Chapter 29

38 3 0
                                    

Chapter 29

Aliona's P.O.V.

Nakatulog ako 7 na ng magising ako. Biruin mo iyon mag fo-four ako nakatulog tapos 7 ako nagising.

Bumaba ako para kumuha ng tubig dahil medyo natutuyo yung lalamunan ko.  Pagbaba ko ay wala si Nate sa sala. Wala rin siya sa kusina. Siguro ay nasa kuwarto niya. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay napansin kong nakabukas ang pintuan papunta sa veranda.

Naglakad ako papunta sa veranda at nakita ko doon si Nate. Nakaupo siya at nakatalikod. Lumapit pa ako ng kaunti.

"...But I can't help falling in love with you..."Kumakanta ba siya?

Parang hinahatak ako ng mga paa ko palapit sa kanya.

"...Shall I stay?...Would it be a sin..."Kumakanta nga siya hindi lang iyon naggigitara pa siya.

"If I can't-"Naputol siya sa pagkanta ng may naapakan akong kung anong can ng beer sanhi para ma out of balance ako.

Napapikit na lang ako at hinahanda ko na ang sarili ko sa paglanding ko sa sahig pero hindi ako sa sahig naglanding. May ibang feeling rin akong nararamdaman.

Ang lambot ng napaglandingan ng labi ko. Iminulat ko ang mata ko at laking gulat ko ng makita si Nate at nasa ibabaw niya ako. Magkadikit rin ang labi naming dalawa!

Agad akong bumangon. Hindi ko na siya hinintay na makatayo pa. Dere-deretso akong naglakad pabalik sa kuwarto.

Bakit ba kasi pumunta pa ako doon?Bakit ba kasi hindi na lang ako kaagad bumalik sa kuwarto?

Pero bakit parang pamilyar yung mga labing iyon?Bakit parang naramdaman ko na iyon?Bakit parang pamilyar yung halik na iyon?

Ni-lock ko yung pintuan at inihagis ko ang sarili ko sa kama. Buong magdamag lang akong nakamasid sa ceiling. Nakatulala ako at hindi makatulog. Mababaliw na ata ako.

Nagtungo ako sa banyo para tignan ang sarili ko sa salamin. Namumugto na ang mga mata ko. Hahantayin ko na lang si Nate na umalis bago ako lumabas. Alam kong may pasok siya sa opisina ngayon.

Pinilit kong matulog kahit alam kong umaga na at pasikat na ang araw. Sa wakas nakatulog na rin ako.

Mga 1 na ng magising ako. Naligo ako at naghanap ng maisusuot. Nagsuot na lang ako ng maluwang na t-shirt at shorts na denim.

Bumaba ako para sana maghanap ng makakain pero pagdating ko sa kusina ay napansin ko kaaga ang sticky note na nakadikit sa refrigerator.

"I prepared a meal for you. All you have to do is to put it in the oven."

Natawa ako sa sulat ni Nate. Pero in fairness ang ganda ng sulat niya.

Binuksan ko ang refrigerator. Mukhang masasarap yung nilito ni Nate. Last time kasi na nagluto siya ang sarap talaga. Ininit ko sa oven yung luto niya at nagsimula na akong kumain.

Ang sarap talaga. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinggan  at nag-bake naman ako. Marunong naman ako mag-bake eh iyon nga lang hindi ko lang talaga alam kung paano magluto ng mga ulam-ulam ganyan.

Mga 5 na ako natapos at hinihintay ko na lang ang bi-nake ko na maluto ng tuluyan. It's simple strawberry cake. Hindi ako masyadong magaling mag-bake but I tried my best. Nang maluto na ay pinalamig ko muna ng kaonti bago ko nilagyan ng icing at toppings.

After kong lagyan ng design ay inilagay ko na sa ref. para lumamig. Mas masarap kasi kapag malamig yung cake.

Pumunta ako sa kuwarto ko para maligo at magbihis medyo natagalan ako. Pagbaba ko ay natanaw ko sa labas ang kotse ni Nate na nakapark. Siguro ay dumating na siya.

Dumeretso ako sa kusina at nagulat ako ng makita si Nate na kumakain ng cake habang naka-pang opisinang damit. Pinilit kong pigilin ang tawa ko dahil sa itsura niya. Para kasing ngayon pa lang siya nakatikhim ng cake. Inilabas ko ang cellphone ko at pinicturan ko siya.

Nabagsak niya ang tinidor na hawak niya ng makita niya akong nakatitig sa kanya. Pinicturan ko kasi siya ng may flash kaya ayun napansin niya ako. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagtawa ko. I bursted out from laughing.

"Aliona!Delete that image!I'M WARNING YOU!"Sigaw niya.

Agad namang nawala ang ngiti ko sa labi dahil papunta na sa direksiyon ko si Nate. Nanakbo ako. Hinabol naman ako ni Nate. Para kaming bumalik sa pagkabata habang naghahabulan. Natatawa na lang ako.

Na-corner ako sa isang sulok kaya naman ay gumawa ako ng paraan para makaalis. Pinilit kong makatakas pero nayakap ako ni Nate. Pilit kong tinatago ang phone ko habang siya naman ay pilit na kinukuha ito.

Natigilan na lang ako ng bigla akong mapaharap sa kanya at nagtama ang tingin naming dalawa. Parang hindi ako makahinga. Parang bumibilis ang pintig ng puso ko. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa.

Nakatitig pa rin siya sa mga mata ko. Maging ako ay hindi makapag-iwas ng tingin. Para bang nagkaroon ng lock yung ulo ko. Hindi ko magawang mag-iwas ng tingin.

"Son-"Natigilan akong muli ng marinig ko ang boses ni tita. Agad akong lumingon. Nasa likod nila si mom. Malaki ang ngiti ni mom sa labi ganoon din si tita kahit hindi niya masyado ipinapahalata.

"Seems like we are disturbing you."Nakangising sabi ni tita.

Kumalas kaagad ako kay Nate ng marealize na nakayakap pa rin siya sa akin.

"Uhmm...I think it's better if I leave."Sabi ko ng nakayuko. Tinatamaan kasi ako ng pagkahiya.

"Where do you think you are going, Aliona?"Biglang hinawakan ni Nate ang kamay ko at hinatak ako papunta sa sofa. Wala na akong nagawa kung hindi ang maupo doon.

Sumunod naman si tita at mom. Naupo rin sila sa opposite side. Hindi ako makatingin sa kanila at nakaupo lang ako sa tabi ni Nate.

"So...Aliona anak, ako at si balae decided na turuan ka ng mabuhay bilang asawa ni Nate. Alam naming masyado pang maaga pero maiging prepared ka na."Mom said.

"What do you mean?"Tanong ko.

"Pupunta ka sa Boracay. May bagong hotel na bubuksan doon after your birthday. You'll only have three days bago ka umalis. Ikaw ang magmamanage ng hotel doon. I hope you do your best. I put my trust on you."Tita informed me.

Anong iniisip nila susundin ko sila?Yes, I'm getting married with their son hindi pa ba sila nakukuntento. I hate them. I hate everyone.

"But I can't do that. I'm sorry. If you will force me about this and about this marriage...I think it will be better kung umalis na lang ako. I really cannot do it. If you'll excuse me."Tumayo na ako.

Naiiyak ako pero pinipigilan ko lang dahil ayaw kong makita nila akong umiiyak. Ayaw ko na isipin nilang I'm weak.

Tinalikuran ko na sila at naglakad papunta sa itaas.

"Aliona!"Sigaw ni mom.

"Please let her go..I will talk to her."Dinig kong sabi ni Nate.

Pumasok ako ng kuwarto at nagtungo sa kama. Naupo ako sa gilid ng kama at hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Bakit ba kasi ako pa?Bakit kailangan kong gawin ang lahat ng ito?I am a human too at may pakiramdam ako. Hindi ba nila alam kung gaano ako nasasaktan ngayon. It hurts me like a damn.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now