☆AM 17

27.6K 343 14
                                    

Chapter 17

   CLARISSE SHAINA • • •

Tahimik at walang umiimik sa’min nina mama at papa. On the way home na kami pagkatapos ng lahat ng mga nangyari buong magdamag.

Sobrang dami pala talaga ng mga nangyari ngayong araw. Nung umaga, normal lang ang lahat sa klase. Kanina lang, masaya pa kaming kumakain sa Mc Donald's habang nagku-kwentuhan. Hinatid pa ako ni Rhen at talaga namang ang saya-saya ko.

Hindi ko talaga inaasahan na gano’n ang sasalubong sa’kin sa bahay. Alam na pala nina mama at papa ang lahat. Sinugod pa namin si Rhen. Nagkabugbugan pa tuloy, at nagka-away-away.

Ang pinakamasakit, halos itakwil na ako nina papa. Iniwan nila ako kina Rhen, tapos ayun, muntik pang mawala yung baby. Napunta na ako sa ospital at luckily, nakauwi kagad.

So far, okay naman yung mga nangyari sa bahay nina Rhen. Ginamot ko yung pasa niya, pinakain nila ako ng dinner, tapos doon pa ako sa kwarto ni Rhen. Si Rhen naman, unexpectedly ay pinuntahan ako. Naglaro kami ng ice breaker, minasahe ko siya hanggang sa abutan nga kami nina mama, papa, at tita. Grabe. Kung anu-anong mga palusot ang mga sinabi namin. Grabeng pagdududa naman kasi ang meron sila, pero naiiintindihan ko naman ‘yon. Ano nga naman ba ang iisipin mo kapag makakita ka ng isang lalaking naka-topless sa ibabaw ng isang babae? Mabuti nalang talaga at naniwala rin sila papa. Ayun, we’re almost there sa pagiging okay.

Hay. Sana lang talaga maging okay ang lahat.

“Magpahinga ka na, anak,” sabi ni mama pagkapasok namin sa bahay. “Kailangan mo nang magpahinga.”

Napatingin ako sa wall clock namin. Mag-a-alas tres na rin pala.

Nilapitan ko si mama at niyakap. “Salamat po, mama.”

“Anak, gusto pa naming makilala yung Rhen na ‘yon. Hindi pa rin kami papayag na ganun-ganun nalang ‘yon,” sabi niya.

“Ma, mabait naman po si Rhen. Sinabi niya po na hindi niya ako tatakbuhan,” sabi ko. I paused for a while and said, “kahit po alam kong iba ang mahal niya.”

“Iba ang mahal niya?” Nahiwalay ng yakap si mama at napatingin sa’kin.

“Ma, hindi nga po namin ginusto yung nangyari... at tungkol po sa nararamdaman namin, ayoko po muna sanang pag-usapan,” malungkot na sabi ko.

“O sige. Matulog ka na. Kailangan mo ng pahinga,” sabi ni mama at umakyat na nga ako sa kwarto ko.

I think this is too much for a day.

**

It’s been days since the incident with my parents. Medyo nag-back to normal naman na ang mga bagay-bagay. Sina Mj at Abi, ayun, grabe ang concern sa’min ni Rhen, pero inassure ko naman na sila na ayos at mas magiging ayos ang lahat.

Sa panahon ngayong malapit na ang Pasko, kailangang maging masaya. Ang good news pa, nabigyan kami ng advance Christmas gift ng principal namin. Pumayag na siya na ituloy namin ni Rhen ang studies namin, sa kondisyon na wala raw kaming pagsasabihan na kahit sino. Pumayag kami kahit na alam naman nila MJ at Abi. Nangako naman sila na mananahimik lang sila.

And speaking of Pasko, kakatapos lang ng Christmas Party namin at hudyat lang ‘yon na magsisimula na ang holiday break namin. Well, everything turned out good, except lang talaga sa part ng exchange gift namin na ikinasama talaga ng loob ko.

Nung bunutan kasi ng magiging ka-monito o monita, nakita kong nakipagpalit si Rhen ng nabunot niya kay Glenn. Kanina, it turned out na ako ang nabunot ni Glenn. Meaning to say, ipinagpalit ni Rhen sa iba yung pangalan ko. Yung iba naman na ‘yon turned out to be Grace.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now