Chapter 20

226K 4.2K 250
                                    

20

Something na bawal pero masarap.

“Ano ka ba! Baka  mahuli tayo!” Kinalabit ko siya sabay tingin tingin sa paligid. Kapit na kapit na din ako sa damit niya. Pero mukhang hindi niya nararamdaman ang panic na nararamdaman ko. Obviously hindi niya ito first time. Palagi niya itong ginagawa. Pero paano naman ako? First time kong gawin ito.

“Hindi yan maniwala ka.” Sabi pa niya pero ako pinagpapawisan na sa mga ginagawa namin. Nakakatakot. Nakakatakot talaga.

“Hindi ba bawal to? Hindi pwede tong ginagawa natin.” Nakakatakot. Paano kung mahuli kami? Makukulong ba kami?

“Medyo bawal pero masarap naman. Sinasabi ko sayo minsan mo lang to mararanasan sa buhay mo. Hindi ka mabibitin. Promise.” Tiningnan ko siya ng masama in a futile attempt to stop him pero di ko lang alam kung nakita niya kasi medyo madilim sa pwesto namin.

“Wala akong pakialam kung mabitin man ako o hindi. Kung minsan lang ako makatikim niyan. Basta ayaw kong gawin yan. Malaking kasalanan sa Diyos ang gagawin natin Jayson.” Sabay kalabit ulit sa kanya and again he ignored me.

“Hindi yan kasi di pa naman nab-bless to kaya hindi ito kasalanan.” Sabi niya sabay kuha ng plastic container na may lamang mga ostia. Napakaraming ostia.

Andito kami ngayon sa likod ng altar ng simbahan kung saan sakristan itong si Jayson. Oo na at nakumbinse na niya akogn sakristan nga siya ksi kilalang kilala siya ng mga pare pati na din ng ibang staff ng simbahan. Hinayaan na nga kaming pumasok dito sa likod ng altar. Itotour daw niya ako, pero ano itong ginagawa namin? Nagnanakaw kami ng ostia.

Isa akong respetadong doctor, pero bakit ako nagpapadala sa mga kalokohan ni Jayson? Hindi ko din alam. Pero kasi..parang…parang ang hirap niya kasing tanggihan. Sa edad kong ito, hindi na dapat ako nagpapauto, pero ito ako ngayon at sunod sunuran sa mga kalokohan niya.

He is persuasive. Very, very persuasive and so I end up eating with him.

“Gusto mo pa?” Tanong niya sabay abot sa akin plastic container. Napa iling ako at nakunsensiya nang makita ko ang halos mangalahati nang laman. Lord, please forgive me. Magdodonate na lang po ako ng madami sa susunod para may pambili ng ostia sila father.

At mukhang d pa siya nakuntento kasi kumuha pa siya bago siya nagyayang lumabas ng simbahan kasi daw magsasara na. And then we end up sa isang bench sa tabi pa din ng simbahan. Nakaupo lang kaming dalawa at nagpapalamok. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang bagay na ito. Hindi naman ako high maintenance na babae pero sa tanang buhay ko, hindi ko pa naranasang tumambay sa simbahan.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon