Chapter 41

153K 4.1K 411
                                    

41

“O well…” Nag isip siya. At medyo nahimasmasan na ako sa impact ng halik niya. Medyo pumapasok na din sa isip ko ang ginagawa niya. Nakikipagbreak siya sa akin?

“Kelan kita dinaan sa dahas?” Tanong ko pa.

“Hindi ko na maalala. Basta dinaan mo ako sa dahas. Yun na yun. At hindi ko mapapayagang gawin mo ulit yun sa akin. Kung gusto mo akong makuha, sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo.” He said with conviction. Seryoso ba siya? Nangungunot na ang noo ko. Hidni kaya pinagttripan lang ako ng lalaking ito? Pero mukha naman siyang seryoso. Ni hindi siya ngumingiti.

“Are –are you breaking up with me?” I voiced out my thought.

“Well…” He hesitated. And his hesitation is killing me. Pero hindi na niya dinugtungan ang sinabi niya.     

“Akala ko ba ayaw mo akong mag move on. Kaya nga hinabol habol mo pa ako dito di ba?  Why are you breaking up with me now?”Hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayari sa amin ito. Kababati lang namin!

Narinig ko siyang tumikhim bago magsalita.

“Sige na, magmove on ka na. Napag-isip isip ko hindi na pala kita type.” At lalong nanlaki ang mga mata ko. Hindi…hindi na niya ako type?

“Ano? At kalian mo naman naisip yun?” He must be kidding me. Surely, he is just kidding.  

“Ngayon ngayon lang. Come to think of it, hindi talaga kita type. Hindi ikaw ang ideal woman ko. You are not submissive, I can’t even control you. Palagi tayong nagtatalo sa maliliit na bagay. Ni hindi ka sweet at hindi ka vocal. Nangangapa tuloy ako palagi. Lahat ng actions ko pinupuna mo. Sobrang selosa mo pa pero ayaw mo naman umamin. Pag nagtatalo tayo aabutin ng siyam siyam bago tayo nagkakabati kasi ina-analyse mo pa ang lahat Kadalasan naman namimisinterpret mo lang. At higit sa lahat, you don’t have a breast that men would die and kill for. Ahhh, you are not really my type.” I gaped at him, not quite believing what I am hearing. At ano daw? I don’t have a breast that men would die and kill for?

Napatingin ako bigla sa dibdib ko. Yes, it is not that big pero hindi naman ako flat chested. In fact, may cleavage naman ako. At bakit ngayon ko lang siyang narinig na nagreklamo tungkol sa anatomy ko?  

“Are you insulting me?” Bulalas ko. Hindi makapaniwala.

“Hindi ah. Sinasabi ko lang ang totoo.” He said nonchalantly as if it was the most normal thing to say.

“At dahil sa mabait naman ako, bibigyan kita ng chance. Kung gusto mo talaga ako at hindi ka mabubuhay ng wala ako sa buhay mo. Dapat sabihin mo muna. Hindi pwede ang text. Hindi pwede ang email at sulat. Dapat makikita ko ang expression mo. Wag mo akong nililinlang.” Dagdag pa niya. At siya pa ngayon ang may ganang magbigay ng chance?

At ano daw? Nililinlang?

“How dare you..”Pero hidni na niya ako pinatapos. Nagsalita agad siya.

“Kapag nakapagdecide ka na, alam mo naman kung saan ako hahagilapin.” Sabi pa niya.  

And he walked out . Tulala ako. What had just happened?  

Nakatingin lang ako habang papalayo siya. Magulong magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit umabot sa pagbbreak namin ang simpleng tawag ni Marianne at ngayon nga nag wowalk out na si Jayson.

 Pero mas nagulat ako nung bigla siyang bumalik at nagmamadaling lumapit sa akin at walang kaabog abog na hinalikan ulit ako. Mabilis pero malalim. Natulala ulit ako at nawindang na naman ang buong pagkatao ko.

“What the hell!” Naibulalas ko. Seriously…

“Kulang pa kasi ang nabawi kong halik, hindi ko nabawi lahat. Baka sabihin mo nag iiwan ako ng bakas.” Seryoso pa ding sabi niya tapos umalis na talaga siya. Saan siya pupunta? Ni wala siyang dalang gamit.

Kaya naman nung mahimasmasan ako sa ginawa niya hindi ko siya hinabol. Instead bumalik ako sa cottage niya at hinintay ko siyang bumalik para kunin ang mga gamit niya. Pero hindi yun nangyari. Instead, he texted me:

‘Nakalimutan ko ang mga gamit ko. Pwede mo bang bitbitin na lang pagbalik mo ng Maynila? Nabayaran ko naman na ang bill ng cottage mo at cottage ko kaya quits lang tayo.’

At talaga namang pagkatapos niyang makipagbreak sa akin, may lakas ng loob pa siyang utusan ako. At dahil doon, hindi ako lubos na nalungkot. Pakiramdam ko kasi pinagloloko lang niya ako at hindi naman siya seryoso. Baka nga nagtampo lang,

But  days came at walang nagpaparamdam na Jaysonsa sa akin.Hanggang sa makabalik na ako sa Maynila. At kahit nung nasa Maynila na ako, hindi pa din siya nagpaparamdam. Kahit ang mga gamit niya hindi niya kinakamusta.

Doon na ako nagsimulang kabahan. Mukha atang tinotoo talaga niya ang pakikipagbreak sa akin.

And so, I texted him  3 days after I return from the resort. At para hindi halata, tinext ko siyang kunin ang mga gamit niya pero wala akong reply na receive from him. Kahit tawag wala. Lalo akong kinabahan. Hindi na ako mapakali.

And then I called him and I found out na hindi na active ang number niya. Pati ang phone niya sa condo walang sumasagot. Pati si Tamadao hindi alam kung nasaan siya.

Mukhang pinagtataguan niya ako. A part of me is saying na hayaan ko na siya. Hindi ako dapat naghahabol sa kanya. Kung yun ang gusto niya, eh di pagbigyan.

Pero malaking bahagi ng pagkatao ko ang hindi matanggap ang nangyari. It’s hard. Harder than the last time na halos hindi kami nag usap. At isa pa, kinukulit ako ng kunsensiya ko dahil alam ko, ako ang may kasalanan this time. Kaya dapat ako ang magpakumbaba, ako dapat ang gumawa ng move. Ako dapat ang magreach out.

Ako dapat ang…

At napasigaw ako sabay apak ng brake ng kotse ko. The next thing I heard is the crashing of the metal against metal and something hit me in the face then I lose consciousness.  

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon