Chapter 5

330K 5.5K 374
                                    

5.

Late na late na ako sa clinic ko. Grabeng traffic naman kasi yun. May nagkabanggan kasi sa EDSA kaya ganun. Halos takbuhin ko na pagkababa ko ng kotse pero nakakatakot baka mabalian ako ng heels. Ang taas pa naman nito.

Hindi ko na masyadong binati ang guard na bumati sa akin. Dire diretso lang akong sumakay sa elevator paakyat sa clinic ko.  Ito yung mga panahon na gusto ko ng may teleport. Sino kaya ang makakimbento nun?

“Good morning Doc.” Bati sa akin ni Sheila ang secretary ko.

“Good Morning. May pasyente na?” Sabi ko sa kanya habang papunta ako sa desk ko. Sa kabilang door ako usually dumadaan kaya hindi ko nakikita ang mga pasyente na nasa waiting lounge.

“Meron na po Doc. Ang pogiiii!” Kinikilig na sabi niya. Napangiti lang ako. Ito talagang si Sheila. Inayos ko muna ang sarili ko kasi sabi nga ni Sheila pogi daw ang pasyente. Ayaw ko namang magmukhang yagit sa harap nun. Hindi sa makikipagflirt ako, gusto ko lang maging presentable.

“She, papasukin mo na.” Sabi ko kay Sheila while I am rummaging through my bag. Saan na kaya yun? Patay ako pag nawala ko yun.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto pero busy pa din ako sa paghahanap ng singsing kong kahapon pa nawawala. Ang mahal pa naman nun.

Then may narinig akong tumikhim at napatingin ako sa nakatayong tao sa harap ng table ko. Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mga mata ko. What the hell! Wala na ba itong kilalang ibang doctor?  

“Ikaw na naman!?” Bulalas niya bigla. Yun sana ang sasabihin ko, naunahan lang niya ako. Kung sinuswerte ka nga naman.

“Ikaw din?” Napangiti na lang ako.   Seriously, paano ba niya ako nahahagilap. Nasa kabilang hospital ang isang clinic kopero natagpuan niya ako. Must it be fate? Naks! Gumaganun ka na Roselyn. Nakakita ka lang ng kulot may fate ka ng nalalaman ha. I composed myself para maalis ang pagkabigla ko.

“Maupo ka.” Mahinahong sabi ko. Pero hindi siya naupo. Nakatayo pa din siya sa harap ng mesa ko at nakatingin sa akin. Hmmm.. tama nga si Sheila, ang pogi nga ng pasyente namin. I smiled secretly.

“Paanong…”Naguguluhang tanong niya.

“Anong paano?”

“Paanong ikaw ang psychologist?”  Napangiti ako sa sinabi niya.

“Dalawa kasi ang specialty ko. Urology and Psychology. Sino ba ang nagrefer sayo at wala atang alam na ibang doctor at ako lang?” Hindi ko naman sinabi sa kanya na usually ang mga poasyente kong may ED ay sa akin na din pumupunta pag psychological ang cause ng ED nila.

“Si Tamadao Sia. Sabi niya sa akin ikaw daw ang expert sa mga ganitong case. Tsaka….maganda ka daw.”  Napangisi ako. May hula akong pumunta siya dito dahil sa sinabing magaling ako. I guess it’s the latter.

“Ahhh Si Doctor Sia pala. Maregaluhan nga ang isang yun!” Wala sa sariling sabi ko. Tiningnan lang niya ulit ako. Di ko alam kung dapat ba akong magpasalamat kasi palagi niya akong tinitingnan samantalang dati nakikita pa lang ako, tumatakbo na siya.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon