Chapter 30

205K 4.8K 589
                                    

30

Kumukunot ang noo ko habang nakatitig sa cellphone ko. Then I imagined myself throwing it at Jayson’s face?

Pero hanggang imagination lang ako. Instead, I typed a reply.

“Why?” I waited for his reply. Hindi ako tumawag kahit na inip na inip na ako sa paghihintay ng reply niya.

“Aattend ako ng board meeting.” Napabuntong hininga ako. This is the third time na kinancel niya ang date namin dahil sa negosyo niya. Hindi ako dapat nagrereklamo pero hindi ko lang mapigilan. Minsan, naisip ko, hindi ba siya marunong mag manage ng time niya? O baka naman masyado mataas lang ang expectation ko kasi nasanay ako na palagi siyang may oras sa akin dati.  

Napabuntunghininga ulit ako. Yeah, I may I am just expecting too much. At isa pa, he already did mention that he’ll be busy these days.

Kinalma ko ang sarili ko at nagconcentrate na sa mga pasyente ko. Pero maya maya lang narinig ko ang text message sa cellphone ko.

Excited pa ako nung nakitang galing iyon kay Jayson pero hindi ko alam ang naramdaman ko nung mabasa ko ang message.

‘No, I can’t attend the meeting. I’m currently having a date, don’t disturb me. :D’

Nangunot ng todo ang noo ko. Akala ko ba aattend siya ng meeting? Nagsimulang mag form ang kung ano anong idea sa isip ko pero pilit kong inignore lahat. I don’t want to conclude based on a hunch. Kaya kahit namumuno na ang pagdududa ko sa isip ko pilit kong kinalma ang sarili ko and I dialled his number.

It took five rings before his phone was answered. And my breathing hitched when I heard the voice on the other line.

“Hello.” Came the voice of a woman.

Ilang seconds ata akong natulala. Still trying to ignore the truth.

“Hello.” Ulit ng sumagot.  And this time I am sure na si Marianne ang nasa kabilang line. Hindi ko alam kung bakit nasa kanya ang phone ng boyfriend ko and I am about to find out.

“Where is Jayson?” Malamig na sabi ko. I praised myself for the calmness in my voice despite the turmoil inside my heart. Gusto ko nang sigawan si Marianne. Gusto ko na siyang sugurin. Gusto kong hablutin ang cellphone sa kamay niya.

Hindi na din ako nagtanong kung bakit nasa kanya ang cellphone ni Jayson dahil takot akong marinig mula sa kanya ang bagay na kinatatakutan ko. And besides I wanted to hear it from Jayson. Ayaw kong maniwala sa mga sasabihin ni Marianne.

“Nasa CR.” Gusto kong itanong kung nasaan sila. Kung ano ang ginagawa nila. Kung  bakit magkasama sila. Pero ayaw kong si Marianne ang pagtanungan ng mga bagay na yun.  She’ll only makes things worst.

“Pakisabing tawagan ako pagdating niya.” And I hanged up.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon