☆AM 1

69.5K 553 4
  • Dedicated kay past crush! (hi, ikaw ang dahilan nito! lol.XD)
                                    

Chapter 1

   CLARISSE SHAINA • • •

Blue-themed walls... Iyan ang una kong nakita pagdilat ko ng mga mata ko.

W-wait. Nasaan ako?

Without sitting up or making any move, iginala ko ang mata ko sa paligid. Hindi ko nga ito kwarto.

Hanggang sa ma-realize ko na nasa kwarto ako ng isang lalaki at… at tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan ko!

Napaupo ako, hatak-hatak yung kumot para takpan ang katawan ko.

T-teka. Bakit? Paano? Ibig-sabihin…

Biglang bumukas yung pintuan. Pumasok si Rhen na naka-topless at tuwalya lang ang nakatapis sa may ibaba niya. Waah!

“A-ano ka ba?! B-bakit ba ganyan lang ang suot mo? Lu-lumabas ka nga!” sigaw ko sa kanya habang nakatakip-kuno ang kamay ko sa mga mata ko.

Pero, aba! Tinawanan lang ako ng loko! “Ano pa ba’ng inaarte-arte mo dyan? Nakita mo naman na ko nang buo. Tss... at ako rin sa’yo. Ganyan nga lang din yung suot mo oh.” Nginuso niya yung kumot. “Baka gusto mong hatakin ko ‘yan.” Tumawa pa siya.

Mas lalo yata akong namula! Ramdam ko.

“R-Rhen, a-anong nangyari sa’tin? I mean… uh...” nanginginig kong tanong.

“Wala kang maalala?” naka-smirk niyang tanong habang papalapit sa’kin. “Gusto mo bang ipaalala ko sa’yo? Gawin natin ulit?”

Waah! Nakalapit na siya sa’kin!

Nakaupo na siya sa may kama at ang lapit-lapit ng mukha niya sa’kin. At yung labi niya… yung labi niya… 

Mas hinigpitan ko yung hawak sa kumot para hindi bumaba, pero… Pero

Heck. Panaginip.

**
Nanaginip ako kagabi. Nasa isang kwarto raw ako na hindi akin. Ang malala pa, wala akong suot na kahit ano. Ang mas malala, kay Rhen pala yung kwarto na 'yon. Ang pinakamalala, may nangyari raw sa'min! Nakakaloka, di ba?

Dahil tuloy sa lintik na panaginip na 'yan, distracted tuloy ako at na-late pa sa pagpasok. Okay lang din naman. Bumawi naman ang tadhana kasi pagpasok ko, nalaman laman kong bagong seatmate ko na pala si Rhen.

I have more opportunities of secretly staring at his oh-so-gorgeous face. Imbes nga nakikinig ako sa kung anong sinasabi ng Physics teacher namin, heto ako't sa mukha niya nakamatyag.

"Clarisse, uy."

Napakurap ako nang marinig ko ang boses niya. Nakatingin na pala siya sa'kin, at isa lang ang ibig-sabihin non--nahuli niya akong nakatingin sa kanya! "Ah, Rhen! B-bakit?" I try to sound normal pero masyado yata akong obvious.

"Tss. Tulala ka na naman kasi diyan. Di ka ba nag-almusal?" Tumawa siya. "Alam ko namang yummy ako, pero kung gutom ka, 'wag namang ako ang pagnasaan mong almusalin," he kidded.

Para tuloy akong nabilaukan sa wala. "Signal number four ka talaga forever, Rhen!" Tumawa rin ako. "Ano na kasi 'yon?"

Napailing siya at may inabot na papel sa'kin. Sa sulat palang, halatang notes na niya sa mabilis na discussion ni ma'am Samoa. "May project daw at by-pair. Kung sino raw ang katabi, siya raw ang ka-pair. Siguro ikaw ang katabi ko kaya ikaw ang ka-partner ko. Mahaba-haba at madugu-dugong research 'yan. Deadline next week, Monday."

"Ohh..." Tinitigan ko yung papel. By-pair tapos kaming dalawa ang pares? Napailing ako. "So, paano na 'to? May one school day nalang tayo bukas. Paano 'to?"

"Sisimulan ko mamaya," pagpepresinta niya, "tapos ibibigay ko bukas. Siyempre, tatapusin ko sa weekend."

Hahanga na sana ako sa biglaang kasipagan niya, pero hanggang panaginip na nga lang pala 'yon. "Wow, edi thirty percent lang ang grade na sa'yo nyan?" nakangisi kong tanong.

"Joke lang naman eh. Ikaw talaga." Inakbayan niya ako na ikinahinto ng mundo ko. "Peace na. Hahaha! Bakit hindi nalang natin gawin sa bahay namin bukas ng hapon?"

Nanlaki ang mata ko. Pasimple kong tinanggal yung pagkakaakbay niya. "Hehe. Ano?" Sa bahay nila kami gagawa ng project?

"Oo. Wala namang tao dun bukas. Solo natin yung bahay."

Muntik na naman akong masamid sa wala. Wala naman siyang ibang meaning sa sinabi niya pero bakit iba ang dating sa'kin? Eh! Clarisse, utak mo naman kasi eh. "O-okay lang! Hm... basta kasama si Abi!"

Nag-iba naman ang mukha ni Rhen. "Si Abi? Kailangan bang kasama siya?"

Enter Abilino Delgado A.K.A. Abi, ang besty kong komedyante. Bakit takot si Rhen? Si Abi kasi, gwapong haliparot. Kumbaga sa ruler, bumaluktot.

Tumango ako. Siyempre, kailangan ko ng kasama. Kailangan ko ng pipigil sa'kin kunsakali. Siyempre, joke lang yon.

"Sige, tapos isasama rin natin si MJ." Ngumisi siya at tinaas-babaan pa ako ng kilay.

Now enter Mark Justin Marquez A.K.A. MJ, ang classmate ko at ang ex-crush ko. Nakakalungkot lang at siya ang alam ni Rhen na gusto ko.

"So isasama na rin natin si Grace niyan?" peke kong tanong habang may pekeng ngiti sa labi ko.

Grace Marguerite Dominguez is no other than my Rhen's beloved girl. Wala man silang commitment sa isa't isa, alam kong may something special na namamagitan sa kanila. Obvious naman 'yon sa mga mata nilang dalawa.

"Ewan ko sa'yo, Clarisse," natatawang sabi ni Rhen. Halata talagang may iba sa tawa at ngiti niya. "Basta, bukas ha?"

Napalunok ako. "Uh... Oo, bukas."

~TO BE CONTINUED.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon