Chapter 23

218K 4.2K 344
                                    

23.

“Ayoko!” Todo iling ako dahil sa sinabi niya.

“Bakit ayaw mo? Dapat nga matuwa ka kasi ipapakilala kita sa Mommy ko.” Napangiwi ako sa sinabi niya. 

“Eh kasi…”

“Eh kasi?” Naghintay siya ng sagot ko. Paano ko ba sasabihin ang gusto kong sabihin na hindi siya ma-ooffend?

“Kabago bago pa lang natin tapos ipapakilala mo na ako agad. Ni hindi pa nga tayo sure kung magkakatuluyan nga tayo. We don’t have to involve our families. Saka na pag sure na tayo.” Ang hirap kasi kapag naghiwalay ang couple tapos close sila sa pamilya ng isa’t isa. Parang ang mangyayari hindi lang ang gf or ang bf ang hiniwalayan niya kundi ang buong pamilya nito. Kaya as much as possible, ayaw kong makipagkilala muna sa pamilya ng mga naging boyfriends ko lalo na kung bago pa lang kami. At sa case namin ni Jayson, ganun din ang pananaw ko. Two weeks pa lang kami. It’s too early.

Naging kami nung gabing hinatid niya ako. Hindi naman na ako nagdeny pa kasi sobrang obvious naman na ako. Ewan ko nga ba kung bakit hindi ko napigilan ang emosyon ko kahit na ayaw ko talagang maging kami. At hindi na rin niya ako pinahirapan.

 

“Hindi ka naman bibitayin kung aminin mong may gusto ka sa akin. Masaya nga yun kasi nagkakagustuhan tayo. Bakit mo titikisin ang sarili mo? Ano ba ang masama kung maging bf mo ako?” Sabi pa niya.

 

“Kasi playboy ka!” Asik ko sa kanya.

 

“Ayaw mo nun, mararanasan mong magkaboyfriend ng playboy? It is a privilege. Mga VVIP lang ang nakakaranas nun. ”At talagang proud siya sa pagiging playboy niya. Ang sarap batukan.

 

 

“Anong VVIP?” Daming alam ng lalaking ito.

 

 

“Very very Important Person. And you’re a VVIP for me.”

 

 

“May VVIP ka pang nalalaman dyan. Hahantong lang din sa isang bagay ang  lahat. Sasaktan mo lang ako.” Yun naman talaga ang dahilan kung bakit iwas ako ng iwas sa kanya. Dahil alam ko kung saan ako pupulutin pag nagustuhan ko siya. Pero wala, kahit anong iwas ang gawin ko, di pa din ako nakawala. And now I’m doomed.

 

“Malamang masasaktan ka. Nagmamahal ka eh. Katulad kanina, di ba nasaktan ka. Hindi ka pa umaamin niyan.  It’s inevitable.  And I can’t guarantee that I won’t hurt you because I can’t control the situation all the time. Hindi din ako mangangako sayo ng walang katapusang kaligayahan, only a fool would do that. We have to face the reality that I might hurt you and you might hurt me but we can make each other happy. So why don’t we take the risk of being hurt in order for us to be happy?” And he has a point. At wala na akong maisagot. Who would have thought na masasabi niya ang bagay na yun? Paano nga ba ako liligaya kung hindi ko itatry. Kung palagi na lang akong matatakot.  

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon