Chapter 13

44 3 0
                                    

Chapter 13

Ngayon ko lang napagtanto na ang ibig sabihin ng N.L. sa pangalan ng restaurant ay Nate Lerman. Ang slow ko kasi masyado kaya heto ako ngayon. Mabilis akong naglakad palayo kay Nate at pumunta ako sa staff room.

Sana hindi niya ako namukhaan. Mababaliw na ako dito sa loob ng staff room. Kanina pa ako paikot-ikot. Pinagpapawisan na rin ako ng husto. Hindi ko na ata kakayanin toh. Anomg gagawin ko.

Kapag lumabas ako doon baka mas lalo niya lang akong mamukhaan pero kapag hindi naman baka maalis ako sa trabaho ko anong gagawin ko.

Laking gulat ko ng may biglang pumasok sa loob. Iniluwa si Dino ng pintuan.

"Ayos ka lang ba Minchie este Aliona?"Napalingon ako sa kanya at tinaasan ko siya ng kilay.

"How did you-?"Natigilan ako ng maalala ko na kung ano yung mga sinabi ko nung gabing iyon. Yung gabing nalasing ako.

Sinabi ko sa kanya na may tinatago akong sikreto. Sinabi ko sa kanya yung totoong pangalan ko at saglit sinabi ko rin pala sa kanya na ipapakasal ako kay....

"Magbihis ka na Aliona.Ako na ang bahalang magsabi kay Manager Mojo. Sasabihin ko sa kanya na masama ang pakiramdam mo."Nakangiting sabi ni Dino.

"Salamat Dino ah..."Ngumiti ako ng bahagya.

"Naks naman Aliona wala iyon sa akin. Maliit na bagay. Sige magbihis ka na at ako na bahala magpaliwanag kay Manager Mojo."Pagkatapos na sabihin iyan ni Dino ay tuluyan na siyang lumabas.

Nagbihis na ako tulad nga ng sinabi ni Dino ay ipinagpaalam niya ako kay Manager Mojo. Buti na lang at pumayag si Manager Mojo. Sa likod na lang ako dumaan para hindi na ako dadaan doon sa harap at para hindi ko na makita si Nate.

Kakailanganin ko na ring iligpit yung mga gamit ko. Lilipat na ulit ako ng condo para makasiguradong hindi ako masusundan. Alam ko namang namukhaan ako ni Nate dahil grabe yung titig niya sa akin kanina.

Pagdating ko sa condo ay inihanda ko na ang mga gamit ko. Inilagay ko na lahat iyon sa maleta.

Inilagay ko na ang wallet ko. As in lahat ng gamit ko. Medyo natagalan pa ako sa pagliligpit. Pumunta muna ako sa landlady para sabihin sa kanila na aalis na ako. Ang totoo hindi ko pa nasusulit yung binayaran ko para sa condo pero wala na akong ibang choice.

Bumalik ako sa condo para kunin na yung mga gamit ko pero bago ako umalis ay tinawagan ko muna si Cassy. Ngayon ko na lang ulit siya tatawagan at ngayon ko na lang ulit gagamitin yung cellphone ko.

"Hello Cassy. Kailangan ko na ng ibang matutuluyan. I need your help."Sabi ko kay Cassy pero hindi siya sumasagot.

"Hello Cassy?"Tanong ko ulit.

"Hello...Aliona?Si Drake toh. Naiwan kasi ni Cassandra yung phone niya dito sa kotse ko. Kung may gusto kang sabihin ako na lang magsasabi."Sabi ni Drake mula sa kabilang linya.

"Di bale na lang Drake. Sige pakamusta na lang kay Cassy."After that I hang-up.

Saktong pagpatay ko ng phone ko ay may kumakatok sa pintuan. Siguro yung landlady na iyon.

Nagtungo ako sa pintuan at pagbukas ko ay nagulat ako. Si Dino lang pala. Gumilid si Dino at sa pagtabi niya sa gilid ay may lalaki pala sa likuran niya.

"Nate?"

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now