Chapter 32

44 3 0
                                    

Chapter 32

Aliona's P.O.V.

Medyo malayo-layo ito sa siyudad. 2 hours rin ang inabot bago kami makarating. Nag-park na si Nate sa harap. Pagbaba ko ay nauna na ako kay Nate na pumasok. Agad akong sinalubong ng yakap ng mga bata. It's an orphanage.

Last time na bumisita kami dito ay dahil kailangan ng good reputation ni dad. I was 17 back then. Almost 7 years na rin ang nakalipas. Malalaki na rin yung mga bata dito.

"Aliona, iha."Bati sa akin nung mother theresa at niyakap ako. Niyakap ko rin naman sila pabalik.

"Matagal-tagal na rin nung huli kang bumisita. Ang akala namin ay nakalimutan mo na kami. Teka sino ba iyong kasama mong gwapo sa likuran?"Tanong ni Mother Theresa habang baba't- taas ang kilay.

"Uhmm..."Hindi ko alam kung aning sasabihin ko.

"I am her fiance. Nate Lerman."Pakilala ni Nate.

"Uy..."Asar ng mga bata.

"Naku, ikaw Aliona may fiance kay na pala. Ang bilis lumipas ng panahon ano?Tara halika kayo sa loob."Sabi ni Mother Theresa.

Pumasok kami sa loob para kumuha ng pagkain habang si Nate naman ay nagpaiwan sa labas. Tinutulungan ko si Mother Theresa na maghanda ng pagkain para sa mga bata. Nakadungaw ako sa labas ng bintana habang pinapanood si Nate na masayang nakikipaglaro sa mga bata. Hindi ko akalain na makakasundo niya kaagad ang mga bata.

"Ahy huwag mo masyadong pakatitigan at baka matunaw."Biro ni Mother Theresa.

"Mother Theresa naman eh."Sabi ko ng bigla kong maalala yung isang bata nakilala ko dito noon.

"Nasaan na po pala si Bentoy?"Tanong ko kay Mother Theresa. Bakas sa mukha ni Mother Theresa ang pagkalungkot.

"Ano pong nangyari kay Bentoy?Nasaan na po siya?"Sunod-sunod kong pagkatanong kay Mother Theresa.

Nagsimulang umiyak si Mother Theresa at niyakap ko sila ng mahigpit.

"Si Bentoy ba kamo?Nung gabing umalis na kayo ay umalis din siya. Sabi niya na hahanapin daw niya kayo pero 3 taon kaming naghintay para makabalik siya pero hindi pa rin siya nakabalik hanggang sa isang araw nabalitaan ko na lang na nabaril si Bentoy sa kabilang bayan."Iyak ni Mother Theresa. Napaiyak na rin tuloy ako.

Wala na si Bentoy. Mabait pa naman siyang bata.

"Iha, hindi mo ba hahanapin si Seng-seng este si Shei?"Ani Mother Theresa.

"Let's not talk about her. She is in a good hands now."Seryoso kong pagkasabi.

"Pero Aliona.."Hindi ko pinatapos ang sasabihin nila.

Natigil na lang kami sa pag-iyak ng marinig namin ang iyak ng isang bata. Napatanaw ako sa labas at nakita ko yung batang lalaki na nadapa. Binuhat siya papasok dito sa loob ni Nate.

"Ang gwapo at ang bait talaga ng asawa mo."Pang-aasar ni Mother Theresa.

"Mother Theresa naman."Nginitian lang ako ni Mother Theresa. Nagtungo siya kila Nate at inabot ang first aid kit.

Hindi namin namalayan ni Nate na magdidilim na. Nakaupo si Nate sa may sala at masayang nakikipagkuwentuhan at nakikipagtawanan sa mga bata. Lumapit ako sa kanila sanhi para magawi ang tingin sa akin ni Nate.

"Nate can we talk?"Sabi ko agad namang tumayo si Nate.

"Uy.."Asar ulit ng mga bata.

Nagtungo na kami ni Nate sa labas.

"We need to go home. Magpaalam na tayo kay Mother Theresa  at sa mga bata. Baka gabihin na tayo."Sabi ko.

"Hay naku, dito na kayo magpalipas ng gabi. Delikado na sa daan. Bukas na kayo umalis."Singit ni Mother Theresa.

"Mother Theresa, is right. Dito na tayo magpalipas ng gabi."Pagsang-ayon ni Nate.

So ako ang walang kakampi dito.

"Pero may trabaho ka pa bukas at hindi ka pwedeng umabsent at baka matambakan ka ng trabaho."Pangangatwiran ko.

"I own the company I can do whatever I want."Aniya at pumasok na ulit sa loob.

Nakipagkuwentuhan na siya ulit sa mga bata hanggang sa oras na para matulog ang mga bata. Itinuro na sa amin ni Mother Theresa kung saan kami matutulog.

"Pagpasensiyahan niyo na ah pero ito lang ang meron kami. Kung may kailangan kayo tawagin niyo na lang ako sa labas."Tumango-tango na lang ako.

Si Nate ay dumeretso na sa kama at nahiga. Maliit lang yung kama tapos tabi pa kami? Ito na yung kinakatakutan ko. Humiga na rin ako pero tinalikuran ko siya.

"I hope we could be like this, forever."Bulong niya na dinig ko naman.

Lumingon ako para tignan siya. Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya naman ay bigla niya akong ikinulong sa mga braso niya. Sinubukan kong magprotesta pero wala rin akong nagawa. Ipinikit ko na lang ang mata ko.

"Let's just stay like this for a while."Aniya.

Malapit lang ang mukha namin at ramdam na ramdam ko talaga ang bawat paghinga niya. Ginapangan nanaman ako ng kuryente.

"Let's make it official, Aliona. I want us to be OFFICIAL."Napadilat ako sa sinabi niya.

"Wh-what do you mean?"Nauutal-utal kong pagkatanong pero hindi ako makatitig sa mga mata niya ng deretso dahil baka bumigay ako.

Hindi siya sumagot at bigla lang siyang ngumisi. Hinalikan niya ang noo ko at tuluyan na niyang ipinikit ang kanyang mata.

Ako naman ay tulala lamang at feeling ko anumang oras mawawalan na ako ng malay.

That Kind Of Love Is Fakeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن