Chapter 24

209K 4.2K 221
                                    

24.

Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa din ako makapaniwalang sinabi niya yun sa akin.  What he said put me in my place. Oo nga naman, girlfriend nga lang ako. Ano ang pakialam ko sa personal na buhay niya.

Hindi kesyo, pinakilala niya ako sa Mommy niya ay naiiba na ako sa dating mga girlfriends niya. In his perspective, I am just like the rest. Just a companion and a bed warmer if I allow it. Nothing special. And somehow, kumirot ang puso ko sa isiping yun. At yun ang di nagpapatulog sa akin. I am making up a decision. Kung ipagpapatuloy ko ba ang pagiging ‘just a girlfriend’ niya o makikipaghiwalay na sa kanya. Kasi kung tutuusin, kung ganyan ang tingin niya sa relasyon namin, wala rin kaming patutunguhan.  Bakit pa kami magsasayang ng oras?

Yan ang pinaka logical na gagawin pero tuwing naiisip ko, may kunting kirot sa puso ko. It is not much, yet enough for me to have second thoughts about breaking up with him.

Ahhh…what am I supposed to do?

Nasa ganyan akong pag iisip nung mag ring ang phone ko na nasa bedside table. Sinilip ko ito and it was Jayson.

Hinayaan kong magring ng ilang beses and then I pick it up.

“Hello.” Malamig na bati ko.

“Hey, Rose, I’m sorry.” Napapikit ako at napabuntunghininga.

“It’s okay.” Mahinang sabi ko. And it is indeed okay. I have decided that it is okay once I have accepted the fact that I am just one of of his girlfriends. A girlfriend who don’t expect anything, who doesn’t demand and the one who do not assume. Kung yan ang gusto niya, then so be it.

Natahimik sa kabilang line na para bang nagulat pa siya sa sinabi ko.

“It’s okay?” Hindi makapaniwalang sabi niya. Sino nga ba naman ang maniniwalang okay lang sa isang tao ang masigawan?

“Yes. It is.”

“Are you okay?” Tanong pa niya.

“Oo naman. Bakit naman hindi ako magiging okay? Ang totoo niyan inaantok na ako.” Sabi ko para matapos na ang usapan. At mukhang nakaintindi naman siya. 

“Ah nagising ba kita? I’m sorry. I was just worried. Sige, sleeptight.”

“Goodnight.” Then naghikab ako.

“Rose…” There was uncertainty in his voice pero binaliwala ko lang yun kahit na ang lakas na ng tibok ng puso ko.

“Hmmm..?” Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang bilis ng heartbeat ko but the same time parang may bumabara sa lalamunan ko. And I am fighting the urge to cry. Bakit ako iiyak? Hindi naman ganun kasakit ang ginawa. It’s not as if pinagpalit niya ako sa ibang babae o kaya pinutol niya ang engagement namin. He just told me to mind my own business. Ano ang masama dun? Bakit pakiramdam ko, something is clogging my chest.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon