Chapter 14

46 3 0
                                    

Chapter 14

"Nate?"Nagulat ako habang si Nate naman ay ngumisi.

"Paanong-?"Natigilan na lang ako ng kaladkarin ako ni Nate papunta sa kotse niya.

Isinakay niya ako sa passenger's seat sumunod na pumasok naman si Dino.

Pinahawakan ako ni Nate kay Dino. Hinawakan naman ako ni Dino sa braso dahil alam niyang tatakas ako.

Nagtungo na si Nate sa driver's seat at nagsimula na siyang magmaneho.

"Ano ba Dino bitiwan mo na ako. Nasasaktan ako!"Usal ko kay Dino pero parang wala siyang narinig.

Hindi sila nagsasalita dalawa kahit pa marami na akong tinatanong. Hindi nila ako iniimik hanggang sa tuluyan ng tumigil ang sasakyan. Marahil ay nakarating na kami sa kung saan man nila ako balak dalhin.

Inilabas nila ako ng sasakyan. Pagkatapos ay nagsimula na kaminv maglakad.

Wala na akong nagawa kundi ang sumabay sa paglalakad nila. Sa harap ng pintuan ay may dalawang nakatayong mga lalaki. Sobrang laki ng katawan nila.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob natigilan na lang ako sa nakita ko.

"Mom?"Sambit ko. Binitiwan na ako ni Dino.

Mom is behind this?Hindi na ako magtataka. Alam kong gagawin lahat ni mom para lang mahanap ako.

"Oh goodness, my daughter."Bigla akong niyakap ni mom. Naestatwa naman ako.

"Anong nangyari sayo?Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?You look pale...Ayos lang ba ang pakiramdam mo?"Tanong ni mom sabay hipo sa ulo ko.

"Yes at ngayong alam niyo na aalis na ako."Sabi ko ng magawi ang tingin ko sa isang direksiyon.

Nandito rin si Mrs. Lerman.

"Kuya Nate, alis na ako hinahanap na kasi ako ng asawa ko."Narinig kong sabi ni Dino kay Nate.

"I'll give you a ride because I miss my nephew too."Sabi naman ni Nate.

Naglakad na sila ni Dino paalis at ako na lang ang naiwan.

"Did I heard it right?"I muttered.

"Yes sweetie, you heard it right. They are brothers. They are my son."Paliwanag ni Mrs. Lerman.

"You planned this all along?I think I should go now."Sabi ko pero bago pa ako makahakbang ay nakaramdam na lang ako ng panghihina.

"I have no choice, Aliona. Para sayo rin naman ang ginagawa ko."Sabi ni mom.

Hindi ko napansin kanina na may itinurok na kung ano sa akin si mom na syringe. Unti-unting nanghina ang tuhod ko hanggang sa matumba na ako sa sahig.

Ang huli kong nakita ay si Nate walang malay at bitbit siya ng dalawang mamang malalaki na nasa labas kanina. Tuluyan ng nagdilim ang buong paligid.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now