Chapter 1

548K 7.1K 941
                                    

Chapter 1

“Gusto ko yung gentleman. Yung mabait at sweet. At siempre faithful.” Sabi ni Marnie habang umiinom ng milk tea. Oo nung mga panahon na yun, uso na ang milk tea. High school pa lang kami nun. 3rd year High School Bumalik na lang ang kasikatan ng milk tea ngayon. Hindi kayo naniniwala? Wintermelon pa nga ang iniinom ni Marnie.

“Siyempre dapat faithful at gwapo. Bonus na lang kung mayaman.” Sabi din ni Laarni sabay tingin sa crush siya sa kabilang mesa. Napatingin din ako sa mesa na tiningnan ni Laarni at napabuntunghininga. Grabe! He is so handsome talaga. Nangalumbaba na lang ako sa mesa habang tinititigan ang ultimate crush ko. 

Hindi siya maputi, hindi din maitim. Light brown na may kunting pink ang  kutis niya na sobrang kinis. At kapag naaarawan namumula siya. The true essence of a mestiso.  Not to mention his deep eyes na parang hinuhubaran ka na tinitingnan ka pa lang. Kaya wala ka ng magagawa kundi ang maghubad. And then his pointed nose and his enigmatic smile. Haysss… Pakiramdam ko naiihi na ako sa kilig kahit na tinitingnan ko pa lang siya. 

And not to mention his locks. Gosh! Sabihin niyo sa akin, sino? Sino ang kilala niyong Pinoy na may curly brownish blond hair na hindi mukhang gusgusin? Kung wala kayong kilala then,  you better see him. Yes. Him. Jaysonsa Ivanne Aldueger. Dahil buhok niya pa lang makalaglag panty na.  And I am sure almost all the girls wanted to run their fingers into those locks.  AT kapag ngumiti na siya, wala na, titihaya na alng ang mga babae sa paanan niya. Kasama na ako dun. 

Kaya hindi siya natin masisisi kung playboy siya. Kung ikaw ba naman ang tandang na hahainan ng palay, hindi mo kaya tutukain? At kung madami, iisa lang ba ang tutukain mo?  Kaya kahit anong saway sa akin ng mga kaibigan ko na itigil ko na ang crush slash obssession ko kay Jayson, hindi ko talaga magawa. Well, sinubukan ko naman, mga one minute pero wala eh, pagtingin niya sa akin, crush ko na ulit siya. 

“Hoy Roselyn!” Untag sa akin ni Marnie kasi napansin niya sigurong nagddaydream na naman ako at kasama ko na naman si Jaysonsa sa daydream ko na yun.

“Basta ako, gusto ko ng playboy. At least madami ng experience. Hindi na kami mangangapa. Halik pa lang satisfied  na ako.” Nanlaki ang mga mata ng dalawa at tumingin tingin sa paligid na baka may makarinig sa sinabi ko. 

“Hoy! Ano yang pinagsasabi mo? Magtigil ka nga! If I know sinabi mo lang yun dahil kay Jayson.” Nginitiian ko sila at tiningnan ulit ang mesa nila Jayson. 

Grabe ang pogi talaga niya! Kinagat ko pa ang labi ko habang tumitingin sa kanila ng lantaran. Napalingon ang crush ni Laarni sa akin pero hindi ko inalis ang tingin ko kay Jayson. Kaya nakita ko nung may sinabi ito sa kay Jayson which cause him to look at me. Oh My God!

Tumigil bigla ang puso ko nung magtama ang tingin namin.  Nag init din ang mga pisngi ko. AT kahit nakita kong kumunot ang noo niya hindi pa din ako tumigil kakamasid sa kanya. 

Kinakalabit na ako nina Laarni at Marnie para siguro tigilan ko ang ginagawa ko, pero hindi ko pa din tinigilan. Para kasing may magnet ang mga mata niya. I just can't get enough. Kahit higupin niya ang buong kaluluwa ko sa pamamagitan ng tingin niya, hindi ako magrereklamo.

And then he stood up. Napanganga ako.

Then naglakad siya papunta sa amin. Yung kaninang tumigil kong heartbeat, ngayon ang bilis na. Parang karera lang ng mga daga. 

Hindi pa din ako tumitigil sa pagtitig sa kanya, I memorized his every step habang papalapit sa akin. 

“May kailangan ka ba? Kanina mo pa kasi ako tinititigan.” Oh My God! This is all surreal. At napansin niya ako. This is big improvement. And  Jaysonsa is actually talking to me. Not to his girlfriends but to me. Ohmygosh! Parang hihimatayin na ako. 

“Miss, I’m asking you.” Sabi ng baritono niyang boses. Namamalikmata talaga ako kaya kumurap kurap ako ng ilang beses. Andito nga talaga siya sa harapan ko. 

“Yes, ang pogi mo kasi.” Narinig ko ang pagsinghap ng mga kaibigan ko kasabay ng pagyuko dahil sa kahihiyan na ginawa ko. Pero bakit ba ako mahihiya?  Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko. 

Nakita ko siyang nagsmirk at tumaas ang kilay. 

“Hindi ko ineexpect na ang panget na katulad mo, mga poging katulad ko pala ang type.” Napasinghap ulit ang mga kaibigan ko. 

“Aba! Ang kapal mo!” React ni Marnie. Ako nankangiti pa din habang nakatingin sa kanya. 

Parang angel siya na pinadala ni God sa earth para pasayahin ako. Haysss….

“Yeah, you’re right. Sino ba ang hindi magkakagusto sa’yo?” I said dreamily. 

“Roselyn!” Halos sigaw na ng dalawa. Pero hindi ko  sila pinansin. 

“Sige mangarap ka lang. Libre lang naman. At hanggang pangarap ka lang.” Sabi pa ni Jayson but that didn’t erase the smile in my face hanggang sa tumalikod siya. 

Sinusundan ko pa din ang likod niya habang naglalakad palabas ng cafeteria. Ang macho niyang likod. Nangangati ang kamay kong haplusin ang likod na yun. Hayssss. Tapos napatingin ako sa pang upo niya. 

Bumuntong hininga ulit ako. 

And the butt! Shucks! The butt! 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon