Chapter 25

227K 4.4K 349
                                    

25.

“Are we okay?” Hindi ako agad nakasagot dahil nahihilo pa ako sa halik niya. Nakatitig lang ako sa kanya at punong puno ng mga katanungan ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

Nung medyo nakarecover na ako, naglakad ako papuntang sofa at naupo. Sumunod siya sa akin at hinintay ko din siyang maupo.

“Of course we are. What made you think that we’re not okay?”Pilit akong ngumiti kahit na ang totoo, gustong gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero pinigil ko ang sarili ko. Gusto kong manggaling sa kanya ang rason kung bakit kami nagkakaganito. Gusto kong marealize niya ang ginawa niya.

 Hindi agad siya nagsalita. Tiningnan lang niya ako at sinalubong ko ang tingin niya. Hindi naman ako takot na aminin ang nararamdaman ko. Ang hinanakit ko pero and I want him to be sensitive enough to know that evrything is not alright. And after 2 weeks ngayon lang siya nakiramdam.

“You seem different. Simula nung birthday ni Mommy.” Bumuntong hininga ako at hinayaan siya sa mga sasabihin niya.

“Hindi mo na ako tinatanong kung okay lang ba ako, kung kumain ako. Ni hindi ka nagtatanong kung nasaan ako. Parang parang wala ka ng pakialam. You seem so uninterested. And a while ago, while I am kissing you, pakiramdam ko ang layo mo. You didn’t even respond.” But I was about to. Pero hindi ko na yun sinabi.

“Kailangan ko bang gawin ang mga yun? You want me to care? Akala ko ba  ayaw kong pinapaakialaman ko ang buhay mo?” Hindi ko na nagpigilan ang hinanakit sa boses ko. Tiningnan niya ako. Saglit na nagtama ang mga mata namin. Napabuntunghininga siya at inihilamos ang kamay sa kanyang mukhang. Frustration is written all over his face.

“Sinasabi ko na nga ba. Malakas na ng kutobko na dinibdib mo ang sinabi ko.” Sino ang hindi maghihinakit sa sinabi niya? Sinong girlfriend ang hindi magtatampo? Mabuti sana kung may usapan kaming casual lang ang relationship namin pero hindi. We maybe far away from settling down pero hindi naman fling lang ang relasyon namin. He is even talking about marriage. He is sharing his plans for the future with me tapos yun ang maririnig ko sa kanya? Am I supposed to be glad?

“No Jayson. Im cool with it. I perfectly understand.” I tried to deny it again.  

“No. You are not cool with it. Ngayon alam ko na, so stop being so logical about everything. Stop being so cold and so unfeeling.  Im sorry okay. Kung nasabi ko man yun. Nabigla lang ako. But I didn’t mean it.” And I don’t believe that he didn’t mean it. Emotional siya nung mga panahong sinabi niya yun kaya alam kong galing sa puso niya ang sinabi niya. Nabigla man siya o hindi. At masakit isipin na kahit saglit lang during his emotional state, naisip niya na wala akong karapatang panghimasukan ang buhay niya. Ang mga emotional na tao walang pinagkaiba sa mga lasing na tao, they cannot control their thoughts and emotions kaya kadalasan nasasabi nila ang mga ayaw nilang sabi kung sane sila. And mostly it’s the truth.

“Yun kasi ang pagkakaintindi ko. Unless may iba pang meaning ang sinabi mo.” I kept a straight face. Hindi ako umiiwas ng tingin. And even I can feel the coldness in my voice. Napatayo siya bigla sa sofa na kinauupuan niya at lumapit sa akin.

Tapos nagulat ako nung umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. Hinayaan ko siya hindi ko binawi ang mga kamay ko.  Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko and the warmth that it emits bring comfort to my heart.  But it’s not enough.

Tapos niyakap niya ako. Hinayaan ko din siya pero hindi ako yumakap sa kanya.

“I’m sorry okay? I’m sorry. Hindi na mauulit.” Sabi pa niya. Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ang damdamin ko. At naroon pa din ang hinanakit. Indeed, words are sharper than swords. And his words pierced through my heart. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon