Chapter 32

169K 4K 345
                                    

Wow! Napawow ako sa comment mo. Thank you.

32.

Hindi ko akalain na ako itong nakipagbreak, ako itong naagrabyado pero ako pa itong guilty. Hindi ko alam kung paano bumaliktad ang sitwasyon at nakakaramdam ako ng ganitong guilt na para bang ako ang may kasalanan. But then, when I recall what happened, wala naman akong dapat Ika guilty. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Dapat nga magalit ako kasi ni wala man lang effort si Jayson para suyuin ako ulit pagkatapos niya akong iwan sa bahay ko. Hindi na ulit siya nagpakita sa akin. Ni wala akong nareceive kahit na isang text sa kanya. And I know that It’s pathetic of me to expect that he would call para suyuin ako. Pero bilang babae, siguro ganun talaga. Makikipagbreak, tapos mag eexpect na susuyuin. Ang malas ko lang, dahil hindi pala ganun si Jayson.

Tumayo na ako para lumabas nung clinic nung nasalubong ko ang secretary ko. 

“Doktoraaaaaaaaa!” Napatingin ako bigla sa kanya. Kung may pasyente lang malamang napagalitan ko na siya dahil sa malakas niyang boses. Pero pati mga pasyente ko nakikiramay sa akin kasi walang dumadating. Alam ata nila na wala akong magandang maipapayo.

“Bakit?” Naiiritang tanong ko.

“Uuwi ka na p-po Doktora?” Nagtataka akong napatingin sa kanya. Usually tuwa tuwang ito kapag pauwi na ako kasi ibig sabihin, makakauwi na din siya pero bakit parang hidni siya mapakali.

“Oo. Wala namang pasyente. Bakit?”

“Eehhh…kasi… Doc… Wag muna po. Baka po may dumating na pasyente.” Kumunot na ang noo ko.

“Sabihan mo na lang na bumalik na lang bukas.” At naglakad na ako papuntang pinto pero humarang siya.

“Doc! Waaagggg!”

“Ano ba ang ginagawa mo Fe?Padaanin mo nga ako!” Atubili siyang umalis sa harap ng pinto para padaanin ako pero hindi naalis ang nagpapanic niyang tingin sa akin. Anogn problema nun?

Hinayaan ko na lang ang secretary ko sa pagdadrama niya at dumiretso na sa parking. Pero hindi pa ako nakakarating sa parking nung matigilan ako. AT hindi ko alam kung didiretso ba ako o babalik o liliko dahil sa nakita ko.

Jayson and Marianne walking towards me. Nakalingkis pa ang braso ni Marianne sa braso ni marianne and both of them are smiling. Agad na nanikip ang dibdib ko at nag init ang sulok ng mga mata ko. Pero hindi ko hinayaang tumulo ang luha ko. No, I won’t allow them to see me crying.

Kaya bumuntonghininga ako and summon all my remaining strength at nagkunyaring hindi sila nakita. Naglakad ako ng diretso at kahit na magkaharap na kami hindi ako tumingin sa kanila. Kahit naririnig ko na ang hagikgik ni Marianne pinilit kong pinamanhid ang sarili ko hanggang sa malampasan ko sila. Naglakad ako hanggang sa parking na tulala at pinipilit na huwag tumulo ang luha ko. Nakailang hugot ako ng hininga para lang pakalmahin ang sarili ko.

At kahit na nakasakay na ako sa kotse, I didn’t allow myself to cry. And cursing Jayson while I am driving helped a lot para hindi ako magbreakdown. Thinking that I am better off without him somehow lessens the pain that I am feeling. And that, he is not worth the tears. Sino ba siya para iyakan ko? Sinasabi ko na lang sa sarili ko na mabubuhay naman ako kahit wala siya kahit na pakiramdam ko mamamatay na ako sa sakit?

Hindi ko alam pero ilang beses naman na akong nabigo, at naloko na din naman ako. Pero bakit sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon? I cursed Jayson for inflicting me this kind of pain.

And I wanted to forget this kind of pain kaya naman pagdating ko sa bahay kinuha ko ang wine na matagal nang nakalagay sa bar counter na regalo sa akin many christmas ago. Inisip ko, gusto ko lang makatulog agad. Gusto ko lang makalimot. Pero habang umiinom ako, hindi ko maalis ang tingin ko sa hard liquor na nakadisplay para mas lalo akong mabilis na makalimot but I decided against it kasi may clinic pa ako bukas.

I shouldn’t drunk myself just because Jaysonsa made a fool out of me. Si Jayson lang yan. Madami pang lalaki. Magsama sila ni Marianne. And I wallow on my bitterness hanggang sa hindi ko namalayan ubos na pala ang isang bote ng wine.

Tumayo ako para pumunta na sa room ko nung bigla akong mahilo pagtayo ko. Mabuti na lang napahawak ako sa gilid ng wine bar.

“I’m okay. I’m okay. It’s just a brokenheart. Nothing that a good night sleep couldn’t cure. “ I said loudly habang naglalakad papunta sa room ko. And sure enough, pagkabagsak ng katawan ko sa kama, after a while, nakatulog na ako thinking that I will be fine in the morning. Na magigising ako na maayos na ako. Na hindi ko na mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko. But I was wrong. I was dead wrong.

Dahil hindi pala nakukuha ng tulog ang lahat dahil kinaumagahan nasasaktan pa din ako. Naiiyak pa din ako. Para pa ding dinudurog ang puso ko.

And I thought, this will pass. Time heals all wounds. Makakalimot din ako. Makakamove on din ako. I just need some time. Pero gaano ba katagal ang pagmomove on? Is there a specific time for it? Dahil kinaumagahan ulit, ganun pa rin ang naramdaman ko. And the next day after and the next day after that hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang umaga na akong gumigising na maga ang mga mata at mabigat ang dibdib. 

Mas nadagdagan pa, because I am starting to miss him. Kung hindi lang dahil sa pride ko baka ako na ang naunang tumawag o nagtext sa kanya. I must be crazy for feeling this way and I started to panic. Hindi pwedeng ganito na lang ako. I can’t be mesirable for a long time.

Naapektuhan na ang mga pasyente ko. Naapektuhan na ang disposisyon ko sa trabaho. And I need to get hold of myself bago ako lumala.

I massaged my head dahil nagsisimula nang sumakit ang ulo ko dahil sa kaiisip. Tapos nakita ko ang sarili ko sa salamin na nasa gilid ng mesa ko. Muntik na akong mapatalon.

I looked like a mess. Nangingitim ang ilalim ng mata ko. Ni wala akong make up, hindi maayos ang buhok ko. Paano ako nakakaharap sa mga pasyente ko ng ganito ang itsura ko?

Then realization hit me.

I need to move on.

Kailangan ko siyang makalimutan para maipagpatuloy ang buhay ko. At hindi ako makakapag move on kung iiwasan ko si Jayson o magpakabitter dahil sa nangyari. I have to face my problems. I have to face my heartaches. Kailangan kong ilabas ang lahat ng hinanakit ko para makapagsimula ako.  At hindi ako makakamove on kung hindi ko siya kakausapin.

I need closure before I can move on. And I can only do that if I talk to him. Dahil hindi pwedeng ganito ako habang buhay.

At bago pa magbago ang isip ko at maduwag ako, agad kong kinuha ang phone ko and dialled Jayson’s number.

He answered the phone on the first ring.

“Hello.” My breathing automatically hitched when I heard his baritone voice.

Automatic na bumilis ang heartbeat ko pero tinikis ko ang nag uumapaw ko na emosyon and tried my best to sound calm and compose.

“I need to talk to you. “

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon