Chapter 8

308K 5.2K 388
                                    

8

Jayson POV

Pagkarinig ko nun agad kong binaba ang phone. Parang pinukpok and lupaypay kong kapalaran dahil sa narinig ko. Ikakasal na siya? Paano nangyari yun? Napaupo na lang ako sa upuan na nasa harap ng mesa ni Tamadao.

“Anong nangyari sa’yo?” Nagtataka naman si Dao sa inaakto ko.

“May fiance na pala siya.” Nanlulumong sabi ko.

“Oo. Matagal na. Ano ngayon sayo? Hindi naman yun makakaapekto sa pagtayo ng bandila mo para sa ikaliligtas ng sanlibutan.” Baliwala pa ding sabi ng Dao. Kahit ako hindi ko alam kung bakit parang binagsakan ako ng mundo pagkarinig ko na ikakasal na siya.   Ano nga naman sa akin? Doctor ko lang naman siya. Hindi ko naman siya syota para magdamdam ng ganito.

Ginulo ko ang buhok ko dahil ang gulo ng isip ko. Para parehas ng magulo ang buhok at isip ko.

“Hindi pwedeng ikasal siya!” Tumayo ako at may conviction kong sinabi yun.  Pati ako nagulat sa lakas ng conviction ko. Tumaas ang kilay ng manyak na OB.

“At bakit? Anong karapatan mong pigilan na magpakasal si Doc Hannah? Kung umakto ka para kang pinagtaksilan na asawa. Hampasin kita ng ovary dyan makita mo!”

“Kasi…kasi….” Wala akong maisip na dahilan.

“Kasi stalker ko siya nung highschool.” Bigla kong bulalas. Tumawa si Tamadao.

“Kung stalker mo pala bakit hindi mo pinatulan? Tapos ngayon may ganyan kang peg? Neknek mo!” Ahhh wala talagang concern sa akin ang kaibigan kong to. 

“Kasi panget siya nung highschool. Ikaw ba papatol sa panget na stalker? Paningin ko nga sa kanya dati si Sadako na eh. Ang creepy niya kaya.” Ang totoo, hindi naman sobrang pangit ni Roselyn dati pero nakakatakot lang talaga ang pagsunod sunod niya sa akin. Parang may anino akong atribida. Kahit saan ako pumunta andun siya. Pakiramdam ko tuloy nakikita niya ang lahat ng ginagawa ko. Ni hindi ko na nga kayang maghubad ng lubusan sa banyo namin sa bahay pag naliligo ako kasi baka nakasilip siya. Ganun siya ka creepy. Ahhh...pag naalala ko yun nakakatakot talaga pero hindi ko talaga inakalang, mag rereact ako sa kanya ng ganito.

Oo inaamin ko na maganda na siya ngayon pero kung ikukupara sa mga babaeng nakasama at nakama ko,  magmumukha siyang average. She wouldn’t stand out. Pero bakit ganitong panibugho na lang ang nararamdaman ko ngayon nalaman kong ikakasal pala siya. Naapektuhan ba ng ED ang utak ko.

Oh no!!

“Kala mo naman ang pogi mo. Pumapangalawa ka lang naman sa akin. Umalis ka na nga sa harapan ko!” Taboyb sa akin ng magaling kong kaibigan. Napakamot na lang ako ng ulo .

“Oo! Aalis talaga ako. Pero bago yun,  ito ang tandaan mo, at itatak mo sa mga ovary na ineeksamin mo. Kahit kailan, hindi mo naungusan ang kapogian ko!” Tapos nilayasan ko na siya. Narinig ko pa ang sinabi niyang ‘Ulol’ bago ko sinara ang pinto ng clinic niya.

Dumiretso na ako sa parking at uuwi na sa bahay. Pero may sariling isip ang mga paa ko. Hindi ako nakarating sa parking. Instead, naglakad ako papunta sa kabilang building kung saan ang clinic ni Roselyn. Pero nakita ko na siya na nakatayo sa tapat ng building na parang may hinihintay. Nakawhite skirt siya at black na blouse. Nasisikatan ng araw ang brownish hair niya at sa tingin ko, para siyang naggoglow sa ilalim ng araw. Kung dati halos hindi siya nagsusuklay, ngayon, well groomed na ang buhok niya may kulot kulot sa dulo. Mamula mula din ang pisngi niya hindi dahil sa blush on kundi dahil sa natural na kinis ng balat niya.

At aaminin ko na ngayon ko lang siya natingnan ng medyo matagal. At hindi ko pa din makita ang rason kung bakit naninibugho ako sa kaalamang ikakasal na siya. Ano ba! Hindi nga ako nagdamdam nung ikinasal ang girlfriend mga naging girlfriends ko lalo na ang girlfriend ko for one year nung college. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko sa isang babaeng hindi ko kaano ano?

Nakita ko siyang ngumiti at napangiti din ako. Nakita niya ata ako. Lalapitan ko na sana siya nung may humintong pulang Porsche na harap niya. Lalong lumaki ang ngiti niya. Then I realized na hindi naman pala ako ang nginingitian niya.

Dahil lumabas ang driver ng sportscar at dumiretso sa kanya.

Hinapit siya nito sa bewang at saglit na hinalikan ang labi niya. Ang totoo, gusto kong manapak lalo nanung matamaan ng sikat ng araw ang singsing niya at kumislap ang bato nito nung niyakap niya ang lalaki.

Nadagdagan ang panibugho sa damdamin ko. Pinagbukas pa siya ng lalaki ng pinto ng kotse at saka siya sumakay. Nugn umikot ang lalaki sa kabilang side napagmasdan ko siya ng maayos.

He is tall, siguro mas matangkad lang ako ng 2 inches, brownish ang groomed hair nito, athindi pahuhuli sa kakisigan. Ang totoo, pagkalabas niya ng kotse, ang daming babae ang bumuntonghininga at may nagsasabi pang ang pogi nito. At siempre, not to mention his car. Napatingin ako sa brand new SUV ko. Ni wala sa kalahati ng presyo ng Porsche niya ang sasakyan ko.

No wonder na nagkakandarapa si Roselyn sa paghahanap ng singsing.  No wonder na hindi niya kayang ipagpaliban ang lunch date nila.

And for the first time in my life I felt envious.

Kahit wala sa vocabulary ko ang salitang inggit, sa mga oras na yun, hindi ko maiwasan ang mainggit sa lalaking magiging bahagi ng buong buhay ni Doctora Hannah Roselyn  Dela Rosa.

My stalker. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon