Chapter 7

313K 5.5K 445
                                    

7

Jayson’s POV

“Nababaliw na ata ako.”  Sabi ko habang nakaupo sa harap ng mesa ni Tamadao.

“Matagal na. Di mo alam? Di sinabi sayo ni Hannah?” Pasarkastikong sabi ng kaibigan ko. Walang hiya talaga to. Nakapag asawa lang naging ganito na ang ugali.

Gusto ko siyang batukan pero siyempre kailangan  ko pa siya para makinig sa mga hinaing ko kaya mamaya na lang.   

“Alam mo Jayson, magtiwala ka lang kay Dra. Hannah. Magaling yun.” Buong kumpiyansa na sabi pa niya. Hindi ko rin siya masisisi kung bakit napunta ako kay Roselyn kasi hindi naman niya ang tungkol dito.

“Doon na nga ako. Magaling nga siya sa sobrang galing niya…” Pakiramdam ko nag init ang buong pagmumukha ko. That caught Tamadao’s attention.

“Anong nangyari?” Tinigil na nito ang ginagawa at buong atensiyon na ang ibinaling sa akin.

“I felt it stirred when I saw her legs.” Napanganga si Tamadao hanggang sa maging ‘o’ ang bibig niya. Parang gago lang. Parang baliw.

“Binubusuhan mo ang doctor mo?” Tapos nakita sinara niya ang nakabuka niyang legs at tinakpan ang dibdib niya. Parang baliw talaga. Kabwisit.

“Hindi! Para kang sira!” Ngali ngaling ibato ko sa kanya ang nameplate niya.

“Eh bakit mo nakita ang legs kung hindi mo binusuhan?” His eyes are proving at puno ng pagdududa.

“Habang nag uusap kasi kami, napacrosslegs siya. Eh nakapalda kaya yun, I have a glimpse of her urhhmmm…legs.” Tumango tango si Tamadao.

“Tapos?”

“She ended the session kasi time na daw pero hindi ako mapakali kaya hinabol ko siya at lumuhod ako sa harap niya para malaman kung ano pa ang magiging reaction ko kung matagal ko pang makikita ang legs niya.” Napa ’o’ ulit ang bibig ni Tamadao. Seriously, may problema ba siya sa expression at parang ‘o’ lang ang alam niya.

“In short, binusuhan mo talaga siya. Tatanggi ka pa ha! So nagising niya ang natutulog mong sandata? In short, siya talaga ang kailangan mong doctor para mapagaling ka.” Baliwala na namang sabi niya at bumalik sa ginagawa nito.

“What if, hindi lang bilang doctor ang kailangan ko sa kanya? Siya mismo ang nagsabi na siguro may hinahanap ako sa isang babae na hindi ko pa nakikita sa iba. At sa babae lang yun ako magrereact. Paano kung siya na yun?” Desperado kong sinabi pero mukhang hindi nakikinig itong kausap ko.

“Sinasabi mo bang in love ka kay Doc Hannah? Huh! Guni guni mo lang yun. Sa akin nga madaming naiinlove pero guni guni lang nilang lahat yun!”

“Hindi ko sinasabing in love ako sa kanya. Sinasabi ko lang na baka siya ang babaeng sinasabi niyang hinahanap ko para mabuhay ulit ang sanlibutan.” Binitawan na naman nito ang ballpen na hawak and this time tumingin ng diretso sa mga mata ko.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon