Chapter 28

44 3 0
                                    

Chapter 28

Aliona's P.O.V.

Pagdating ko ay nakita ko si Luke na nakaupo sa may dulong table. Tumayo siya ng makalapit na ako sa harap niya.

"Aliona, have a seat."He offered a seat at naupo naman ako. Ganoon rin siya.

Nag-abot ang waiter ng menu book kay Luke.

"Here, what would you like to eat?"Inabot sa akin ni Luke ang menu.

"Uhmm...ayos na sa akin yung italian spaghetti. Medyo diet kasi ako ngayon eh."Sabi ko. Natawa naman siya ng bahagya.

"What about appetizer?"Tanong ni Luke.

"Naku, huwag na. Ayos na iyan."Sabi ko.

Tinawag na ulit ni Luke yung waiter at sinabi ang order namin. Pareho kami ng inorder. Sabi niya ay mahilig rin daw siya sa Italian foods. Doon daw kasi siya nag-stay sa Italy ng mga 5 years noong bata pa siya.

Dumating na ang pagkain at nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang akong kumakain but to kill the silence ay ako na ang naglakas loob na magsalita.

"So..how did you get my number and how did you know my real name?"I curiously asked.

"Well, the night after you left kinuha ko kay Drake ang number ni Cassandra to get you number. Cassandra told me your real name."He explained.

Nakatitig ako sa kanya ng husto habang nagsasalita siya. He looks adorable. He looks hot.

Pagkatapos naming kumain ay sabi ko ako na magbabayad ng bills but this is what he said"I don't let girls pay for me."

Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Alam kong napansin niyang namula ako sa sinabi niya dahil ngumisi siya.

"May gagawin ka ba?"He asked. Bahagya akong umiling.

"Should we watch a movie?"Tama ba itong naririnig ko nagyaya siyang manood kami ng movie?I don't know but it seems like we are having a date.

Hell yeah!Tatanggi pa ba ako?Hoy!Luke Manchester na iyan oh. Wala kang karapatan na tumanggi.

Pero paano kapag may nakakilala sa akin?Paano kapag may nagsumbong sa akin na may kasama akong iba?Baka ikulong nanaman ako kasama yung Nate na iyon.

"No...I can't. Nakalimutan ko na may kailangan pala akong gawin. Sorry ah pero next time na lang siguro."Malungkot kong pagkasabi. Gusto ko sana pero hindi pwede baka kasi may nakasunod pala sa akin ng hindi ko nalalaman.

Ihahatid pa sana ako ni Luke but I insisted na magtatxi na lang ako. Nagpasalamat ako kay Luke bago sumakay ng taxi.

Pagdating ko sa bahay ni Nate ay mga 3 na pala ng hapon. Hindi ko namalayan ang oras. Nakaupo si Nate sa may sala at abalang nanonood sa tv ng soccer. Nagawi ang tingin sa akin ni Nate agad naman akong nag-iwas at nagtungo sa kuwarto.

Nahiga ako sa kama at isinubsob ko ang aking mukha sa unan ng biglang mag-vibrate ang phone ko. Ibig sabihin may nag-text.

Luke:

Wondering if you're home already?

Napangiti ako. Agad akong nagtype ng irereply ko kay Luke.

Ako:

Yes, and thank you ulit. I had fun.

Mabilis siyang nag-reply.

Luke:

I'm happy as long as you are happy. You're welcome by the way.

Hindi ko na alam irereply ko. Nakailang type at bura na ako ng irereply ko.

Nate:

Just wondering what makes you busy?

Napatingin ako sa harap ng pinto. Nandoon si Nate at nakasandal. Tsk.

Ako:

None of your business.

Tumingin siya sa phone niya at ngumisi habang binabasa ang reply ko. Pinanood ko siyang mag-type. Hinihintay ko siyang mag-reply pero naglakad na siya palayo.

Inilapag ko na lang ulit ang phone ko sa desk ng mag-vibrate itong ulit.

Nate:

Soon it will be my business.

Anong ibig sabihin niya?Isinubsob ko na lang ulit ang mukha ko sa unan.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now