☆AM 33

27K 307 25
                                    

Chapter 33

   CLARISSE SHAINA • • •

Nakakunot ang noo kong pinagmamasdan si Rhen. Ang weird naman kasi ng kinikilos niya. Parang ang laki-laki ng galit niya sa mundo. Mukhang badtrip na badtrip sa buhay niya. Masama yata ang gising.

"Tumatapon na," sabi ko nang tumatapon na yung sinasalin niyang gatas sa baso ko.

"Ah. Tsk." Padabog niyang tinigil yung ginagawa niya. Naupo ulit siya sa pwesto niya at nagsimula nang kumain.  Pinanggigigilan niya yung pritong itlog. Kung hiwain niya, para siyang naghihiwa ng matigas na pork chop.

Kumain nalang din ako habang pasimple siyang pinapanood at pinapakiramdaman.

"Anong oras kayo aalis? Pupuntahan ka ba rito ni MJ? O gusto mo ihatid kita sa mall?" bigla niyang tanong. Halatang nagpipigil siya ng ka-badtripan niya.

"Ah, pupunta siya dito. Maya-maya siguro. Hm, diba may date ka?" Binalingan ko ng tingin yung wall clock niya. "Anong oras na, oh. Wag mong paghintayin yung babae--I mean, yung ka-date mo."

Ngumisi siya. "Ah, oo nga pala." Tumayo siya at kinuha yung tuwalya niya at dumiretso ng pasok sa CR. 

Tinignan ko yung plato niya. Tss. Ni-hindi pa nga siya nakaka-kalahati ng kain. Haay. Ewan ko sa kanya. Ang weird niya ngayon. Tss.

"Clarisse?" Napatayo ako kaagad nang marinig ko ang boses na iyon ni MJ. Nagmadali akong lumakad para pagbuksan siya ng pintuan. Nakangiti niya akong sinalubong. "Uy! Wow! Na-miss ko kayo ni baby ah!" sabi niya at niyakap ako.

"Ang OA mo naman," natatawa kong sabi at humiwalay sa yakap niya. "Pasensya pala kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo ah. Sina Mama kasi eh. Hindi man lang ako sinabihan na dito nila ako dadalhin. Nakakainis nga eh."

"Kung alam ko lang na dadalhin ka nila dito, sana pala dito nalang ako nag-aral," nakasimangot niyang sabi.

Nginitian ko naman siya. "Pasok ka muna sa loob."

"Pwede ba?"

"Haha. Oo naman." Sinama ko siya sa loob. Pinaupo ko muna siya sa sofa at binigyan ng malamig na tubig.

"Nasan si Rhen?" tanong niya.

"Naliligo," simple kong sagot.

"Ah. Hm, Clarisse, ayos ka lang ba rito?" bigla niyang tanong. Sa boses niya, mukhang nag-aalala siya para sa'kin.

Tinignan ko siya at pilit na nginitian. "Ha? O-oo naman. Medyo--alam mo na--nakakailang lang. Medyo boring, pero kagaya lang din sa bahay, pero ayos lang. Nakakakain naman ako, nakakanood ng tv, ganon..."

"E kayo? Si Rhen?" bigla ulit niyang banggit. "Baka mamaya..."

"MJ naman." Hinawakan ko yung kamay niya at nginitian siya. "Hindi na mangyayari ulit yung nangyari dati. Hindi ko na hahayaang mahulog ulit ako sa kanya. Wag ka nang mag-alala kasi wala nalang siya sa'kin ngayon. Isa pa, makakatagal kaya ako rito ng isang araw kung gano'n? Nakapag-move on na ako, MJ. Wala na si Rhen sa'kin."

"O? Rhen, pre!" biglang bulalas ni MJ at binaling ang tingin kay Rhen na nakatayo sa harap ng CR at mukhang kakatapos lang maligo.

Napalunok naman ako nang makitang tuwalya lang na naman ang suot niya, pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay tingin niya nang masama sa direksyon namin at ang hindi niya pagpansin sa pagbati ni MJ kahit na sigurado akong nakita naman niya kami. Dumiretso lang siya sa kwarto.

"Kanina pa badtrip 'yan. Mukhang masama ang gising," sabi ko nalang kay MJ. "Pero bayaan mo na 'yon. Tss."

"Tsk. Halika nga." Nginitian ako ni MJ at biglang inakbayan at niyakap. Hinalik-halikan din niya ako sa pisngi ko. "Alam mo bang sobra-sobrang namiss kita? Ikaw at si baby... sobrang na-miss ko kayo. Alam mo bang nung nalaman ko, halos mapasugod ako rito? Hah. Ngayon alam ko nang hindi ko talaga kayang mapalayo sa inyo."

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora