☆AM 58

18.4K 224 6
                                    

Chapter 58

   CLARISSE SHAINA • • •

"Wow, ang gwapo naman ng anak ko!" bati ni Rhen sa anak namin pagkapasok niya sa kwarto namin ni Rhennan. Kakabihis ko lang din kasi kay baby ng panglakad niya.

Pinasa ko kay Rhen si baby pagkaupo niya sa kama sa tabi namin. "Unang beses kasi siyang makikita ng lolo niya kaya dapat poging pogi siya."

Napangiti si Rhen. Magpa-Pasko na kasi at uuwi ngayon ang papa niya. Alam kong excited siya. Excited kaming lahat kasi ngayon lang din makikita ni tito si baby at siyempre, kumpleto kami ngayong okasyon na 'to.

Siyempre, hindi pa rin mawala-wala yung problema ko kay Grace. Hindi pa rin ako makatulog nang maayos dahil sa alalahanin kong 'yon. Sa tuwing naiisip ko ang tungkol doon, sobrang sinusumpong pa rin ako ng takot.

"Babe, may problema ba?" biglang tanong sa'kin ni Rhen. Nag-aalala siya sa'kin.

Huminga ako nang malalim at pilit siyang nginitian. "Wala. Hm, tara na? Baka hinihintay na tayo ni tito sa inyo."

Tumayo na ako pero hinawakan ni Rhen yung kamay ko. Parang hindi siya kumbinsido sa sagot ko kanina. Nginitian ko siya at umupo ulit ako sa tabi niya. Hinawakan ko nang mahigpit yung kamay niya. "Okay lang ako, Rhen. Magpa-Pasko tapos malulungkot ako?" Tinawanan ko siya. "Medyo may iniisip lang ako, pero okay lang talaga ako."

Ngumiti rin siya. "Kung sabagay... pero wag kang mag-alangan kung may problema ka, ha? Nandito lang ako palagi."

Tumango ako.

Ngumiti siya. "Masaya ka ba talaga?"

Ngumiti ako. "Siyempre naman. Kasama ko kaya kayo. Isa pa, sa panahon ngayon, dapat magsaya."

Pilit kong pinigli ang sarili ko na ngumiti nang mapakla, pero tama. Kailangan kong magsaya. Kahit ngayon lang.

"Tara na nga. Baka nasa bahay na si papa."

**

Natatawa ako habang pinapanood ko si Rhen kasama yung anak namin na isa-isang binubuksan yung mga inuwi ng papa niya. Para siya kasi siyang bata. Mga pasalubong 'yon para sa anak namin pero kung umasta si Rhen, parang gusto niyang agawan si Rhennan.

"Ang swerte pala talaga ni Rhen sa'yo, ano?" biglang salita ng papa ni Rhen na nasa tabi ko.

Feeling ko ay nag-blush ako sa sinabi niyang iyon. Napangiti nalang ako kasi wala akong masabi.

"Kitang kita ko na masayang masaya siya. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan eh." Tinapik niya ako sa balikat ko. "At ang gwapo gwapo pa ng anak niyo."

"Salamat po."

Pinanood namin sila Rhen. Naglalaro na sila ni Rhennan ng mga bago nilang laruan.

"Kahit anong mangyari, wag na wag mo sanang iwan si Rhen, ah."

Napahinga nalang ako nang malalim sa sinabi niya. 

Sana nga hindi dumating yung araw na iiwan namin ang isa't isa.

   RHEN JEYVI • • •

Pasko na at halos kagaya pa rin ng dati ang paraan ng pagse-celebrate namin. Ako, kagaya ng dati, ay nakina Clarisse kasama ang anak namin. Tumulong ako roon na magluto ng mga handa para sa noche buena, pero more likely ay nakakagulo lang kami ni Rhennan. Kinagabihan, sabay-sabay naman kaming pumunta sa simbahan para magsimba. Doon ay nagkita-kita kami nila mama. Pagkatapos no'n ay sama-sama na kaming--kasama sina mama, papa, at Ram--na pumunta sa bahay nila Clarisse para doon mag-noche buena. Iyon kasi ang napag-usapan. Sa New Year, sa amin naman kami. Mas gusto kasi namin ng sama-sama para pamilya talaga kami.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now