Chapter 12

258K 4.3K 484
                                    

12.

Jaysonsa POV

 2 days prior.

“Ikaw ba pareng JC, hinahayaan mo na si Joanne lang ang magdesisyon ng lahat? Di ba nakakabawas ng pagkalalaki na nagiging sunod sunuran na lang tayo sa mga babae?” Siniko ko si JC na nakikipagtext sa asawa niya. Tinatanong ata kung ano oras siya uuwi.

“Ahhh…oo naman. I always get the upper hand in our marriage. Ako ang padre di pamilya, ako dapat ang masusunod.” Pagsakay naman ni JC.

“Tama. Kaya kahit na mag boyfriend pa lang kayo o mag fiancee hindi dapat hinahayaan ang mga babaeng yan na kontrolin tayong mga lalaki. Di ba Tamako?” Napalunok si Tamako sa sinabi ko.  

“Ahhh, oo naman. Tama tama.” Sabi ni Tamako na parang wala sa sarili. Panay ang tingin niya sa relo niya.

“Damn! Galit na galit na si Krizza Jayson. Bilisan mo na at ng makauwi na ako. Malilintikan ako nito.” Bulong ni Tamako sa akin. Napatingin naman ako sa katabi namin na alam kong naririnig ang usapan namin.

Napalingon pa nga siya kaya napangiti ako.

“Fuck! Si Joanne. Nalintikan na.” Biglang sabi ni Oca sabay alis sa tabi namin at sinalubong ang asawa niya na nakakunot na ang noo. Paglingon ko kay Tamako wala na din siya sa tabi ko. Silang dalawa lang ni JC ang kinontrata ko para sa plano ko kasi alam kong kilala ni Emerson si Tamadao.

Pero ang dalawang walanghiya, nilayasan ako. Kaya wala na akong magagawa kundi ang solohin ang diskarte ko.

Kahit kailan hindi ko pa naranasang lumapit sa isang lalaki sa bar. Baka mapagkamalan akong bading. Pero kailangan kong gawin for the love of Roselyn. Naks!

Tumingin ulit ako sa gawi ni Emerson at nakita ko siyang nakatingin din sa akin. Tinanguan ko siya at tinanguan din niya ako.

“Saan na mga kasmaa mo?” Tanong niya sa akin nung mapansin na wala sa tabi ko ang dalawa.

“Umalis na. Nangchicks alam mo naman, mga macho.” Dinagdagan ko pa ng kunting tawa ang sinabi ko sabay inom ng hawak kong inumin.

“Ikaw wala kang kasama?” Dagdag ko pa nung mapansin kong wala na siyang planong dagdagan ang usapan namin. Pakiramdam ko nga brokeback mountain na ang peg ko.  

“Wala. Saglit lang naman ako. Nagchichill.” Sabi niya.

“Bakit? The night is early, the good girls are not yet here. “ Sabi ko pa like a full pledged playboy that I was before. Before my flagpole started crumbling.

“Off limits na ako pare. Ikakasal na.” Napangiwi ako. Mukhang totoo nga ang sinabi ni Roselyn tungkol sa Emerson na ito. Loyal ito sa kanya kahit na wala siya sa tabi nito. But what the heck, kung asawa nga nasusulot, fiancee pa kaya? Kung si Roselyn lang ang paraan para makapag flag ceremony ako ulit, gagawin ko ang lahat. Masaktan man ang masaktan.

“Ikakasal ka pa lang naman pala. Single ka pa din. At habang single pa ang isang lalaki, he should make the most out of it kasi kapag may asawa ka na hindi mo na magagawa ang lahat ng gusto mo. Itatali ka na ng mga babaeng yan sa mga palda nila.”

“We shouldn’t let girls control us. Tayo ang lalaki. Tayo dapat ang masusunod.” You rock Jayson. Ganyan nga.  

“Pero kung mahal mo ang isang babae, ang gusto mo lang ay mapasaya siya kasi mahal mo siya.” Ahhh, malaki ang potential nitong maging under. With Roselyn’s attitude, malamang ganun nga ang mangyayari dito.

“Pero kung mahal din tayo ng mga babae, gagawin din nila at rerespetuhin ang kagustuhan natin. We should have an upper hand on any relationship. Its bibilical pare. Kaya hanggang maaga, kung kaya mong kontrolin ang fiancee mo gawin mo. Pero kung hindi mo na talaga siya macocontrol, mag back out ka na ngayon pa lang. Kasi maaatim mo bang maging sunod sunuran sa kanya buong buhay mo kapag natuloy ang kasal niyo?”   Napatango na lang siya sa sinabi ko na parang ninanamnam ang katotohanan sa mga salita ko. Tama yan. Tama lang yan. Tinago ko ang ngisi ko sa pamamagitan ng pag inom sa hawak ko na baso.

“Alam mo tama ka pare.” Tama talaga ako at nakikinita ko na ang kalalabasan ng pangbbrainwash ko sa fiancee si Roselyn.

“Oo naman. Look at me. Sa lahat ng mga babaeng nakasalamuha ko, I always call the shots kaya hindi ako namroroblema sa mga babaeng yan. They are all disposable.” At siguro kapag narinig ako ng mga asawa ng mga barkada ako, malamang inilibing na nila ako ng buhay.

Inabot na nga kami ng hatinggabi ni Emerson sa bar na yun. At nagkwento pa siya tungkol kay Roselyn. Nakaramdam ako ng panibugho pero itinago ko ang damdamin na yun. Pasasaan ba at maghihiwalay din sila?

At sana sa lalong madaling panahon mangyayari ang bagay na yun. Kidlatan man ako sa mga pinaggagawa ko ngayon pero para ito sa ikabubuti ng lahing Pilipino. Para sa ikabubuti ng future of the Philippines. Para sa ikakaganda at sa ikakagwapo ng lahing Pilipino. Kasi kawawa naman ang bansang ito, kung hindi man lang masisilayan ang nagagwapuhan at nagagandahang mga supling ko. 

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon