Chapter 5

57 6 0
                                    

Chapter 5

Mga limang minuto akong naghintay kay Cassy bago siya dumating.

"Ano bang nangyari?"Tanong agad ni Cassy pagdating niya.

"Mamaya ko na sasabihin. Samahan mo muna ako. Kailangan kong magwith-draw ng pera sa bank."Sabi ko at kinaladkad ko siya.

Buti hindi pa nablonblock ni dad ang credit card ko. Nagwith-draw ako ng 20,000 pesos. Pwede na siguro ito. May cash pa naman akong 10k sa wallet ko. Bale may 30, 000 pesos pa ako.

Nagtungo na kami ni Cassy sa kotse niya. Nang makapasok kami sa kotse niya ay agad niya itong pinaandar kasabay ng agaran niyang pagtatanong.

"Bakit ang laki ng perang kinuha mo?"Tanong ni Cassy habang nagmamaneho.

"Mahabang kuwento. Sa apartment mo na lang ako magkukuwento"Napabuntong hininga ako.

"Alam mo naman siguro na mahilig ako sa mahabang kuwento."Biglang ngumiti si Cassy at nagmadali sa pagmamaneho.

Pagpasok namin sa apartment niya ay agad niya akong hinila papunta sa couch.

"Sige dali magkuwento ka na."Excited niyang pagkasabi.

Ikinuwento ko sa kanya na may nangyari sa bahay. Na nagtalo nanaman si mom and dad at hindi nanaman kami nagkakasundo ni dad. Iyon lang ang ikinuwento ko sa kanya.

Ayaw ko na madamay pa siya sa problema ko kaya napagdesisyunan ko na lang na huwag munang sabihin sa kanya yung tungkol sa kasal.Hindi pa rin naman sigurado iyon.

Hanggang sa nagyaya si Cassy na pumunta daw kami ng bar para makapagunwind naman ako. Syempre pumayag ako kaagad. Sino ba namang hihindi.

7 na ng gabi at naghahanda na kami ni Cassy. She is not yet done doing her make up ako naman ay inaayos ko na ang wig ko. Susunduin daw kami ni Drake papunta sa bar.

Mga ilang minuto pa ay narinig na namin ang doorbell. Panigurado si Drake na iyon.

"Ako na magbubukas."Sabi ko kay Cassy dahil inaayos niya pa ang buhok niya.

Nagtungo na ako sa may pintuan at binuksan ko na ito. Mukhang nagulat si Drake ng ako ang makita niyang magbukas.

"Nice hair, Aliona. Where is Cass?"Tanong niya.

"She is inside."Sagot ko naman.

"I'm here. Let's go guys."Biglang sumulpot si Cassy. Agad siyang pumulupot sa braso ng boyfriend niya.

Isinarado ko ang pintuan ng apartment niya at sumunod na lang ako sa kanila patungo sa kotse ni Drake.

I never had boyfriend before at hindi na iyon kataka-taka. Minsan naiinggit ako kay Cassy kasi she is free to do whatever she wants. Nakuha niya ang course ng gusto niya at ngayon namumuhay siya ng malaya.

Ipinagbuksan kami ni Drake ng pintuan ng sports car niya. Sumakay na ako sa loob. Nasa front seat si Cassy at ako naman ay nasa back seat.

Tinignan ko ang phone ko at nakailang missed calls na si mom. Nag-ring ulit ang phone ko at nag pop out ang pangalan ni dad kaya naman ay agad kong pinatay ang phone ko.

Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Tumigil ang kotse dahil sa stop signal.

"Are you okay Aliona?"Nag-aalalang pagkatanong ni Cassy.

"Hmm..yes."Tumango na lang ako ay ibinalik ko ang tingin ko sa labas.

I know she can tell that I'm lying. She knows me well. Alam niya kapag hindi ako okay. She can always tell.

"We are here."Excited na pagkasabi ni Cassy. Agad kaming bumaba ni Cassy sa kotse ni Drake.

"I'll pick you guys later."Sabi naman ni Drake at pinaharurot na niya ang kotse niya.

Pagpasok ko sa loob ako na sa Minchie habang si Cassy naman ay si Chime.Here we come happiness!

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now