Chapter 36

40 3 0
                                    

Chapter 36

Aliona's P.O.V.

Ilang weeks na rin ang nakalipas. Pauwi kami ngayon ni Nate galing sa pasukatan ng wedding gown. Pumunta kami doon para isukat ulit yung damit namin para sa wedding. Sa susunod na araw na kasi ang kasal.

Medyo ginabi na kaming dalawa. Traffic at halos hindi umaandar ang mga sasakyan ng may biglang tumawag kay Nate. Nakita ko ang pangalan ni Fiona sa front screen. Sinagot ni Nate ang tawag.

"What is it Fiona?"Tanong niya.

"What the heck?Could you repeat that again?...YOU'RE PREGNANT?!?"Hindi makapaniwalang pagkasabi ni Nate.

Hindi ko alam pero may nag-udyok na lang sa akin na alisin yung seatbelt ko at bumaba ng kotse niya. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan?Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito?

Nagpatuloy ako sa paglalakad palayo sa kotse ni Nate. Palayo kay Nate. Hanggang sa may nagbabadyang ng luha sa mga mata ko. Nang makalayo na ako kay Nate ay hindi ko na napigilan ang sarili ko mula sa pag-iyak kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. I was soaking wet.

Napadausdos na lang ako sa sahig habang umiiyak at humagulgol. Nakatakip ang kamay ko sa mukha ko.

I'm Aliona and I will never be his Fiona. Paulit-ulit ko iyon naririnig na mas lalong nagpapaiyak sa akin.

"Aliona..."A man's voice called out for my name.

Lumingon ako at hindi ko pa agad nakita ng malinaw ang mukha ng lalaking nasa harap ko dahil napakalakas ng ulan.

Nabuhayan ako ng sandali ngunit gumuho lang din ang mundo ko ng si Luke ang makita ko. How I wish na si Nate ang tumawag sa akin...Kung sana siya yung tumawag sa akin...kung sana lang...pero hindi eh...Sana kasi siya na lang...

Gustuhin ko man pero hindi talaga eh...Anong pilit na kusot ko sa mata ko hindi pa rin talaga si Nate...

My dreams fade away but he did not even ask me to stay now my only choice is to go away.

Do you know how much it hurts when you know that this is the unwanted love.

Tinanggap ko ang kamay ni Luke. Tumingin ako sa kawalan.

I'm sorry Nate but I guess we are not destined to be together. Be happy with Fiona and your child.

Bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo. Nagdilim na lang ang buong paligid hanggang sa hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

That Kind Of Love Is FakeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora