Chapter 22

229K 4.7K 417
                                    

6/18/2014

22.

Time flies so fast when one’s having the time of his life.

Ganun nga siguro ang nangyari kasi simula nun palagi na kaming lumalabas at hindi ko na tinatanggihan ang mga pagyayaya niya. Dahil doon  mas lalo kong nakilala ang pagkatao niya. Hindi lang pala siya panay kalokohan.

Ang ineexpect ko kasi ay isang playboy na lalaki na walang ginagawa sa buhay at puro yabang lang ang alam. A total bum na umaasa pa din sa magulang. Pero hindi pala. I discovered that after high school naging independent na siya sa mother niya. At paminsan minsan nagkukwento siya tungkol sa father niya. Pero kadalasan, if possible, napapansin kong umiiwas siya sa topic na yun.

Pero hindi kami. Wala kaming relasyon. Walang usapan na ganun. Simula kasi nung nakakagulat niyang ‘I need your love’ declaration hindi na siya nagsalita tungkol sa feelings niya sa akin. Nagbibigay pa rin naman siya ng bulaklak at mga regalo sa akin pero hindi na nga lang ako sure kung nanliligaw ba siya o gusto lang niyang magbigay.

Nung minsan, tinanong ko siya kung bakit binigyan niya ako ng bulaklak ang sabi niya sa akin nagbigay daw kasi ng dividend ang isa sa mga company kung saan may investment siya kaya naisipan niya akong ibili ng bulaklak.  He is thoughtful in a way. Napangiti ako sa naisip.

“Oi Doc, tama na ang daydream, andyan na ang reality.” Sabi ng secretary ko and indeed I saw Jayson.

“Ba’t andito ka na naman?” Kahit anong oras sumusulpot na lang siya sa clinic ko. Palibhasa, hawak niya ang oras niya kaya magagawa niya ang lahat ng gusto niya.

“Here.” At nilapag niya ang maliit na cartoon ng curly tops sa taas ng table ko. Napakunot ang noo ko at tumaas din ang kilay ko. Seriously? Curly Tops? Bakit hindi choc nut o kaya boy bawang? Hindi naman sa namimili ako ng regalo kasi hindi naman siya kuripot sa pagbibigay sa akin ng chocolates.

“Bumaba ang stock ng San Miguel  kaya yan na lang muna.” Nanlulumong sabi niya sabay pasalampak na umupo sa upuan sa harap ng table ko. Parang naluging intsik. Pinigil ko ang mapangiti. Ni hindi ko nga alam kung bakit ako nangingiti. It’s been happening often lately. Yung mapapangiti na lang ako ng walang dahilan. May kutob na ako sa nararamdaman ko, pero ayaw ko pang I confirm. Baka nakalaklak lang ako ng happy pill ng hindi ko alam. 

“So namumulubi ka na niyan?” I appeared unaffected pero natatawa ako sa itsura niya. First ko siyang nakitang naapektuhan dahil sa mga stocks niya. Yes, he is into stocks trading. He have investments in a lot of companies. He sits in board meetings sa ilan sa mga companies kung saan siya may stocks. In fact pinagmamayabang niya yun kasi daw he got paid just by sitting for a few hours and pretending to listen.

“Hindi pa naman. Kaya pa naman kitang buhayin at bilhan ng lupa’t bahay pag kinasal na tayo. But I doubt kung kaya ko pang bumuhay ng isang dosenang anak kung magtuloy tuloy ang pagbagsak  ng stock market.” Hindi siya nakatingin sa akin kaya hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi niya o hindi. At ako naman, pinilit na kinakalma ang nagwawalang puso ko.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon