☆AM 30

28.7K 311 14
                                    

Chapter 30

   CLARISSE SHAINA • • •

"Kamusta ang first day mo?" tanong ko kay MJ nang tawagan niya ako. Nagsimula na kasi yung pasok niya eh.

"Ayos naman! Mukhang magiging easy lang 'to! Haha. Ikaw inspirasyon ko eh."

"Asus! Bola ka pa diyan," natatawa kong sabi.

"Totoo naman eh! Ay, sa Sabado pala ah! Pupuntahan kita diyan."

"E kung dito ka nalang kaya tumira?" natatawa at sarkastiko kong sabi.

"Pwede ba?" mukhang na-excite pa ang loko.

"Heh. Haha. Saka na, pag pasado ka na sa'kin."

"Hihintayin ko yun ah! Haha. Malapit naman na, diba?"

Napatingin ako kay mama na kanina pa yata nakikinig sa'kin. Bigla tuloy akong nailang. "Ah, sige, MJ. Mamaya nalang ulit. Bye." Binaba ko na yung cellphone ko.  Nilapitan ko si mama. Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa. "Ma, may problema ka ba?"

"Anak, seryoso ka na ba talaga sa lalaking 'yan?" nakasimangot na tanong ni mama. "Mukhang ang saya-saya mo na sa kanya eh. Siya na ba talaga?"

Sumimangot din ako kagaya niya. "Ma, naman. Sa itsura niyo parang ayaw niyong masaya ako ah?"

"Hindi naman sa ganun, anak. Mabait din naman kasi siya, pero," huminto siya saglit, "si Rhen... W-wala na ba talagang pag-asa?"

Hindi ko ine-expect na sabihin ni Mama 'yon. Ibig-sabihin pala, hanggang ngayon e boto pa rin siya kay Rhen? Sa kabila ng lahat?

"Mama, naman. Alam niyo naman po yung pinagdaanan ko kay Rhen, di ba? Saka, ma, wag niyo na pong ipilit 'yon. Wala na po 'yon. Mm, si MJ po... Ano po... Hm... Basta, ma. Kinakalimutan ko na po si Rhen."

"E, anak, ang gusto ko lang naman e lumaki sa normal at buong pamilya yung anak mo. Tapos, ikaw at si Rhen, kayo lang ang makakapagbigay nun sa kanya. Isa pa, anak, naniniwala akong mahal niyo ang isa't isa. Naniniwala akong may pag-asa sa inyo... Nakita ko naman yung mga kilos niyo anak eh."

Kilos niyo... Yung mga 'yon ang nagpapaniwala sa'min--sa'kin eh. Ayoko nang magpauto at magpakatanga dahil don ulit.  "Ma, tama na po."

"Bahala ka, anak," pagsuko ni Mama. "Hay, mukhang wala ngang pag-asa sa'yo. Pupunta nalang ako kay balae--este sa kumare ko."

"Po?"

"Aalis nalang 'kako ako muna. Pupuntahan ko lang yung kumare ko. Dyan muna kayo ng mga kapatid mo, ah." May kinuha pa siya sa kwarto nila ni papa na plastic na parang pamilyar sa'kin pero hindi ko maalala. Hay. Baka kung ano namang ipapamigay niya sa kumare niya. Si mama talaga.

"Sige po," sabi ko at nagpaalam na kay mama.

Hay. Bakit ba ang kulit ni mama? Bakit ba kailangan pa niyang ipagpilitan si Rhen sa'kin? Nakakainis naman. Imbes na tuluy-tuloy na ang pagmu-move on at paglimot ko sa mokong na 'yon, dine-delay naman ng sarili kong magulang.

   RHEN JEYVI • • •

"Ah, Clar--" Napailing ako dahil sa mali ang nabanggit ko. "Ah, M-Macey pala."

She looked at me.

"Saan niyo gustong kumain mamaya?" alok sa mga bago kong kaibigan. "Libre ko."

"Street foods nalang. If you don't know, hindi naman ako mapili," nakangiting sabi ni Macey. She clinged her arms into mine. "Hinding hindi ka mahihirapan sa'kin, Rhen."

Streetfoods

"Anong gusto mo?" tanong ko sa kanya noon sa ospital.

"Fish balls?" nakangiti niyang sagot.

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now