Chapter 15

266K 4.4K 275
                                    

15

Naniningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya habang siya naman, kampante na nakaupo sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang bawat kilos ko at pinakikinggan ang bawat talak ko. I didn’t see a trace of remorse or guilt in his face. Mukhang ngang tuwang tuwa pa siya sa mga nangyayari.

“Ano na lang ang sasabihin ni Marianne at ng mga kaibigan niya? Ang iisipin nila?” Pakiramdam ko nag iigting ang mga ugat ko sa leeg sa mga pinagsasabi ko.

“Sasabihin nila na ang macho ko at iisipin nila na ang swerte mo dahil ako ang fiance mo.” Buong pagmamalaking sinabi niya. May nalalaman pa siyang pataas taas ng kilay samantalang ako mahahighblood na ata sa kanya. And again, gusto ko na namang sisihin si Emerson sa mga nangyari. Dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi kukulo ang dugo ko dito kay Jayson.

“Hindi eh! Iisipin nila na hindi mo ako masyadong mahal at isang kaladkarin kang lalaki at pwedeng pwede ka nilang agawin sa akin. At hindi pa nga tayo kasal, niloloko mo na ako.” Punong puno ng emosyon ang pagkakasabi ko. Kulang na lang ingudngod ko sa kanya ang mga sinasabi ko para lang maintindihan niya ang sitwasyon. Mukha kasing di pa nagsi-sink in sa isip niya na nagpapanggap kami bilang magkasintahan na malapit ng ikasal.

“May plano ka talagang pakasalan ako? Ikaw Roselyn ha, pinipikot mo na ako. Akala ko ba nagpapapanggap lang tayo?” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bakit ba ang hirap niyang paliwanagan?

Bumuntong hininga ako para kalmahin ang sarili ko at inisip ko na may utang na loob ako sa kanya kasi pumayag siya na gamitin ko siya. Hindi dapat kumukulo ang dugo ko ng ganito.

“Okay. Uulitin ko Jayson. We are pretending to be lovers at hindi na tayo aabot sa kasal, so rest assured na hindi kita pipikutin. Ang pakiusap ko sayo,  you act accordingly as my lover. Hindi yung nakikipaglandian ka every chance you get. You should act faithfula nd very much in love with me. Maaasahan ba kita na magagawa mo yun?” Malumanay ang pagkakasabi ko na parang nagpapaliwanag ako sa isang pasyente. Pero ang totoo, gusto ko na siyang sigawan at sabunutan at ng malagas ang lahat ng kulot niyang buhok.

“Oo naman. No sweat. Easy job. Pero dapat maging convincing din tayo sa kanila na nagmamahalan tayo. Kasi kung hindi sila macoconvince, sa sobrang pogi ko, malamang na aakitin nila ako. At ayaw kong maging bastos sa mga babae.” Buong confident ang pagkakasabi niya nun. Pinilit kong ngumiti at pinigil ang kamay ko na mukhang may sariling isip na gustong mambatok.

“Of course we will act accordingly.” Sabi ko na lang para matapos na ang usapan. May pakiramdam kasi akong kapag pinagpatuloy ko pa ang usapan namin, mauubusan ako ng dugo.

Nung kinagabihan na, Marianne invited us para sa isang bonfire. Ewan ko ba kung makapal lang talaga ang mukha nung pinsan ko para umarte na parang walang nangyari kanina sa sand bar. Pero alam ko na ang imbitasyon ay para lang talaga kay Jayson. Pero dahil nga ako ang naturingang fiancee kaya dapat sumama ako. Alangan namang na hayaan ko na lang na maglandian silang dalawa?

Pagdating namin, nagsisimula na silang mag inuman. Uupo sana si Jayson sa tabi ni Marianne kasi yun ang may bakanting space pero naging maagap ako at hinila siya palayo dito at ako ang naupo sa tabi ni Marianne. He just grinned and gave me a meaningful look.  Inismiran ko nga.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon