Chapter 27

49 3 0
                                    

Chapter 27

Aliona's P.O.V.

Ano ng gagawin ko?Hindi ko na alam ang gagawin ko?Tatakas na lang ba ulit ako pero kahit anong gawin kong pagtakas ay mahahanap pa rin nila ako.

"Aliona, there is something I should tell you."I heard Nate saying. Lumingon naman ako habang siya naman ay nakatitig sa akin.

"Ano?"I irritatedly asked.

"I just want to-"Hindi niya natuloy yung sasabihin niya  dahil biglang nag-ring ang phone niya.

Hindi ko naiwasang mabasa yung pangalan ng tumatawag. Si Fiona. Hindi niya sinagot ang tawag at binulsa niya lang ulit iyon.

Nang makarating kami sa bahay ni Nate ay deretso na kaagad ako sa kuwarto ko. Nahiga ako sa kama ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Nang magising na ako ay 9 na ng umaga. Agad akong naligo. Nang lumabas ako ng pintuan ay may naririnig akong nag-uusap mula sa ibaba then I saw mom and Mrs. Lerman talking.Nakauwi na pala si mom at dad mula sa business trip.

Agad akong sinalubong ng yakap ni mom ganoon rin si Mrs. Lerman I mean tita pala.

"Looks like you are ready to go."Masayang pagkasabi ni tita.

May pupuntahan nanaman siguro kami. Hindi man lamang ako ginising ni Nate. Nakakainis naman.

"Nate son , tara na. You'll drive us remember?"Tawag ni tita kay Nate then nag-sink in sa akin.

Sunday nga pala ngayon. Sarado nga pala ang kumpanya tuwing Sunday. Nakasimpleng white shirt si Nate at nakajeans si Nate. Iba ang style ng buhok niya pababa ito kumpara tuwing may trabaho ay pataas.

Wala na akong nagawa dahil ipinulupot na ni mom ang kamay nila sa braso ko at hinatak akoat hinatak aki papunta sa SUV. Pinasakay ako nila mo at tita sa harap na upuan sa tabi ni Nate habang sila mom naman ay sa likod. Wala lang imik si Nate ganoon rin ako.

Nagsimula ng magdaldalan si mom at tita.Tahimik lang kami ni Nate at hindi nagsasalita.

"Balae, bakit hindi kaya tayo magspa sa susunod na araw tutal hindi naman ako masyadong busy at isama na rin natin itong si Aliona."Sabi ni tita.

Nakatingin lang ako sa labas. Hindi ko itinuon ang pansin ko sa kanila dahil kung anu-ano ang pinaguusapan nila.

Kasal...Apo...kasal....apo...kasal

Puro ganyan. Argh..kung pwede lang na tumalon na ako dito sa SUV ay ginawa ka na.

Pumunta kami sa dati naming pinuntahan ni Tita. Bineso-beso ni tita si Ms. Fu ako rin at si mom.

"Ang gwapo-gwapo talag nitong si Nate."Ms. Fu said as she flirts napangisi na lang ako.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad sa loob at naghanap ng maisusuot ko. I just want something simple that looks elegant pero ang gusto naman nila ay yung masyadong bongga. Birthday celebration lang naman ito ah hindi debut. Ang dami ko ng nasukat na damit at nababanas na ako.

Ganoon rin si Nate. Lahat ng isinusuot ko ay hinahanapan ng katernong tuxedo na isusuot ni Nate. Puro papuri ang inabot ni Nate. Ayaw ko na talaga gusto ko ng tumakas dito kung pwede lang.

Sunod-sunuran ako sa kanila. Medyo masakit na rin ang paa ko. Ewan ko kung ilang oras na kami dito. Medyo nagugutom na rin ako.

"Could we both rest for a while. I know Aliona is already tired."Narinig kong sabi ni Nate mula sa gilid.

"Naku, I didn't know na nagkakaigihan na pala itong dalawa."Mom giggled.

"Well, sure."Sabi naman ni Tita.

Kinuha ni Nate ang kamay ko at hinatak na ako. Wala naman akong nagawa dahil malakas itong si Nate. Ano naman ang laban ko sa kanya.

"Nate, saglit magbihis muna tayo."Sabi ko at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Bumalik ako para kunin ang damit ko at para magpalit. Paglabas ko naman ay nakahilig si Nate sa pader at nakapagpalit na rin siya.

"Let's go."Sabi ni Nate at nauna ng maglakad. Nagtungo kami sa parking lot.

"Paano si mom at si tita?"Tanong ko habang binuksan niya ang pintuan ng kotse.

"They said we can go now."He just simply said.

Pumasok na ako sa loob ng kotse niya at sinuot ko na ang seatbelt. Patakbo naman siyang pumunta sa driver's seat. Nagsuot muna siyang ng seatbelt bago siya magsimulang paandarin ang makina ng kotse.

Pinaandar na niya ang kotse. Hinilig ko ang ulo ko sa may bintana ng kotse.

"Saan mo gustong pumunta?"Tanong niya.

"Sa mall."Ewan ko kung bakit mall ang nasabi ko. Basta iyon na lang ang naisip ko. Gusto kong pumunta sa mall.

Maraming tao sa mall at maraming makakakilala sa kanya doon  pero gusto ko talagang pumunta sa mall. Gusto kong pagkaguluhan siya para makatakas ako.

Ibang direksiyon ang nadaanan namin kaya agad niyang iniliko papunta sa mall.

Agad naman niyang niliko ang sasakyan. Sa kalagignaan ng katahimikan namin ay tumunog ang cellphone niya. Nakita ko yung name ng tumatawag sa front screen. Si Fiona.

"It seems like importante iyang tumatawag, why don't you answer it?"I innocently said.

Fiona. Sino ba yung Fiona na iyan?Tsk...

Hindi niya pa rin sinagot hanggang sa tumigil na sa pagtawag sa kanya yung Fiona. Mukhang nagsawa na ata.

May narinig nanaman akong nag-ring. Nakakairita na ah.

"Could you just please answer that damn phone!"Naiirita kong pagkasabi. Nagkumot ng noo si Nate.

"It's not my phone it's yours."Aniya.

Chineck ko yung phone ko. Sa akin pala yung may tumatawag. Bakit ba kasi pareho kami ng ringtone?It's an unknown number pero sinagot ko pa rin yung tawag.

"Hello?"Panimula ko.

"Minchie I mean Aliona, this is me."Narinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa kabilang linya. Sino ba ito?He knows my bar name and my real name.

"Luke, remember?Drake's friend. We met at the bar."Luke said.

Oh my gosh?Si Luke?Paano niya nakuha phone number ko?For real?Seriously, Luke Manchester have my phone number?

Napatingin naman ako kay Nate. Itinigil na pala ni Nate ang kotse sa gilid hindi ko man lamang napansin.

"Right, we did."I giggled. Nagkunot ulit ng noo si Nate.

"Are you busy right now?Can we meet?Don't worry it's my treat."Aniya.

"Right now?"Ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Nate. Seryosong-seryoso na ang mukha niya. Nag-iwas ako ng tingin kay Nate.

Ano naman kung makipagkita ako kay Luke?Meron namang Fiona itong si Nate. At least quits lang kami and Luke is a real catch.

"Sure. Text me kung saan tayo magkikita."Masaya kong pagkasabi.

Pinutol ko na linya at kinuha ang gamit ko inalis ko rin ang seatbelt ko. Binuksan ko ang pintuan ng kotse at bumaba na ikinabigla naman ni Nate.

"What the heck?!Saan ka pupunta?"Sigaw niya.

"I'll be meeting a friend. It's urgent."Sabi ko at isinarado ko na ang pintuan ng kotse niya. Inaalis pa lang ni Nate ang seatbelt niya ay agad na akong nakapara ng taxi.

Saktong paglabas ni Nate ng kotse niya ay ang pag-andar naman ng taxi. Sinabi ko sa taxi driver ang address ng isang private restaurant. Iyon kasi ang sinend sa akin na address ni Luke.

Facebook:DACY
Twitter:DACY95774883

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now