Chapter 34

173K 4.9K 630
                                    

Thanks Jhing. Comment na sagad sa buto ang inis. Wahaha

34

“What?” Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. At tumalon ata ang lahat nang pasensiya na iniipon ko sa katawan para sa kanya. Pati ang pagiging kalmado ko nawala.

“And what do you mean by that?”Hindi ko na napigilan ang edge sa boses ko.

“You heard me right. Ayaw.Kong.Mag.Move-on. Ka. Ni hindi pa nga tayo nagbreak,  gusto mo na kaagad mag move on?”  Lalong nangunot ang noo ko. Bumuntong hininga ako para kalmahin ang sarili ko pero ganun pa din. Ilang beses ko pang niremind and sarili ko na kumalma.

“Anong hindi nagbreak? Akala ko ba ayaw mo na sa akin? Ang liwanang ng sinabi mo, you just had enough. At kayo na ni Marianne kaya kang karapatang sabihin na ayaw mo akong mag move on. Ano ang gusto mong mangyari? Sinabi ko nang nakikipagbreak na ako sayo. ” Hindi ko na siya maintindihan. Ito na ata ang pinakamagulong break up na naranasan o narinig ko. Yung iba simple lang naman. Pag niloko, naghihiwalay. Pag may closure tapos na. O kaya kahit walang closure, move on na. Pero bakit ganito? Bakit ang gulo? Bakit ayaw niya? Anong gusto niya, pagsabayin kami ni Marianne?

“Pumayag ba ako sa break up mo? Oo nga. Sinabi kong I’ve just had enough. Pero sinabi ko bang nakikipagbreak ako sa’yo? At saan mo naman nahagilap ang balitang kami na ni Marianne?”

“I am not stupid para hindi malaman ang relasyon ng dalawang tao. Wag mo akong gawing tanga. Nakita ko kayo last time sa hospital remember? O baka naman masyado kayong engrossed sa isa’t isa at hindi niyo na ako napansin?” Mahina ngunit madiin na sabi ko. Tiningnan ko din siya ng masama. Umiwas siya ng tingin at tumingin sa kabilang table kaya sideview lang niya ang nakita ko. But nonetheless, I saw his lips twitched. Hindi ko alam kung ngumisi ba siya o umismid. Ang alam ko lang hidni niya ako kayang tingnan nang diretso. Ganun talaga kapag guilty.

  

“So, kapag magkasama sa mall, nakikipaglandian na? Kapag nakaabrisyete yung babae sa lalaki, sila na agad? A typical conclusion of a woman. Because women in general always think too much. Kunting misunderstanding lang kung ano ano na ang iniisip. Kung ano ano nang conclusion ang narating. I thought you’re logical? Kaya ka nga nakikipaghiwalay sa akin di ba? Because YOU think that it is only logically correct for YOU to break up with me. Because I am hurting YOU, because I am flirting with Marianne, because I am a playboy and YOU would only end up getting hurt, because I am not good enough for YOU and YOU deserve someone better. Am I correct?  That’s why I am surprised to hear that from you.  I didn’t think that you would allow your jealousy to cloud your judgement, Doc.” Matalim na sabi niya pero hindi nakaligtas sa akin ang pag emphasize niya ng salitang You. What is he insinuating? That I am only considering myself? Na hindi ko iniisip ang nararamdaman niya?    

“I didn’t conclude anything and I am not jealous.” He snorted dahil sa sinabi ko.

“Talaga? Kaya pala sinabi mong kami na ni Marianne. Kaya pala nakipagbreak ka. Because you did not conclude anything.” Napakasarcastic ng boses niya na lalong nagpakulo ng dugo ko. Ano pa ba ang pinag uusapan namin. Closure lang naman ang kailangan ko.

“Pinagexplain kita.”

“And I did explain. Pero hindi ka naniwala. At kahit anong explanation pa ang gawin ko, hindi ka pa rin maniniwala dahil buo na ang isip mo na niloko kita. At wala na akong magagawa kung ayaw mong paniwalaan ang mga sinasabi ko. Hindi ko kayang baguhin ang isip mo. I don’t want to impose on your emotions even if that emotions concerns me. Hindi ko rin kayang baguhin ang idea na nabuo na sa isip mo. Kahit na maglumuhod pa ako sa harap mo. Kahit abutin pa ako ng sampung taon kakasuyo sayo, kung ayaw mo akong paniwalaan, hindi mo ako papaniwalaan.” Napatulala ako sa sinabi niya. I am lost for words dahil nakita ko ang punto niya at dahil ramdam na ramdam ko ang hinanakit sa boses niya. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang iisipin ko. Pati ang naging desisyon ko mukhang pinagdududahan ko na. And I don’t know how it happened. Am I gullible?

“And now you want to move on. Go ahead. Gawin mo. Subukan mong kalimutan ako. Subukan mong kalimutan ang lahat ng pinagsamahan natin. You can try but don’t expect na hahayaan ko lang na gawin mo yun.” Mahina at madiin na sabi niya. His jaw is even clenched at kinakabahan ako sa klase ng boses na ginagamit niya sa akin. At nakakatakot dahil pakiramdam Jayson have the power to break me anytime and I cannot do anything about it.

  

“I admit na nasaktan kita dahil sa mga ginawa ko. At alam mong nagsisi ako. Ngayon gusto mo naman mag move on. Naghihingi ka pa ng closure. Bakit? Nasasaktan pa rin ba kita? Does seeing me Marianne hurts a lot?” Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

 “Good. Kasi ibig sabihin nun kahit papaano importante pala ako sa buhay mo. Kahit papaano pala may halaga din ako sayo. Kahit papaano alam kong hindi ako katulad ng ibang ex mo na hinihiwalayan mo without even a second thought. Now Roselyn, since you are the psychologist here tell me,  what do you think would I feel upon hearing that my fiancée doesn’t want to fight for me? Na kaya pala akong bitawan ng fiancee ko nang ganun ganun na lang? Na ganun pala kababa ang tingin niya  sa akin? Tell me what would I feel?” He said while looking sternly at my empty finger. Gusto kong itago ang ring finger ko.

Pero hindi ako makapagsalita. Pakiramdam ko bawat sasabihin ko, mali. Wala akong masasabi para kontrahin ang mga sinasabi niya.

“Do you think hindi ako nasaktan?  O well, maybe hindi. Pwede naman kitang palitan anytime, anywhere.  Yan ang inisip mo di ba? Playboy nga naman ako and I shouldn’t be hurt. It is just a relationship anyway. I’ve had a lot before.  But damn it Rose. Hindi mo alam.  It is my first time to fall in love, and I didn’t expect  it to be so…frail.” Napapikit siya at sumandal ulit sa couch na inuupuan niya. Ako, nakatulala. I was caught offguard by his outburst. OO nga at hindi siya sumisigaw. Ni hindi tumataas ang boses niya. Pero mas nakakatakot siya kesa sa taong sumisigaw at sa taong nagwawala. Hindi din siya umiiyak.

And  I can only imagine him in a household where a husband always firm and dependable. Napailing ako sa naisip ko at tumingin sa kanya.

Ilang sandal din siyang nakapikit at ilang buntonghininga din ang pinakawalan niya bago siya dumilat at tumingin nang diretso sa akin. His jaw is still clenched. Para bang stress na stress na siya sa mga nangyayari. At pakiramdam ko naman ako ang dahilan ng stress niya.

At naguguluhan ako. I need to think badly. I need to rethink and reassess everything.

“Sige, kung ayaw mo na sa akin. Okay lang.”Mahinahon na niyang sabi.

“But as I’ve said I don’t want you to move on. I can’t allow it. Papatunayan ko sayo na hindi ako ganun kadaling kalimutan. Magtiis ka. Habang buhay mong dalhin sa puso mo ang nararamdaman mo sa akin. Gagawin ko ang lahat para hindi ka makapag move on. Dahil mahal kita at hindi ganun kababaw ang pagmamahal ko.” 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon