Chapter 35

42 3 0
                                    

Chapter 35

Aliona's P.O.V.

Kinabukasan halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Nate na nakahiga sa gilid ko.Magkatabi kaming natulog kagabi at teka nandito ako sa kuwarto ni Nate?

Napabalikwas ako ng bangon ng gumalaw si Nate. Agad akong lumabas ng kuwarto ni Nate at nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig. Mga ilang segundo pa ay dumating si tita. Sinundo nila ako para mamayang gabi.

Naligo ako sandali at nagbihis ng casual. Hindi na namin hinintay na magising si Nate. Ang sabi nila ay tatawagan na lang daw siya ni tita mamaya. Natungo kami sa Spa. Pagkatapos sa Spa ay sa Nail salon naman nagpunta.

Nagpa-manicure at pedicure na rin ako. Pagkatapos naming magpa-manicure at pedicure ay nag-lunch muna kami ni tita. Mga 2 ng nagtungo naman kami sa salon. Halos 2 hours din inayos ang buhok ko at 1 hour din ang sa make-up.. Mga 5 na ng matapos ang lahat. Nagbihis na ako at sinundo naman kami ni tita ng isang SUV. Nasa loob si mom ng SUV.

Gandang-ganda sa akin si mom at puri sila ng puri sa akin ni tita. Bigla kong naalala si Cassy. Hindi ko na pala siya nakakausap nitong mga nakaraang araw.

Hindi ako nagdalawang isip na i-text siya.

Ako:
You're going right?

Agad naman siyang nag-reply.

Cassy:

Of course yes!

Hindi na ulit ako nakareply dahil nandito na kami sa venue. Ang ipinagtataka ko may mga press na nandito.

Pumasok na kami sa loob ng event room. Sinalubong kami ni dad at ni tito. Humiwalay na sila mom, dad, tito and tita makalipas ang ilang minuto.

"Let us welcome, Miss Aliona."Nagpalakpakan ang mga tao sa pagpasok ko. Napaka grand-entrance tuloy ang dating.

Nakita ko si Cassy. Agad ko siyang nilapitan at nakipagbeso-beso pa ako sa kanya.

"Namiss kita. Happy Birthday!"Bati ni Cassy.

"Ako rin."Kasama niya si Drake na nasa gilid lang niya.

"Happy Birthday, Alio."Bati ni Drake ng nakangiti.

"Thanks."Pagpapasalamat ko.

Nagsimula na ang program at inililibot ko ang mata ko sa buong paligid para hanapin si Nate pero wala akong nahanap na Nate. Nagtungo muna ako sa labas at may nakabunggo pa akong batang lalaki.

"Kenzo, anak!"Sigaw ng isang lalaki na mukhang pamilyar.

"Saan ka ba nagpupupunta?I'm sorry miss, I'm Peter Azarcon and this is my son Kenzo Azarcon."Naglahad siya ng kamay pero ng tatanggapin ko na ay si Nate ang tumanggap. Tinignan niya ako.

"Kung saan-saan kita hinahanap nandito ka lang pala."He muttered. Natatawa-tawang nagpaalam na si Peter at umalis kasama ang anak niya.

I crossed my arms at tinaasan siya ng kilay. Tapos ay agad ko siyang tinalikuran. Lumapit na lang ako sa table nila Cassy. Naupo ako sa tabi ni Cassy. Hindi ko alam na nakasunod pa rin pala siya sa akin. Binigyan ako ng mapang-asar na mukha ni Cassy.

"Cassy this is Nate.Nate that is Cassy and Drake her boyfriend."Pakilala ko sa kanila.

Naglahad ng kamay si Nate na agad tinanggap ni Cassy.

"I'm Cassy her cousin/best friend."Masayang pagkasabi ni Cassy kay Nate.

Masaya silang nag-usap tatlo habang ako naman ay wala lang. Nanaman. Lagi naman. Gapos ng kumain ang lahat ganoon rin kami ni Nate.

"So you guys are...?"Tanong ni Cassy.

"She is my fi-"Naputol ang sasabihin ni Nate ng biglang magsalita ang mom niya sa harap.

"Aliona and Nate please join us here in front."Tawag sa amin ni tita sa harap.

Nakatingin sa amin lahat ng bisita. Si Cassy naman ay puno ng pagtataka. Naglakad kami ni Nate papunta sa harap.

"Aliona and Nate is about to share a very big news to everyone."Sabi ni tita sa microphone pagkatapos ay inabot na sa akin ni Nate ang microphone.

Nakaramdam ako ng kabal nakatutok pa naman ang spotlight sa amin. Tumingin ako sa gawi ni mom at dad. Tumingin ako sa gawi ni Cassy na kahit puno ng pagtataka she still encourage me na kaya ko ito.

Damang-dama ko ang malamig na aircon. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Hinawakan ni Nate ang kamay ko. Then I cleared my throat.

"Uhm...una sa lahat salamat po sa pagdalo. Napakaespesyal ng araw na ito sa akin...lahat ng mga tao dito ay espesyal na tao para sa akin...and I would like to use this oppurtunity para sabihin sa inyong lahat na..."Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Kinakabahan ako ng husto.
Nate squeeze my hands na nagbigay sa akin ng lakas ng loob.

"We are getting married!"Nanginginig ang boses ko. Nung una ay wala pang reaction ang mga tao hanggang sa umingay ang buong paligid. Lahat sila ay nagpalak-pakan sa announcement na iyon.

Sinalubong nila kami ng congrats at ngiti. Lumapit ako kay Cassy at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap.

"Ikaw ah nakakatampo ka!Mauuna ka pa talaga sa akin."Reklamo niya.

Nginitian ko na lang siya pabalik. Napakasaya ko sa hindi malamang dahilan. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito. Mahal ko na nga ata talaga siya.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now