Chapter 21

226K 4.2K 316
                                    

21

“Alam mo bang makakapili sila kung lalaki o babae ang mga magiging anak nila?” Sabi pa niya habang hinahayaang gumapang sa kamay niya ang itim na langgam. And yes, we are talking about ants, particularly the queen ant.

“Ows?” Sabay subo ng gulay sa plate ko. Dinala nga niya ako sa isang buffet  restaurant at mukhang sinusulit talaga namin ang bayad kasi kanina pa kami dito simula nung nag open para sa dinner at ngayon nga malapit ng magsara. At sa kawalan ng pag uusapan, napagtripan niyang ikwento sa akin ang buhay ng mga langgam na pinagtangkaan kong patayin nung makita ko na gumagapang sa bulaklak na binigay niya sa akin.  

“Yes. Habang egg pa lang, the queen ant could  choose kung lalagyan niya ito ng sperm o hindi. Kung hindi niya lalagyan ng sperm then lalabas ito as a male worker ant and kung lalagyan naman  niya then magiging female worker ant ito or pwedeng maging queen ant.” Mahabang paliwanang niya.  Naaliw naman ako na knowledgeable pala siya sa life cycle ng mga langgam at aaminin ko na hindi ko alam ang mga bagay na sinasabi niya.

“Kung female ant ka, bakit gugustuhin mong maging worker kung pwede ka naman pa lang maging queen?” Angs arap kaya ng buhay Reyna?

“Bakit ikaw ba gusto mong manganak ng manganak ng walang pahinga sa loob ng humigit kumulang 30 years? The queen ant have the longest life among insects. And besides if the female ant wanted to be a queen, she have to leave the colony and choose another colony. Pero kung gusto mo talagang maging queen at manganak taon taon, ngayon pa lang pag iipunan ko na.” Pakiramdam ko nag init ang buong mukha ko sa sinabi niya. At bakit napunta sa akin ang usapan? At talagang sa lahat ng pwedeng I compare sa akin, sa langgam pa talaga.

Peo instead na magalit, hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil kapag ginawa ko yun, mapupunta na naman sa kung saan saan ang usapan namin. Tinuloy na lang naming ang pagkain naming hanggang sa sumara ang resto.

And then it became awkward. Naglalakad kami papunta sa kotse niya at hindi kami nag uusap. Supposedly ihahatid na niya ako kasi dinner lang naman ang napag usapan namin at tapos na kami sa masaganang dinner pero mukhang ayaw naming dalawang umuwi pa.

I was about to ask him kung may plano pa ba siyang iba when our hands brushed.

“Aw.” Tapos nilayo ko ang kamay ko sa kanya. Sabay tingin ng masama.

“Wag mo nga akong kinukuryente dyan!” Angal ko pa sabay pagpag ng kamay ko. Aware naman ako na paminsan minsan talaga na nangyayari ito na nakukuryente ang isa tao pag nadidikit sa isang tao kaya hindi ko binigyan ng malisya ang nangyari dahil hindi ako malisyosang babae.

“Hindi ah. Ikaw tong dikit ng dikit sa akin.” Dun na tumaas ang kilay ko pero ngumisi lang siya sa akin at kinuha ang kamay ko na nakuryente niya.

“Sabihin mo lang kung gusto mo nang makipag holding hands sa akin Doc. Wala namang problema sa akin.” Hinila ko ang kamay ko pero di niya binitiwan.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon