Chapter 40: GONE

4.8K 121 99
                                    

A/N: Nabawasan na ako ng readers at okay lang sa’kin. Alam niyo naman ako, masaya na akong kayo lang, basta totoo kayo sa’kin. Chos. I love you, guys. I don’t know what kind of love this is but I’m pretty sure that this love makes me happy and inspired, every single day. Thank you. Thank you so damn much.

 

Chapter 40: GONE

“I’m home.”

Napanganga na lang ako sa lalaking nasa harapan ‘ko. Tinanggal niya ang cap niya. Akala ‘ko matagal siya doon pero wala pang tatlong araw ay nandito na siya sa bahay ni Janine kung saan ako tumutuloy.

“K–Kailan ka pa umuwi?” gulat na tanong ‘ko sakanya. “Bakit ang aga mo? Akala ‘ko dalawang linggo ka dun?”

Ngumiti siya sa’kin at hindi ‘ko maikakaila na napaka gwapo ng nilalang na ‘to. Akala ‘ko talaga matagal siya sa China dahil sa bakasyon nila ng mga Chinese niyang pinsan. At gulat na gulat talaga ako dahil pagkababa ‘ko ay makikita ‘ko ang isang matangkad na lalaking nakapamulsa habang may mga dala dalang regalo.

Lumapit siya sa’kin at hinawakan ang pisngi ‘ko. “I miss you. Hindi ‘ko kayang tumagal dun nang wala ka.” At tuluyan na niya akong niyakap.

Napabuntong ako ng hininga’t napangiti. Niyakap ‘ko siya agad. “Baliw ka talaga, Anthony.”

Halos dalawang linggo na ang nakakalipas. March 29 na ngayon.

Dalawang linggo lang pero parang habangbuhay na ang naramdaman ‘kong sakit. Pero nakakaya ‘ko naman kahit pa nakikita ‘ko siya sa opisina. Okay na kami at masaya ako doon. Kaso hindi ‘ko parin maiwasan na minsan maiiyak na lang ako at masasaktan parin.

Hindi ‘ko naman maikakaila na malaki ang naitulong sa’kin ng closure na ‘yun, pero hindi ‘ko ‘rin maitatanggi na hanggang ngayon, mahal ‘ko pa’rin siya. Pero nababawasan na. Hindi ako sigurado dahil naguguluhan ako sa sarili ‘ko.

Nasa gitna ako ng ayoko na at mahal ‘ko pa siya. Yun siguro ang pinakamahirap sa lahat. Yung tipong umaandar ka na sa pagmomove on pero hindi mo iwasang hindi huminto at lumingon ulit. At dahil minsan, lumilingon ako, hindi ‘ko maiwasang hindi masaktan at mahulog ulit ng kaunti. Pero pinipilit ‘ko naman ‘eh, pinipilit ‘kong umakyat na ng tuluyan at umandar ng mabilis dahil gusto ‘ko nang maka-move on. Kaso... hindi ‘ko kontrolado ang nararamdaman ‘ko dahil emosyon ‘ko na ‘to.

Siguro para sa iba, madaling mag-move on, pero sa’kin hindi. Hindi talaga. Hirap na hirap ako dahil mahal ‘ko pa siya. At hanggang hindi pa nawawala ‘to, hindi talaga ako makakalimot ng tuluyan.

Oo, natanggap ‘ko na at siguro ‘yun ang step 1 sa pagmo-move on. May closure na kami at meron na ‘ring forgiveness sa’min. Pero ba’t ganun? Wala bang pwedeng gawing ritwal para wala na ‘rin akong pagmamahal sakanya?

Wala ‘eh. Wala namang ganun diba? Oo, nakakaya ‘ko namang ipakita sakanya na hindi na ako nasasaktan pero hindi ibig sabihin ‘nun, hindi ‘ko na siya mahal.  I may have been using my feet to move on, but I’m still hurting. Nasasaktan pa’rin ako at wala na akong control doon. Tanging panahon na lang ang hihilom sa sugat.

Oo tama. Para ngang sugat ito. Wala akong magagawa kundi hintayin itong humilom. Meron mang band-aid, hindi ibig sabihin ‘nun wala na ‘yung sakit o nawala na ‘yung sugat. Panakip lang ito para hindi ka na lalo pang masaktan at hindi nila makita ang sugat mo. At ganun ang sitwasyon ‘ko ngayon. Kahit man gusto ‘ko nang gumaling ito, hindi ‘ko ‘to mapapagaling ng isang araw lang o dalawa o tatlo.

“You know how crazy I am, Grace. And I’m crazy enough to miss you this much.” At sa kwentong ito, si Anthony ang band-aid ‘ko na nagtatakip sa mga sugat na iniwan sa’kin ni Brent. Hindi ‘ko pa siya mahal pero alam ‘ko na dadating ‘yung araw na meron na akong mararamdaman sakanya.

Hanggang Kailan? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon