Chapter 6

56 5 0
                                    

Chapter 6

Pagpasok namin sa loob ay mausok dahil sa mga nagsisigarilyo. Maingay na rin at marami ng nagsasayawan sa dance floor. Naghanap muna kami ng mauupuan ni Cassy.

Nang makahanap kami ay agad kaming umorder ng whiskey.

After namin na maubos yung isang bottle ng whiskey ay pumunta na kami sa dancefloor. Maya-mayang 10 darating na dito ang banda ni Luke. Excited na ako sa wakas makikita ko na rin si Luke sa personal.

Nagpahinga muna kami ni Cassy pagkatapos namin sumayaw ng isang oras na walang tigil.

"I'll go to the restroom first."Paalam ko kay Cassy. Tumango naman siya nagtungo na ako sa rest room.

Pumasok ako sa loob ng restroom. Walang ibang tao dito kung hindi ako lang. Ni-lock ko ang pintuan pagkatapos ay humarap ako sa salamin.

Hanggang kailan ko kailangan itago ang pagkatao ko. Hanggang kailan ko pa ba hahantayin na maging malaya ako. Bumuntong hininga ako.

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako ng restroom. Paglabas ko ay may nakita akong pamilyar na mukha sa dilim. Nakasandal ang isang lalaki sa may pader.

He is wearing a black shirt and black fitted jeans. Ripped jeans pala yung suot niyang pantalon. Nang matamaan ng lights yung mukha niya ay nagulat ko.

It's Nate. What the hell?Anong ginagawa niya dito.

Gumawi ang tingin niya sa akin.Sana hindi niya ako nakita...I mean sana hindi niya ako nakilala.

Nagmadali ako sa paglalakad pabalik kay Cassy. Medyo nahirapan akong dumaan dahil nagsimula ng magsiksikan ang mga tao.

Nagtitilian at nagsisigawan na rin ang iba. Iyon pala ay dumating na ang ACE. Banda ni Luke.

Wala akong time para diyan ang kailangan kong gawin ay makaalis na sa lugar na ito as soon as possible. Kailangan makalabas ako dito sa lalong madaling panahon.

Hindi na ako nagpaalam kay Cassy dahil pagdating ko sa upuan namin ay wala siya doon. Siguro ay nasa dance floor na siya. I decided na mauna ng umalis.

Itetext ko na lang si Cassy na aalis na ako. Mahirap ng masundan pa ako.

Pumara ako ng taxi. Sinabi ko sa taxi driver ang address kung saan ang apartment ni Cassy.

Buti na lang alam ko kung anong passcode ng apartment niya. Pagpasok ko sa loob ng apartment ay inalis ko na kaagad ang wig na suot ko.

Binuksan ko ang cellphone ko para i-text si Cassy na nauna na ako. Maraming missed calls si mom and dad.

I just ignored it. Ti-next ko si Cassy sakto naman na pagsend nung text ko ay may tumawag na unknown number.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now