Chapter 33

42 3 0
                                    

Chapter 33

Aliona's P.O.V.

Magdamag ko lang na pinagmasdan ang mukha ni Nate. Hindi ako nakatulog habang siya naman ay tulog na tulog. Paano niya nagagawang matulog sa kalagayang ito?Iba talaga siya. Sumikat na ang araw at hinihintay ko na lang na magising siya pero kapag nagising siya ay magpapanggap akong natutulog.Bigla siyang ngumiti na ikinagulat ko.

"You're awake."Sabi niya ng nakapikit. Hindi ko alam kung nagsleesleep talking ba siya o ano.

Aalisin ko na sana ang nakapulupot niyang braso sa akin pero mas lalo lang niya akong hinatak palapit.

"Let's stop pretending and make it official."Aniya na ipinagtaka ko. What does he mean?Nanatili kaming magkayakap dahil wala naman akong magawa.

Umalis na rin kami agad. Niyakap kami ng mga bata bago kami umalis. Nagpasalamat na rin kami kay Mother Theresa. Gustuhin ko mang mag-stay ay hindi pwede. Nangako naman ako sa mga bata babalik-balikan ko sila ano mang ang mangyari.

Natulog lang ako sa daan dahil wala nga akong tulog kagabi.

Pagkauwi namin ay dumeretso na ako sa kuwarto para maligo. Ganoon rin si Nate. Umalis din naman siya kaagad ng may biglang tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung sa opisina ba iyon or what?

Hapon na at kumakain ako ng salad ng biglang may mag-text sa phone ko. Si Luke. Binasa ko ang text message niya.

Luke:

You busy?Just wondering.

Nag-type ako ng irereply ko.

Ako:

Not that much but kind of.

Sabi ko na lang. Hindi ko alam kung saan ako busy pero iyon yung ni-reply ko.

Luke:

Okay. I thought we could go out for some food if you weren't busy.

Niyayaya ba ulit akong lumabas ni Luke?Anong sasabihin ko?

Ako:

I think I'm not that busy. We could at least have a meal?

Agad siyang nag-reply sa text ko.

Luke:

It's a call then. I'll pick you up if you want.

Ako:

No need. See you.

Nagpalit na ako ng damit. Simple lang ang suot ko. Jeans at shirt na plain white. Bago ako pumara ng taxi ay tinext ko muna si Nate.

Ako:

I'll be out.

Pagkatapos ko siyang tinext ay pumara na ako ng taxi. Hindi naman ako nahirapan sa pagpara ng taxi dahil may mga dumadaan naman na taxi dito sa harap ng bahay ni Nate.

Sumakay na ako sa taxi. Hinihintay kong mag-reply si Nate pero hindi siya nag-reply hanggang sa makarating na ako sa harap ng restaurant kung saan kami nagkita ni Luke noong isang araw.

Nandoon na si Luke nakaupo sa dating table. Naupo na rin ako.

"I am not late, am I?"Panimula ko and smiled at him.

"You're not. Don't worry. Even though you're late I will wait for you."He smiled back.

Naupo na ako at nag-order naman na ng pagkain si Luke. Pareho pa rin yung inorder ko. Italian spaghetti dahil masarap talaga iyon. Biglang nagvibrate yung phone ko sa bag ko kaya kinuha ko iyon. Si Nate nag-text.

Nate:

Where are you?

Nag-type ako ng irereply ko.

Ako:

Sa labas lang.

Hindi na ulit siya nag-reply. Dumating na ang inorder namin at nagsimula na kaming kumain ni Luke. Sabi ni Luke ay pumunta daw ako mamayang gabi. Magpeperform daw sila ng grupo niya. I did not say yes pero susubukan ko lang na makapunta.

Patapos na akong kumain ng biglang mag-ring yung phone ko. Nagpunas ako ng labi at tumayo.

"I'm sorry I need to answer this."Paalam ko tumango naman si Luke.

Nagpunta ako sa labas at sinagot ang tawag ni Nate. Bakit ba siya tumatawag sa akin?

"What is it?"Tanong ko.

"I guess you are very busy with your friend?"Tanong niya pabalik. Napalingon ako sa paligid at nakita ko si Nate.

He grinned at naglakad siya palapit sa akin. Ibinaba na rin niya ang phone niya ganoon rin ako.

"Anong ginagawa mo dito?"Nakataas kilay kong pagkatanong sa kanya.

"Ano pa nga eh di sinundan kita."Casual niyang pagksabi.

"You should leave."Sabi ko pero mukhang wala siyang balak umalis.

Kahit anong tulak ko sa kanya papunta sa kotse niya ay hindi pa rin siya patitinag. Sobrang lakas naman nitong si Nate. Ugh..sumuko ako dahil sobrang lakas talaga nitong si Nate.

"Aliona?"Dinig kong tawag ni Luke sa akin.

Napalingon ako at nakita ko si Luke. Hinawi naman ako ni Nate at hinawakan niya ang kamay ko. Natigilan na lang ako ng makita kung paano manlisik ang mga mata ni Nate kay Luke.

"Ethan..."Malamig na sambit ni Luke sa pangalan ni Nate.

Magkakilala silang dalawa? Pero bakit Ethan ang itinawag ni Luke kay Nate?Mas lalong humigpit ang hawak sa akin ni Nate. Naigting ang panga ni Nate na ikinatakot ko. Nakatitig lang ng masama si Nate kay Luke.

Hindi niya inaalis ang titig niya kay Luke. His eyes was fierce. Ngayon ko lang siya nakita na ganyan.

"Stop seeing MY FUTURE WIFE. This is not a warning Luke this a threat."Bigla na lang akong hinatak ni Nate papasok sa kotse niya. Wala akong nagawa. I felt sorry for Luke dahil iniwan ko lang siya doon.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now