Chapter 26

201K 3.8K 243
                                    

26

Hindi pa ako nagmumulat ng mga mata, gusto ko ng sipain ang sarili ko. Nagmamaktol ang buong pagkatao ko. Hindi ko maisip kung anong kalandian ang pumasok so katawan ko kagabi at pumayag ako sa mga nangyari.

I groaned in frustration. Ilang taon kong inalagaan ang sarili ko. Ilang taon kaming magboyfriend ni Emerson pero hindi ako bumigay kahit na natutukso ako. Kahit sa first love ko, hindi ko sinuko ang virginity ko pero kay Jaysonsa, ni hindi man lang ako nagdalawang isip. No…I didn’t even think. I just go with the flow.

Ahhh…nakakainis ako! Bakit hindi ko pinigilan eh ako itong nasa tamang pag iisip.

“Eeeehhhh!” Mahinang tili ko kasi takot naman akong tumili ng malakas kasi baka magising si Jayson na nasa tabi ko at mahimbing na mahimbing ang tulog.

Pero gumalaw siya at dahan dahang binuksan ang mga mata. Kinabahan ako ng sobra na para bang nahuli akong nagnanakaw. Napatingin lang ako sa kanya at hindi alam ang gagawin. Hindi ko din alam ang sasabihin. Ano nga ba ang sinasabi pagkatapos ng lahat lahat?

Abala ako sa pag iisip nung tiningnan ako ng mataman ni Jayson at nagulantang ako sa sunod na sinabi niya.

“Ano ang nangyari? Bakit ako nandito? Bakit tayo magkatabi? Sino ka? Sino ako?” Napanganga ako dahil sa mga narinig ko. Lalong gumulo ang kanina pang magulo na pag iisip ko.

Bakit hindi niya alam ang nangyari? Nagkaamnesia ba siya? Ganun ba kalala ang ED niya na sa paggaling nito naapektuhan ang brain niya?

Malapit na akong magpanic nung mapatingin ako sa kanya at nakita ko siyang pinipigilang mapangiti. Biglang kumulo ang dugo ko kaya ubod lakas ko siyang binatukan.

“Tarantado ka! Pinagloloko mo pa ako!”Parang gago. Ano na naman ang naisip niya at pinagloloko niya ako? Kahit kailan talaga.

“Aray! Bakit ka nambabatok? Ni rape mo na nga ako, binatukan mo pa? Can’t you show a little bit of gratittude?” Sabi niya habang hinihimas ang parte na binatukan ko pero di pa rin maalis alis ang ngiti niya. Nababaliw na talaga siya.

“Gratitude? Ako pa ang magpapasalamat? Ikaw itong nanghahatak na lang bigla bigla. At rape? Seryoso ka?” I can’t believe this! Lumalabas pa na ako ang nagmolestiya sa kanya. Nakakahiya naman sa puri niya.

“Rape yun. Wala akong matandaan. You took advantage of me during my weakest moment.” Seryosong sabi niya pero alam na alam ko na pinagloloko niya ako kasi kahit anong effort niya na maging seryoso, hindi maalis ang ngisi niya. His whole body exudes of happiness na hindi kayang itago.

“Neknek mo! Took advantage of you? Talaga lang ha! Kaya pala binuhat mo pa ako mula sa sofa papunta sa kwarto.” At hindi na talaga niya naitago ang ngiti niya. Amused na amused sa pinagsasabi ko.

“Talaga? Ginawa ko yun? Bakit wala akong maalala?” Todo pagkukunwari pa din siya. At hindi ko alam kung ano ang trip niya sa buhay at pinagtitripan niya ako ngayon. Ang sarap lang sabunutan.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon