Chapter 10

58 4 0
                                    

Chapter 10

Inihanda ko ang mga kailangan sa pagaapply.

I decided to use a wig. Kulay red at maiksi lang ang gamit kong wig dahil baka mamaya ay may makakilala sa akin. Mga 9 na ng makarating ako dito sa harap ng restaurant.

"N.L. restaurant."Binasa ko ang nakapaskil na pangalan ng restaurant.

Bumuntong hininga muna ako bago ako pumasok sa loob. Pagpasok ko ay parang may gerang nagaganap.

"Waiter, menu nga please!"Tawag ng isang customer doon sa waiter.

"Order mula sa table 7!"Sigaw naman nung isang chef may agad namang lumapit na waiter para kuni iyon at ibinigay sa table 7.

May apat na waiter na nagpapaikot-ikot dito sa loob. Napakabusy naman nila masyado at ang dami ng customers nila.

Lumapit ako sa isang mukhang manager nitong restaurant. He looks old maybe 45 years old na siya o hindi kaya ay 50 mga ganoon.

"Uhmm...excuse me nandito ako para sana mag-apply as a part timer."Sabi ko doon sa parang manager.

Pinasadahan niya ako ng tinging saglit sabay napalunok ito.

"You're hired."Sabi niya sa akin without looking straightly to my face.

"You can start work now. Follow me."Iminuwestra niya ang daan sa akin.

He told me to change my clothes kaya naman ay nagpalit ako ng damit ko. What is this?Siguro ito ang uniform ng mga nagtratrabaho dito. Ang pang-ibaba ay skirt at ang pang-itaas naman ay short sleeve na fitted sa parte ng dibdib ko. Masyado ring maiksi yung skirt pero wala na akong ibang choice.

Kailangan ko na talaga ng part time job ngayon kaya wala na talaga akong ibang choice. Lumabas ako ng banyo pagkatapos kong magbihis. Nanlaki ang mga mata nung Manager.

"Yummy..."Banggit nung manager.

"Excuse me?"Tanong ko ng bahagya.

"Ang sabi ko magsimula ka na sa trabaho mo. Doon ka at tulungan mo sila sa pagbibigay ng mga order sa customer."Sabi nung manager sabay turo sa direksiyon kung nasaan yung mga lalaking waiter.

Nang magtanaghali na ay mas marami ng customer ang dumarating. Parang ang tagal-tagal matapos ng araw na ito. Ang tagal-tagal rin mag-gabi. Parang hindi maubos-ubos ang mga customer.

Nakakaramdam na ako ng pagod. Medyo sumasakit na rin ang paa ko.

Sa wakas closing time na. Bago sila umalis lahat ay ipinakilala muna ako ng Manager.

"You may introduce yourself to them now."Sabi ng Manager.

Anong sasabihin ko?Yung totoo ko bang pangalan?

"I am Minchie...Please take care of me."Nag-bow ako ng bahagya.

"I am Dino."Sabi nung isang lalaki na waiter/chef.

Napagalaman ko kasi kanina na lahat sila dito ay chef. Sadyang kulang lang sila sa employees kaya multi-tasking silang lahat. Napansin ko rin na ako lang ata ang babaeng nagtratrabaho dito. Lahat sila ay hotties este lalaki pala.

Nakilala ko si Austin, Ben, Rex, Mike, at ito si Dino. Si Austin at Ben ay magkaedad. 29 years old na silang dalawa. Si Rex at Mike naman ay 25 years old at itong si Dino he is 21 years old pero hindi hamak na mas matangkad siya sa lahat kahit pa siya yung pinakabata.

Nagsimula na ring magpakilala yung iba. Lahat naman sila ay mukhang mababait ito lang si Manager Mojo ang pinaghihinalaan ko.

Yung pangalan niya parang Mojojo yung sa power puff girls tapos sa itsura niya pa lang kasi at sa mga galawan niya para siyang...iyon alam niyo na siguro kung anong tinutukoy ko.

Isa-isa na rin kaming nagpaalam sa bawat isa. Nagsimula na akong maglakad palayo sa restaurant ng marinig ko ang pangalan ko.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now