Chapter 38

48 3 0
                                    


Chapter 38

Aliona's P.O.V.

Umalis si Nate ng hospital. Naalala ko pa nung nawalan ako ng malay. Dinala ako dito ni Luke sa hospital at pagkagising ko sinabi ng doktor sa akin na...na....buntis nga daw ako.

4 weeks na daw akong buntis. Nakiusap ako sa doktor na kapag dumating si Nate ay huwag ng munang sabihin sa kanya dahil ayaw kong malaman niya. Alam ko kasing mahahanap niya ako. Kahit saan pa ako magpunta alam kong mahahanap niya ako.

Ayaw kong pakasalan niya ako dahil sa nalaman niyang buntis ako. Ayaw ko ng ganon. I want him to be the father to my child but I don't want him to force himself.

Iniisip ko rin kasi si Fiona. Alam kong buntis din siya at mas kailangan niya si Nate kaysa sa akin. Mas ayos na yung ganito ako lang ang nakakaalam, yung doktor at si Luke. Ayaw ko ng maging pabigat pa lalo kay Nate.

Gusto ko na lang mabuhay ng tahimik at siguro magpapakalayo-layo muna ako. Kami ng baby.

I will love this baby in my womb hindi ko na hahayaang maulit yung nangyari noon. I wont let them took my baby away from me. Hindi ko na hahayaang kunin pa nila ulit sa akin ang baby ko. You heard it right.

They took away my baby from me and her name is Shei. Dinala ako ni dad sa bahay nila Mother Theresa para itago ako sa mga tao. 7 years na rin ang nakakalipas ng kinuha nila si Shei sa akin. Kakaluwal ko pa lang sa kanya ay kinuha na siya sa akin.

7 years ago I met a guy sa isang bar dito sa Manila. I was only 17 back then ng may mangyari sa amin. I was drunk and he was drunk. Pagkagising ko ay agad akong umalis at hindi na nagpaalam sa guy. I don't think he can remember me dahil I introduce myself as Minchie back then.

Nalaman kong buntis ako pero itinago ko iyon kay mom and dad. Hindi kalaunan nalaman din nilang buntis ako. They wanted me to tell them kung sinong ama ng bata pero hindi ko sinabi dahil ang totoo hindi ko alam ang pangalan.

Kinagabihan bumalik ako sa bar para hanapin yung guy. Ilang gabi akong bumalik pero hindi ko na siya ulit nakita. Isang gabi na lang ay may sumundo sa akin I think she is mother theresa. Siya yung pinakilala sa akin ni mom.

Kinuha nila ako at dinala sa orphanage ni mother theresa. Doon ako tumira. Itinago ako nila dad dahil ayaw nilang masira ang reputation nila. Nakilala ko rin si Bentoy. Mabait siya at lagi niya akong pinapatahan. Bata pa siya pero magaan ang loob ko sa kanya.

Dumating yung araw ng panganganak ko. Nahawakan ko lang sandali si Shei at kinuha na nila siya agad sa akin matapos noon. That's the last time I saw her.Napaiyak na lang ako.

Iyak lang ako ng iyak. Lumipas na isang week at nandito pa rin ako sa hospital. Binisita ako ni mom at dad kaninang umaga si Cassandra naman ay pumunta dito kahapon. Hindi na ako binibisita ni Nate pero ayos lang iyon dahil it will just be hard for us. Palubog na ang araw ng may pumasok sa hospital room ko.

"Miss are you okay?"Dinig kong sambit ng isang babae. Nag-angat ako ng tingin.

"I'm Fiona."Pakilala nito. Halos manlumo ako. Mas lalo akong nanghihina ng marinig ko ang pangalan na Fiona.

"I was sent by my brother. He wants me to pick you up."Nakangiti niyang pagkasabi.

"Who are you again?"Tanong ko.

"I'm Fiona Lerman."Halos malaglag ang panga ko sa narinig ko.

All this time kapatid niya lang pala si Fiona. I acted like an idiot. I was jealous over her sister?

Hindi ako nagdalawang isip na tumayo.

"Where is he?"Tanong ko kay Fiona.

Sinamahan ako ni Fiona sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. But I guess I remember the place. Nang bumaba ako ng sasakyan ay nakita ko kaagad ang barn. Umalis rin naman kaagad si Fiona.Naiwan akomg mag-isa dito sa dilim.

Dito kami kinulong dalawa. But where is Nate?

Bigla siyang lumabas mula sa dilim may bitbit siyang mga rosas. Isang boquet ng rosas. Naglakad siya palapit sa akin at inabot ang boquet ng roses. Tinanggap ko naman iyon.

Napatakip ako ng bibig ng biglang magkaroon ng napakaliwanag na ilaw. Tinignan ko kung saan nagmula yung ilaw. Sa Ferris Wheel?Namangha ako ng husto doon. Sa mga ilaw ay may nakaimprentang WILL YOU MARRY ME?

Lumuhod sa harap ko si Nate at naglabas ng pulang box. Binuksan niya ang pulang box at ang nasa loob nito ay isang mamahaling sing-sing na may malaking diamond.

"Aliona Prelunsky, will you marry me?"Tanong niya napatakip na lang ako ng bibig sa sobrang saya. Napapiyak na nga rin ako pero may biglang nag-sink in sa utak ko kaya napaatras na lang ako.

Agad siyang tumayo mula sa pagkakaluhod.

"I'm sorry Nate but I can't marry. I haven't been a good mother to our child."Iyon at nadulas ako. Nasabi ko sa kanya ang hindi ko dapat sasabihin pero siguro panahon na para malaman niya.

"What do you mean?"Tanong niya at humakbang palapit sa akin habang ako naman ay humahakbang palayo sa kanya.

"7 years ago we met, Nate. I don't know if you remember but something happened between us."Nanginginig na ang boses ko.

"I got pregnant I had our first child but they took the baby away from me and now I'm can't let them do the same thing again."Naiiyak kong pagkasabi.

"So you're saying you got pregnant 7 years ago and I'm the father of it?And you're pregnant now with our second child."Parang masaya pa siya. Tumango ako ng bahagya kahit puno ako ng pagtataka.

Bigla na lang niya akong inangat.

"You're pregnant!"Masaya niyang pagkasabi. Buong akala ko ay magagalit siya sa akin dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo. Ibinaba na ako ni Nate at naupo kami sa isang bench.

"You're not mad at me?"Tanong ko.

"Why would I be?Ano man yung nangyari noon hindi na iyon mahalaga. We all make mistakes but you'll never be a mistake, Minchie."Bulong niya sa tenga ko.

"I have a surprize for you but first tou have to say yes for my proposal."Nakangiting sabi ni Nate. Masaya akong tumango sa kanya. Isinuot na aa akin ni Nate ang sing-sing.

"What's your surprise then?"Tanong ko.

Bigla niyang tinakpan ang mga mata ko.

"In the count of three you can open your eyes, okay. 1-2-3!"Inalis ni Nate ang kamay niya sa mata ko at iminulat ko naman ang mga mata ko.

I saw a little girl running towards our direction. She is wearing a pink floral dress and her hair was braid. The first glance that I saw her I knew it's her. Tumakbo siya palapit kay Nate. At hinagkan niya itong ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

"She just looks like you."Ani Nate. Napangiti na lang ako. Tears don't stop falling through my eyes.

Lumuhod ako sa harap niya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang maliliit niyang palad.

"Mommy why are you crying?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"I'm sorry baby. I'm sorry."Bulong ko sa tenga niya umiiyak na rin siya.

Let's make THE UNWANTED LOVE be WANTED. Because damn I really want this love!

<><><><><><>

Awiieee, congrats to you matatapos mo na ang TUL. Next is Epilogue. I hope you'll love it. Thanks in advance.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now