. "Daddy, nami-miss ko na po si mommy. I want her here po. Papakita ko po sa kanya yung stars ko."

Naaawa ako sa anak ko. Alam kong miss na miss na niya ang mommy niya. Bilang isang anak, he will never get used to live without a caring and loving mom beside him.

Binaba ko si Rhennan. Nag-squat ako para maging ka-level ko siya. Doon ko siya kinausap. "Listen, Rhennan. Kahit wala si mommy, daddy will always stay here with you. Hindi kita iiwan, okay? Remember that I love you like how your Mommy loves you."

"But, bi-birthday na po ako," malungkot na sabi niya. "Di po ba babalik si mommy?"

I can't answer him. I don't like to disappoint him.

Hinawakan ko siya balikat. "Mommy loves you, baby. Tandaan mo 'yan. Hindi man siya makapunta sa party mo, she loves you and she greets you happy birthday."

Nakasimangot nalang siyang tumango sa'kin. Swerte talaga kami ni Clarisse for having such smart kid.

Aalis na sana siya nang bigla siyang matigilan. Nanlaki yung mata niyang nakatingin sa may likod ko. Yung malungkot niyang mukha ay unti-unting nagliwanag... hanggang sa tuluyan na siyang tumakbo papunta roon.

"MOMMY!"

Natigilan din ako sa narinig ko. Hindi ako nakagalaw mula sa kinaluluhuran ko. Hindi ko man nakikita ay ramdam kong nasa likod ko nga siya.

Dahan-dahan akong tumayo at tumingin sa kanya. Nandoon nga siya nakatayo at karga-karga na ang anak namin. Nakangiti siyang nakatingin sa'kin kaya hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko na ngumiti... hanggang sa tumakbo na rin ako palapit sa kanya at niyakap siya.

Isang linggo palang namin hindi nakikita ang isa't isa, pero miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na yung yakap niya.

Pagkatapos ng ilang minuto ay humiwalay na kami. Nagreklamo na rin kasi si Rhennan dahil naiipit na raw siya. Nagpababa na rin siya. Natawa tuloy kami ni Clarisse pareho.

"Umuwi ka agad? H-hindi ka na ba aalis?" tanong ko kay Clarisse.

Nakangiti siyang umiling.

"Tinanggihan mo yung magandang offer sa Paris?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Nakangiti naman siyang tumango. "Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?"

"Ha? Hindi ah! Mas gusto ko ngang nandito ka kasama namin eh! Mahal na mahal kaya kita!"

Nangiti siya. Ganun pa rin yung ngiti niya. Wala pa ring pinagbago. Iyon pa rin yung ngiti na may kasamang kilig.

Mula sa pagtititigan namin ay nilapitan ko ulit siya at muling niyakap. "I missed you, Clarisse. I love you."

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now