Chapter 34

45 3 0
                                    

Chapter 34

Aliona's P.O.V.

Pinagmamasdan ko si Nate. Hindi siya tumitingin sa akin at ramdam kong galit siya. Mabilis rin kasi ang pagmamaneho niya. Nagtaka na lang ako ng dapat ililiko na niya ang sasakyan ay hindi pa rin siya lumiko. Nagover-take pa mga siya sa ibang sasakyan. Mahigpit na ang hawak ko dahil parang tataob na itong kotse ano mang oras.

"WHAT THE HELL IS WRONG WITH YOU NATE?!?"Sigaw ko sa kanya. Tila parang hindi niya ako narinig.

Natatakot na ako. Medyo dumidilim pa naman na. Natatakot ako na baka mag mangyari sa amin. Natatakot ako na baka maaksidente kami. Natatakot ako dahil ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Nate.

"Itigil mo ang sasakyan ni Nate. Sinabing itigil mo ang sasakyan!"Mukhang natuhan siya sa pagsigaw ko dahil itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Tinignan ko siya. Nakahawak pa rin siya sa manubela ng kotse. Nakatingin siya ng diretso at hindi ako tinititigan.

"Nate, anong problema?"Tanong ko at hinawakan ko ang kamay niya. Napatingin siya sa akin pero agad din naman siyang nag-iwas.

"Sh*t!F*ck!DAMN IT!"Sunod-sunod niyang pagmumura habang hinahampas ang mga kamao niya sa manubela. Wala na akong ibang maisip na paraan para tumigil siya kaya hinagkan ko na lang siya.

Hindi ko maintindihan kung anong ikinagagalit niya pero alam kong nasasaktan siya ramdam ko na nasasaktan siya at bakit pati ako nasasaktan ngayong nakikita ko siyang nasasaktan?

"You know that I would be jealous."Bulong niya ng malakas. Alam kong sinadya niyang lakasan iyon para marinig ko. Kumalas ako mula sa pagyakap sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"I hate it when you smile in front of him. I hate it when you are having fun eveytime you are with him."Aniya ng hindi makatingin sa akin.

Hindi ko siya maintindihan. Anong gusto niyang sabihin?

"What are you trying to say?Wait, are you stalking me?"Tanong ko. Tumaas na ang tono ng boses ko.

"I can't stop myself. I don't want you to see any other man because everytime you do, it hurts me like a damn sh*t!"Halos mapiyok na siya sa pagsasalita. Nagtutubig na ang mga mata niya. Alam kong nagpipigil lang siya.

"Nate we are just pretending remember?Kaya hindi tamang masaktan ka ng ganito?"I said at tumingin siya sa akin ng direkta sa mata.

"Do you even know how badly I want you?"Bulong na lang niyang pagkasabi at pinaandar ng muli ang kotse niya patungo sa bahay niya.

Wala kaming imik hanggang sa makauwi kami. Dumeretso ako sa kuwarto. Hindi ko alam kung paano siya haharapin bukas?Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdamn ko?Gulong-gulo ang utak ko.

Mga ilang oras pa ang nakalipas mga 9 na ng gabi ay bumaba ako dahil kailangan ko ng tubig. Hindi na kasi ako makahinga.

Kumuha ako ng tubig sa ref. balak ko sanang mag-beer pero mukhang ubos na yung stocks ng beer. Whiskey na lang ang natira. Kinuha ko ang whiskey at ininom ko iyon doon na mismo sa bote. Nang hahakbang na sana ako pabalik sa kuwarto ay may biglang yumakap sa akin mula sa likuran.

"Huwag kang haharap. I don't want you to see how weak I am right now. Let's stay like this just for five minutes."Sabi ni Nate mula sa likuran ko.

Amoy alak ang hininga niya pero mas amoy ko ang shower gel niya.

Hindi ako nakinig sa kanya dahil lumingon ako. Ewan ko kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para lumingon. Nagtama ang paningin naming dalawa hanggang sa siniil na lang niya ako ng halik. Lalo pang lumalim ang mga halik niya hanggang sa itinakwil na ako ng sarili ko. I am enjoying his lips. The way he kiss me it's addicting.

Malakas siguro ang tama sa akin ng ininom kong whiskey. Hindi ko na alam ang mga sumunod pang nangyari ang naalala ko lang ay nalunod ako sa halik ni Nate.

That Kind Of Love Is FakeWhere stories live. Discover now