☆AM 13

27.4K 343 27
                                    

Chapter 13

   CLARISSE SHAINA • • •

Hindi pa ganoon ka-okay pero mas magaan na  kaysa noon ang pakiramdam ko ngayon matapos yung confession namin ni Rhen sa mama niya. Nakakatuwang malaman na tanggap niya kami, kahit na na-disappoint siya sa’min ng anak niya.

Sana talaga ganun din kadaling ipagtapat kina mama.

“Uy, gaga!” biglang tawag sa’kin ni Abi. Tinabihan niya ko.

“Uh, ikaw pala." Napakurap ako sa kanya.

“Malamang, ako! Sino pa ba?” Mukhang hina-highblood na naman siya.

“Bakit ang sungit mo? BH?” pang-aasar ko. "Basted ba dun sa bebe mo sa junior high dept?"

“Heh!” Mukhang broken-hearted nga siya. “Ngingiti-ngiti ka diyan? Hoy! Hindi porke’t luma-lovelife at lumalandi ka kay Rhen habang ako’y wala at nganga sa lovelife ay may karapatan ka nang ganyan-ganyanin ako ah!” masungit niyang sabi.

Tumawa naman ako. “Hala? Wala naman akong ginagawa ah. Saka, ano? Luma-lovelife? Ako? Kay Rhen?” Tumawa ulit ako.

“Ay, wag mo nang i-deny-deny ah! Akala mo ba hindi ako nag-o-observe? Pwede ba, Clarisse? Aware ako na habang tumatagal e mas nagiging mas close kayo niyang si Rhen.”

Nginitian ko si Abi, “Selos ka naman?” Tapos ay tumawa ako. “Gaga. Hindi naman kasi.”

“Pero, seriously, Clarisse...” Inilapit niya yung mukha niya sa’kin. “Ano na ba talagang meron sa inyo ni Rhen?”

Hindi ako nakasagot. Hindi ko alam pero napangiti ako sa tanong niya.

“Omg, Clarisse,” bulong niya at humiwalay siya sa’kin. “K-kayo na ni Rhen?” halos isigaw niya kaya hinampas ko yung braso niya.

“Kayo na ni Rhen?” Biglang lumapit si Mj. Narinig malamang si Abi

Tumingin ako sa paligid. Walang namang ibang nakarinig. Inulit ni MJ yung tanong niya. Sasagot palang ako ng hindi nang dumating si Rhen. Siya ang sumagot na hindi.

“Eh? Weh?” pambabara ni Abi.

“Hindi kami,” ulit ni Rhen.

Aish! Bakit ba ganyan ka pa rin kung makapag-react sa bagay na ‘yan, ha Clarisse? Wag kang masaktan! Hindi dapat! “Hindi nga.” Ako na ang nagsabi.

Nag-pout si Abi habang napangiti si Mj.

“Whatever," pagsusungit ulit ni Abi at umalis na.

Si Mj naman, nginitian ako nang makabuluhan at sumunod na rin kay Abi.

Hindi ko naman sinasadyang mapatingin kay Rhen. Nahuli ko siyang masama ang tingin sa’kin—or should I say sa’min ni Mj—pero agad din niyang iniwas ang tingin niya sa’kin. Napakunot nalang ang noo ko at ibinaling ko nalang sa iba yung atensyon ko. Nakakaasar. Nakakainis siya. Nakakainis ang sarili ko.

E ayoko talagang mag-isip ng kung anu-ano at mag-expect eh. Pero sa inaasta niya… err. Ugh! Ah, basta, nakakainis!

Tinawag ko si Abi.

“Yes?” Nilingon naman niya ako at nag-flip hair pa. Akala mo naman may mahabang buhok! Tsk.

Nag-fake laugh nalang ako sa kanya. “Hmm, mamayang uwian ah. Sabay tayo. May sasabihin lang ako.”

Nag-smile siya at tumango.

Si Abi… kaibigan ko naman siya, isa sa mga pinakapinagkakatiwalaan ko. Alam kong isa siya sa mga makakatulong sa’kin sa sitwasyon ko na ‘to. Kahit gaganun-ganun ‘yon, alam kong may maaasahan akong matino sa kanya. Siguro wala namang masama kung sasabihin ko sa kanya, ano?

ACCIDENTALLY MADE [COMPLETED]Where stories live. Discover now