☆AM 15

27K 356 16
                                    

Chapter 15

   CLARISSE SHAINA • • •

“Papa, mama, wag na po. Please,” umiiyak kong pagmamamakaawa kina mama at papa.

Mas lalo pang hinigpitan ni papa ang pagkakahawak sa kamay ko. “Ito ba? Ito ba ang bahay niya?”

“Papa, please po. Wag na,” pagmamakaawa ko pa.

Hindi niya ako pinansin. Kinatok na ni Papa ang pintuan nina Rhen. Kinalampag niya ‘yon habang wala naman akong ibang magawa kundi ang umiyak.

“Papa, please…”

   RHEN JEYVI • • •

“Rhen, anak, may tao yata sa labas,” sigaw ni mama mula sa baba. “Pakitignan nga muna, 'nak.”

Iniwan ko muna ‘tong laptop at lumabas na muna ng kwarto.

“Hoy! Gago ka! Lumabas ka rito!”

May away ba sa labas? Anong meron? Teka. Shit. Gate yata namin yung kinakalampag ah? Sumilip ako sa may bintana at shit talaga.

“Hoy! Lumabas ka nga rito!”

Shit. Nasa labas sina Clarisse at kasama niya mga magulang niya.

“O? Anak? Bakit? Sino ba ‘yon? Baki--“ Natigilan si Mama nang makita nga sa labas sina Clarisse.

“Ma.”

Binuksan ni Mama yung pintuan at hinarap sila. “P-pwede bang huminahaon kahit konti? Saka wag niyo namang saktan yung bata, o," sita ni mama.

“Nasaan yung Rhen? Anak mo ba siya? Lumabas kamo siyang gago siya. Wag kamo siyang magtago-tago ngayon, pagkatapos ng paggago niya sa anak namin.”

“Papa, please. Magpapaliwanag po kami.”

“Nasan na ‘yang gagong ‘yan? Bakit? Ano sa tingin niyo? Papalampasin lang namin ‘tong bagay na ‘to? Aba!”

“Pagsalitain mo nga muna yung bata,” awat ni mama, "at wag mo namang saktan.”

Bago pa ulit sila magkasagutan, lumabas na ako. Hinarap ko sila kahit alam kong natatakot ako at hindi pa handa.

“R-Rhen…” umiiyak na banggit ni Clarisse pagkakita sa’kin. Alam kong nag-aalala siya para sa’kin.

“Wag na po sila. A-ako po.”

Pagkakita nila sa’kin ay doon pa lang nila binitawan si Clarisse na yumakap kagad kay mama. Tinignan muna nila ako na parang sinusuri nila akong maigi… hanggang sa sumama na naman nang wagas ang tingin nila sa’kin.

“Ikaw?” medyo mahinahon pang tanong sa’kin ng ama ni Clarisse.

“A-ako nga po,” pilit kong sagot. “S-sorry po. K-kasalanan ko po. Nabuntis ko po si Clarisse.”

Mabilis ang nangyari. Hindi ako nakaiwas sa suntok na agad niyang binigay sa’kin. Napatumba ako sa lakas no’n.

“Rhen!"

“Hayop ka! Tarantado ka! Ang kapal din ng mukha mo eh, ano? Bakit? Ano sa palagay mo? May maipapakain ka ba sa anak ko at sa anak niyo? Hindi ka ba nag-iisip, ha?” nanggagalaiti niyang sigaw.

Nilapitan na ako ni Clarisse na nag-iiyak at takot na takot. May mangilan-ngilang tao na rin na nanonood sa eksena namin.

“Tama na, pwede? Maawa kayo sa mga bata. Isa pa, nakakahiya sa mga tao,” pilit na pang-aawat ni mama.

“Nakakahiya? Bakit? Kayong dalawa? Hindi ba kayo nahihiya sa ginawa niyo? Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Ano na bang tingin niyo sa mga sarili niyo? Kaya niyo na ba? Yan kasi ang hirap sa inyo eh. Masyado kayong mapusok. Mga hindi kasi kayo nag-iisip. Ano? Anong akala niyo, ha? Ganun-ganon lang ‘yon? Na gabi lang ‘yon ng pagpapasarap? Pucha.” nagpipigil niyang sabi. “Akala ko matatalino kayo. Hindi pala. Mga bobo kayo.”

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now