Chapter 27

233K 4.7K 367
                                    

27

“Ano ba!?” Singhal ko kay Jayson when he smoothened my forehead using his hand.  

“Kanina pa yan nakakunot. Tama na.”He said reffering to my crumpled forehead.

“Eh kasi naman bakit ang traffic?”Reklamo ko pa. Naipit na kasi kami sa traffic dito sa may Makati. Sinundo niya kasi ako  sa clinic ko kasi pupunta daw kami sa bahay ng Mommy niya. Nag iimbita na doon kami mag dinner. Pero 7PM na andito pa din kami sa Makati.

“Friday kasi at Makati ito. Parang di ka pa sanay pag Friday dito.”

“Ano naman ang kinalaman ng Friday sa traffic?”

“Alam mo na, Friday night, gimmick, dates.” Bumuntonghininga na lang ako.  

“Bakit ba kasi dito tayo sa EDSA dumaan.” Maktol ko pa. Iritang irita na ang pagmumukha ko. Ewan ko lang kung kaya pang ipinta ng kahit sinong pintor.

“Matulog ka na lang dyan para di ka mainip.”

“Okay” Ang prepared myself to sleep. Inayos ko pa ang pagkakarecline ng upuan at kinuha ang maliit na unan sa backseat ng kotse niya. I am about to close my eyes nung nagsalita siya.

“Tutulugan mo talaga ako?” hindi siya makapaniwala na gagawin ko nga yun. Medyo malayo ang byahe namin at mas matatagalan pa kasi sobrang traffic ngayon. Pag tinulugan  ko nga siya, malamang mabobored siya kasi wala siyang kausap. Pero inaantok kasi ako.

“Bakit hindi? Sabi mo matulog, eh di matulog.” Pahiga na sana ako nung mapansin kong hindi na siya nagsalita. Tapos ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin. Pagtingin ko nga sa kanya, nagkasalubong ang tingin namin at seryoso niya akong tinitingnan. Tapos nung tumingin ako binalik niya ang tingin sa kalsada.

“Ale, buntis ka ba?” Tanong niya sa akin pero ang mukha niya, hindi ko alam kung amused, gulat, o natatae. Silhoutte lang kasi ang nakikita ko kasi sa kalsada pa din siya nakaharap.

“Oo, bakit?” Baliwalang sagot ko at hinintay ang reaksiyon niya.  Napanganga siya. Napatingin sa akin, buti na lang at matraffic talaga at nakatigil kami. He then closed his mouth to say something pero walang lumabas na words sa bibig niya. Tapos napanganga ulit siya. Nanlalaki ang mga mata.

“Hindi nga!?” Biglang bulalas niya and his eyes are shining. Kung wala kami sa kotse baka tumalon na siya.  

Tumingin ako sa labas ng bintana to suppressed my smile.

“Joke lang.” Walang kaemo enosyon kong sagot. Pero infairness ang hirap gawin nun ha. And then I felt it.

Binatukan niya ako. Pero mahina lang.

 Tiningnan ko siya ng masama.

Run, While You Still CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon