Chapter 11

47 3 0
                                    

Chapter 11

Natakot ako nung una kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

"Miss...Minchie!"Tawag ng isang lalaki sa akin lumingon naman ako. Paglingon ko it's Dino. I sigh in relief.

"Oh bakit?"Tanong ko. Tumakbo naman siya patungo sa akin.

"Sabay na tayo diyan rin kasi ang daan ko."Aniya.

Tumango naman ako at nginitian siya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"Miss Minchie?"Sabi niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Hmm?"Nilingon ko naman siya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"May boyfriend ka na ba?"Tanong niya sa akin. It was out of the blue.

Napaisip ako sa tanong niya. Wala akong boyfriend pero meron naman akong...

"Miss Minchie???"Napabaling agad ang tingin ko kay Dino. Kanina niya pa pala ako kinakausap ako naman itong tulala lang.

Napadaan kami sa isang convenience store at napatigil siya sa paglalakad ng bigla na lang niya ako hatakin papasok ng convenience store.

"Tutal bago ka lang sa trabaho ililibre kita ng beer. Kunwari ito na yung welcome party mo."Masaya niyang pagkasabi. Napangiti na lang ako.

Kumuha siya ng apat na can beer pagkatapos ay binayaran niya na ito. Ako na sana ang magbabayad pero inawat niya ako.

Naupo na kami sa upuan. Dino is sitting in the opposite side of me. Ipinagbuksan niya ako ng can beer. Nagsimula na siyang uminom ganoon rin ako. Naubos namin kaagad yung apat na can ng beer.

Humirit pa ako ng second round pero ako naman na ang sumagot sa round two.

"Miss Minchie...about doon sa tinanong ko kanina..."Panimula ni Dino.

"Ano ba Dino..Ilang beses ko ba kailangang sabihin sayo na Minchie na lang...Minchie...At alam mo ba sa totoo lang never pa ako nagkakaboyfriend...Hindi ka makapinawala noh..."Natatawa-tawa kong pagkasabi.

Nakakatawa naman talaga eh. Pinipigilan na ako ni Dino sa pag-inom. Hindi pa naman ako lasing pero mas nanalo siya.

"Ano ba Dino?Huwag mo na akong sundan...kaya ko ng umuwi mag-isa. Hindi nga ako lasing kaya ko nga maglakad ng deretso oh!Oh tignan mo!"Nagpakitang gilas naman ako. Sa sobrang deretso ng lakad ko ayun deresto sa sahig ang bagsak ko.

Agad na tumakbo palapit sa akin si Dino at tinulungan niya akong tumayo. Natatawa pa itong si Dino.

"Huy...ikaw bata ka ha!Anong tinatatawa-tawa mo diyan?!?Tignan lang natin kung makatawa ka pa sa oras na malaman mo ang sikreto ko..."Humagikhik ako.

Bahagya akong bumuntong hininga.

"Alam mo ba kung anong sikreto ko?"Tanong ko pagkatapos ay lumapit ako sa may bandang tenga niya. Kinailangan ko pang tumingkayad dahil napakatangkad ng batang toh.

"Alam mo kung anong totoong pangalan ko?"Bulong ka sa tenga niya.

Pagkatapos noon wala na akong maalala.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now