Chapter 31

44 3 0
                                    

Chapter 31

Aliona's P.O.V.

Pagdating namin sa parking lot ng mall ay ipinagbuksan ako ni Nate ng pintuan pero hindi pa rin ako bumababa. Hindi rin ako tumitingin sa direksiyon niya.

"You're not going down or you want me to carry you."Kahit hindi ako nakatingin sa kanya I can see his facial expression.

"Fine."Sabi ko at bumaba ng kotse.

Ngumisi siya at isinarado ang pintuan ng kotse. Bigla niyang kinuha ulit anb kamay ko. Hindi man lamang ako nakapagbihis ng maayos. Ang suot ko lang kasi ay shorts at tank top.

Hinatak niya ako papasok sa loob. Kakabukas pa lang ng mall dahil 10 pa lang. Mangilan-ngilan pa lang ang bukas na store ang iba naman ay nagbubukas pa lang. Dumeretso kami sa isang ice cream shop.

May mangilan-ngilan pa lang na tao. Karamihan ay estudyante ang nandito. Mukha silang mga college students.

Pinaupo muna ako ni Nate bago siya nag-order. Hindi ko alam kung bakit dito kami sa tindahan ng ice cream bumili.

Habang nag-oorder si Nate I can see how the girls drool over him. May mga lumalapit pa nga sa kanya. Pagbalik niya ay dala na niya ang inorder niyang ice cream.

Naupo sia at inabot sa akin ang ice cream meron din sa kanya. Tumikhim ako. Ang sarap ng ice cream. Hindi ko alam kung kailan ako huling kumain ng ice cream.

Napangiti na lang ako.

"You look more beautiful when you smile."Pabulong lang iyon pero nadinig ko. Parang ginapangan ako ng kung anong kuryente sa katawan ko.

Matapos kaming kumain ay nagyaya naman siyang manood ng sine. I don't feel like watching movie pero wala na akong nagawa dahil hinahatak lang ako ni Nate. Bumili muna siya ng popcorn at drinks.

Ang dami nanamang nakatingin sa kanyang babae. Kahit tung mga may kasamang boyfriend ay hindi maiwasang mamangha sa kagwapuhan ni Nate. Love story yung papanoorin namin. Ako yung pinapili niya ng movie na papanoorin. Basta nagturo na lang ako ng movie. Hinihintay na lang namin matapos yung naunang batch.

"You okay?"Tanong ni Nate sa akin.

"Hmm..Yes."Sagot ko.

Nakakainis yung mga dumadaan na mga babae. Tingin sila ng tingin kay Nate.

"If I could only pull out their eyes..."I muttered.

"You saying something?"Tanong ni Nate. Agad naman akong umiling. Mga ilang segundo pa ang nakalipas ay oras na para manood kami ng movie. Gusto ko sana ay horror ang panoorin namin pero mukhang takot si Nate sa horror movie eh.

Nainis nanaman ako kasi imbis na magconcentrate yung mga babae na nandito ay si Nate ang pinapanood nila. May isang babaeng nasa harap lang namin ay lumingon pa talaga. I glared at her agad namang nag-iwas ng tingin yung babae. Mukhang tinamaan ng hiya.

Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Nate yung kamay ko. Hindi ko iyon inalis. I didn't stop him. Napalunok na lang ako at nagpatuloy sa panood. Nasa gitna namin ang popcorn at ng kumuha ako ay saktong kumuha rin siya kaya nagtama ang kamay naming dalawa.

Nagkatinginan kami pero agad rin naman akong nag-iwas ng tingin. Malamig dito sa sinehan pero bakit parang init na init ako. Kumuha ako ng drinks at ininom ko iyon.

"I think that's my drink."Mahinang pagkasabi ni Nate. Muntik kong mailuwa lahat ng nainom ko. Bakit ako kinakabahan ng ganito?

"Ri-right."Sabi ko at inilapag ulit ang drinks.

Binawi ko ang kamay ko na hawak-hawak ni Nate pero kinuha niya ulit iyon pabalik. Natapos na rin sa wakas yung movie at aaminin ko na hindi ko iyon masyadong naintindihan.

Nang makalabas kami ay pansin kong pinagtitinginan pa rin siya.

"Uhmm...pu-punta la-lang ako saglit sa re-restroom."Nauutal-utal kong pagkasabi.

"Sure. I will wait here for you."Tumango siya. Agad naman akong tumalikod dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Parang nanghihina ang tuhod ko at feeling ko matutumba ako.

Pagdating ko sa banyo ay naghilamos ako ng mukha at sinampal-sampal ko pa ng bahagya ang mukha ko. Pinagtitinginan ako ng mga babaeng nandito rin sa banyo. Meron pang isang babae na lumapit sa akin.

She looks pretty. Mahaba ang buhok niya at feminine na feminine siya kung titignan.

"Uhmm..miss pwedeng magtanong?"Tanong niya habang kumukuha ako ng tissue. Tumango lang ako ng bahagya.

"Boyfriend mo ba yung kasama mo?"She curiously asked. Marahil ay nakita niya kami kanina ni Nate na magkasama kaya nagawa niya akong sundan. Umiling lang ako. Biglang ngumiti yung babae na kinainis ko.

"Pwede mo bang ibigay yung number niya sa akin?Oh and ano rin pala name niya?"Masayang pagkasabi nung babae.

"I did said he isn't my boyfriend but I never said that he is my fiance. Now, if you'll excuse me."Laglag panga yung babae. I just smirked after I walk out.

It seems like an achievement. I don't why I feel like this. Tukad nga ng sinabi ni Nate ay hinintay niya ako. Nakaupo lang siya sa isang bench at busy na nagcecellphond. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero titig na titig siya sa cellphone niya.

"Nate, honey!"I called out for him. Ewan ko kung bakit kinailangan ko pang isagaw ang pangalan niya. Nakita ko kasi na may nagtatangkang lumapit sa kanya na grupo ng mga babae.

Tumingin si Nate sa gawi ko then he smiled. Umatras yung mga babae. Tumayo si Nate at sinalubong ako. Agad akong kumapit sa braso ni Nate. Hinatak ko na siya palayo doon sa mga babae. Hinatak ko na si Nate palabas ng mall at patungo ng parking lot.

"Did I heard it right?You called me honey?"He teasingly asked.

"I was just..trying to help you."Palusot ko na mukhang hindi bumenta but I don't care.

Pumasok na ako sa kotse niya. Pumasok na rin siya.

"Where do you want to go next?"Tanong ni Nate bago paandarin yung kotse.

"I know a place."Sabi ko at ngumiti.

Itinuro ko kay Nate ang direksiyon.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now